Red Squirrel

samahan ng mga magaganda or something like it...

Sunday, August 24, 2003

hi everyone!

online ako right now, kahit na sabadong-sabado!
nag-research kasi pamangkin ko sa internet,
para sa class nila this coming september.
anyways, super antok ko na right now,
as in ang bigat ng mata ko.
hindi ko na ikaw ma-chika belinda sa ym,
baka ma-disturb ko pa kayo ng hitech mong nanay!
chuks!

nag-report pala ako today sa class namin,
and medyo disappointed ako sa nangyari.
yung report ng groupmate ko, medyo below expectations.
as in, kahit ka-group nya ako, di ko sya ma-defend.
tagal ko na hinihingi yung part nya para makita ko,
pero today, as in 30 mins before actual presentation
ko lang nakita at wala pa syang handout.
naiinis ako kasi i tried to present something really nice,
pero biglang nabawi sa part nya.
say, pero true yan according to my classmates rin.

anyways, last night pala nasiraan kami sa batangas.
nasira yung radiator ng van ni franco,
nag-outing kasi kami sa laiya with the whole batch.
mga 16 kami na nagpunta including mga anak and kapatid.
happy naman yung outing, mas naging exciting dahil sa nangyari.
nag-stay kami sa isang petron gas station sa batangas,
until sunduin kami ng driver nina marj.
tapos nakarating kami sa bahay nina marj sa batangas,
around 1130 pm na yata.
walang katapusang lamon at kantahan,
as in masuka-suka ka sa kabusugan, no chuks!
nakauwi ako ng manila, around 230 na yata.
hindi na ako nakapasok sa 830 am class ko kanina dahil dito.

o yun lang muna, kwento na uli ako pag
di na ako masyado tuliro dahil sa sobrang puyat!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home