thanks pala sa email regarding job opening.
unfortunately, di ako qualified kasi di ako fluent sa japanese.
super basic lang ang alam ko, not even level 4 quality (lowest level).
ayaw mo na ba talaga sa vietnam?
when do you plan to leave your work there?
sana naman by june next year nandyan ka pa,
kasi just like what we did this year, plan ko mag-bday travel uli,
and i'd love to visit vietnam and cambodia.
sisingilin pa rin kita sa promise mong libre ang vietnam stay ko,
basta sagot ko ang plane ticket ko.
say!
btw, last friday napa-attack uli kami sa chico's nina cherryl.
noong una kasama namin si ali pero dumating ang "bf" nya,
so ako, cherryl, oche and kulot na lang ang rumampa,
tapos ni-meet na lang namin si angel (officemate ni cherryl) doon.
si kulot kasi never pa daw nakapunta don, so nagpasama sya.
nag-dinner muna kami, este ako lang pala, sa twist sa libis,
tapos around 11pm, attack na kami don.
ewan ko ba, wala ng effect ang mga ganong place sa akin,
especially after thailand's super wild sex shows.
chuks!
last saturday naman, nanood ako ng menopause sa music museum
starring mitch valdez, nanette inventor, leah navarro and isa pa.
ni-sponsor kasi ng friend ko yung play and nag-ask sya ng help.
instead na penis talks ang pinanood ko, yun na lang,
and medyo sad kasi di ako nagandahan sa show kahit love ko musicals.
di ako masyadong relate sa topic ng show, and di ako natawa.
sana pinambili ko na lang ng computer table ang pera ko,
para naman may lalagyan ang brand new pc ko na nabili ko last friday.
chuks!
since today daw ang delivery ng new pc ko,
napilitan na akong bumili ng computer table yesterday,
and naikot ko ang megamall, metroeast at stalucia for the perfect table.
since maliit lang ang room ko, i wanted a computer table/study desk.
may nakita ako sa mega, pero jusko, mga 5k ang price!
so hayun, napilitan akong bumili ng medyo chakang table for 1/3 nyan.
nag-rearrange tuloy ako ng buong kwarto yesterday,
and akala ko lalagnatin ako sa pawis at pagod.
today pa naman ang consultation ko with sir santamaria for my thesis.
btw, napanood nyo na ba ang the barbarian invasions?
panoorin nyo to, super nice movie, kakaiyak, as in.
atsaka last night, i started watching all about eve, old b&w film.
di ko masyado maintindihan kasi ang ingay ng pamangkin ko kagabi.
super hyper, sarap itapon sa bintana.
chuks!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home