Red Squirrel

samahan ng mga magaganda or something like it...

Tuesday, February 17, 2004

hi belinda!

super nakakapagod ang galera, and as usual, overnight lang.
5 kami na pumunta, ako, oche, lukring, mam mila and marj.
di na nakasama si tita lulu for saykolow reasons,
na di ko na ie-explain dito.
chuks!

nag-meet kami ng mga 415am sa marikina,
tapos by 5 am, paalis na yung bus to batangas pier.
naabutan namin yung 8 am ferry trip to white beach,
and medyo madaming tao ang papunta rin,
and marami ang couples or groups of singles (like us).
1,500 peysus yung room, aircon, 3 beds and tv.
as usual again, natulog na naman si lukring!
although kakapagod rin naman kasi wala pa lahat tulog,
pero pinilit namin na gumising para makarampa.
don uli kami sa side ng lagoon, and ginapang uli namin.
tapos pabalik na, inakyat na lang namin,
pero super major hirap, as in!
si mam mila e may bagong title na, ula!
grabe ang bilis-bilis umakyat ng bundok parang
naglalakad lang sa h bautista sa concepcion.
chuks!

nagpa-massage kami nina lukring and marj,
and mga bandang sunset na to, and happy as usual.
after that, dinner kami and since valentine's,
naka-setup ang tables with candlelight.
since 5 kami sa table, 2 ang kandila namin.
chuks!

we played charades, and nanalo si lukring!
ako nag-host ng game with matching super win prize,
and ang category is tagalog sex films.
mga movies like "malagkit", "silang mga rampadora", etc.
runner-up lang si marj sa kanya.
nag-inuman rin kami with mindoro sling,
and medyo malakas sya.
nagpa-henna tattoo rin ako na nag-smudge!
pagkagising ko, kalat-kalat na yung tattoo ko!
huhuhuhuhuhuhuhu!

the following day, lipat kami sa tamaraw beach,
pero ako, lukring and oche lang,
kasi si mam mila and marj bumalik sa room para mag-jebs.
tapos hayun, ikot-ikot, rampa-rampa, sight-sight ng keri.
nakita pa namin yung isang volleyball player na keri ni lukring.
rommel daw ang name and medyo tumaba sya.
tingin sya nang tingin sa akin the day before pa,
tapos iniisip ko kung san ko na sya na-meet.
nang tinuro ko kay lukring the following day, crush daw nya yun.
anyways, umuwi pa rin ng luhaan si lukring.
chuks!

if you want to see the pics, please visit:

galera pics

0 Comments:

Post a Comment

<< Home