Red Squirrel

samahan ng mga magaganda or something like it...

Tuesday, October 22, 2002

may saykolow story pala ako.
may friend ako na kinaliwa ng bf nya.
2 months ago, sabi ng guy, cool-off muna.
tapos a week later, nalaman nya na may iba na.
yun pala, medyo matagal na sila ng isang girl.
syempre, na-shock ang bruha, drama to the max.

nang makausap ko uli sya lately,
sabi nya, gagawin nya lahat mabawi lang yung ex nya.
willing daw syang maging kabit, kahit sya yung #2.
niyaya nya mag-dyug-dyugan yung guy uli,
and sana raw mabuntis sya.
gusto kong ihagis sa kanya ang flat screen monitor ko,
at ang compaq xp professional pc ko.
chuks!

sabi ko sa kanya, it takes time to forget something like that.
minsan masarap maging tanga sa buhay,
but not to the point na i-compromise ang future nya.
kung mabuntis sya, habambuhay na sya nakadikit sa guy.

kanina, nag-chat uli kami.
sabi nya kasama daw nya uli yung guy kagabi.
at sabi nya, malapit na daw nyang mabawi.
syempre, sabi ko sa kanya, "ha?!?!?!?!?!".
lumabas ang pagiging articulate ko diba?
chuks!

ewan ko, pero napapaisip ako, at kayo lang makakagot,
marami bang babaeng TANGA?
chuks!

Ü

0 Comments:

Post a Comment

<< Home