Red Squirrel

samahan ng mga magaganda or something like it...

Thursday, February 12, 2004

hi! may chika lang ako. yung officemate ko si anneap sinabihan nya ko before na baka gusto kong ibigay yung number ko sa uncle nya (he' not that old take note, he's only 28-29, dami kasing magkakapatid nanay ni anne and youngest ang uncle nya na to), e ako naman syempre kebs lang so binigay ko. just this week nagtext. text back naman ako. mukha namang mabait (as usual, at first!). he wanted nga to meet na at pumayag naman ang lola nyo (patagalin pa ba di ba? para kung lost sya e di kebs na after!) pero i told him na di ako pwede wkdays kasi 2-10pm pasok ko. di rin pwede this weekend kasi im going to galera. so sabi nya next wk na lang. payag ako syempre. kaso sad bigla syang nagtext just today and paalis na daw sya papuntang amsterdam (seaman sya btw! paging friend ni shiela!) emergency daw. sad! di ko tuloy sya nakita man lang. but he said "see you sa october!". o say!? wala lang, gusto ko lang i-share, boring kasi lovelife ko e. e february pa naman, dapat kulay rosas ang paligid, kaso in my case kumupas na pink na lang. hehe! yun lang, babush!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home