Red Squirrel

samahan ng mga magaganda or something like it...

Friday, October 18, 2002

hey belinda!

334 pm na dito, and gusto ko na uli umuwi!
not because walang keri (actually meron, cutie!),
pero wala kasi ginagawa usually ngayon.
nagiging busy lang ako pag may requests,
tapos pag wala, tunganga ever lang.

what i usually do, i read newspapers, mga egroups ko,
mga internet reviews, and i write future travel plans.
libre kasi karamihan ng newspaper dito,
makukuha mo lang sya kung san-san.
actually, hindi dapat ako nagbabasa ng newspapers dito,
kung anu-anong napi-pickup kong pagkakagastusan!

i read an article about adrian tomine, cartoonist.
ayan, napabili tuloy ako ng books nya thru amazon.
tapos i read din the review of la boheme by baz luhrmann.
ayan, baka mapanood ako sa nov 2 ng opera sa sanfo!
may nakuha akong catalog ng sears kanina,
tinapon ko na agad baka mapa-shop ako bigla!
no chuks!

for now, parang gusto ko lang mag-travel, turista mentality.
gusto ko muna i-absorb the whole travel experience.
hindi ako napupunta sa places na pwedeng maka-meet,
puro wholesome places lang so far.
sana howie and my friend in NY can do something about this.
pero ok lang din naman sa akin kung wala.
atsaka actually, wala naman nag-o-offer, so wala talaga.
chuks!

about naman your friend na nagba-brag ng sexcapades nya,
well depende naman kasi yun, baka 1st time nya.
syempre pag 1st, you want the whole world to know,
siguro to validate your experience.
pero once mag-mellow down, he'll realize the need for subtlety.
o baka naman sobrang close mo na yang guy,
and he's insinuating something, between you and him.
o ticket to the gates of heaven mo na yan!
chuks!

good luck sa pag-meet mo kay sonny tom!
wish ko e mabighani sya ng iyong alindog at halina!
itago mo si shiela, baka magtaray-taray yan sa harap nila.
chuks!

Ü

ps. hindi ko alam meaning ng yerba, basta name ng park.
kaya maganda ang mga pics e dahil nandun ako.
chuks!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home