Red Squirrel

samahan ng mga magaganda or something like it...

Thursday, October 02, 2003

hi everyone!
the goddess of beauty is back!
i hope super duper miss na-miss nyo ako,
the same way na na-miss ko ang email.
chuks!

just got back from cebu and bohol,
and fun, fun, fun ang trip!
we stayed in waterfront in cebu city,
and in fairness, same as shangri-la,
though it's cheaper and without a beach.
nakadaan kami sa shang kasi noong sunday night,
when we had dinner sa sutukil sa mactan.
it's a seafood resto na mala-dampa,
tapos pili-pili ka lang ng mga seafood.
instead of the more expensive lobster,
kumain na lang kami ng crayfish, scallops,
squid and giant shrimps!
good na sya sya for 3 people, tapos less than 1k.
aside from nett, ni-meet din namin isang friend,
si juvy na galing ng bohol tapos nag-stopover sa cebu.
ang saya ng dessert, kasi 2 tables away si marcus madrigal,
partner ni anna capri sa pila-balde.
chuks!

the same day din pala, we got to eat cebu lechon,
but it was kinda disappointing,
kasi sa loob ng sm foodcourt lang namin nabili.
may ni-recommend kasing place, yung cnt lechon,
pero super daming tao sa loob,
ni hindi mo ma-sight yung china-chop na lechon!
tapos we also went to magellan's cross,
yung sto nino church, oldest church yata in cebu.
yung mga na-visit naming churches,
including yung baclayon church sa bohol,
super antique na lahat and dami mga sto nino.
even entrance ng fort san pedro, may sto nino sa itaas.

the following day, ni-meet namin yung mga
former students ng tatay ni nett sa cebu,
sina tita liklik and si tita angie.
sinundo nila kami sa hotel,
tapos dinala nila kami sa japanese resto.
at first napaisip ako bat sa jap resto,
i was hoping kasi na cebu delicacies ang papakain nila.
while waiting for the food inside the resto,
they asked nett, "is marlon filipino?".
saykolow, e nagta-tagalog naman ako so
di ko alam bat nila naisip na hapon ako!
yun yata reason bat jap resto kami dinala,
kasi yung mga japanese guests nila lagi don dinadala.
tapos hayun, super busog ng lunch,
ala carte na naging buffet sa sobrang kabusugan.
siguro mga 3 hours before lunch,
breakfast buffet din sa hotel,
so abot utak ang kabusugan namin ni nett.
chuks!

after lunch, nag-tour kami sa fort san pedro,
one of the smallest spanish forts in the philippines,
tapos sa colon street, oldest street,
visayas university, oldest university in cebu,
san carlos university, oldest school in the philippines.
halos lahat yata ng napuntahan namin, may -est sa description.
chuks!

noong gabi sinundo uli kami ni tita liklik sa hotel,
tapos kasama nya yung d.i. nya, si boyet.
cutie si boyet, mukhang bata pa pero 30 na.
saykolow si nett, sabi nya, "tita, anak nyo?".
buti na lang at di binawi yung tig-isang kilong danggit,
and roundtrip tickets namin to bohol,
na courtesy ni tita liklik dahil mukha kaming walang pera.
chuks!

tapos hayun, we went to first circle,
pang-ballroom dancing na club somewhere in cebu,
tapos kaba kami ni nett kasi di kami marunong.
buti na lang at kumuha sila ng tig-isang d.i. for us,
although mas ok sana kung si patrick,
and hindi si grace ang naging partner ko.
chuks!

happy yung night, super ni-lands ni nett si patrick.
in fairness, cutie si patrick, like the other dancers.
dito rin sya sa manila nag-aral so can relate sya,
unlike grace na di pa nakakapunta ng manila.
grace was ok, magaling sya sumayaw,
marunong na akong mag-reggae, rumba, swing, chacha, waltz.
just name it, i can dance it.
chuks!

natapos kami ng past 2 am,
tapos we needed to get up ng 530 kasi
susunduin kami ng 630 para pumunta sa pier for bohol.
nagising kami mag-630 na, so yung breakfast buffet,
natapos ko in less than 10 mins, with 2 plates lang.
chuks!

bohol was super fun, pero super tiring and super magastos.
don kami sa dumaluan, sa tabi ng bohol beach club.
we rented a van for 2k, para tour kami ng bohol.
nag-loboc river cruise kami,
tapos buffet lunch sa loob ng boat.
super nice ng river cruise, ang linis ng river,
tapos may band sa loob ng boat kaya medyo romantic.
too bad, si nett ang kasama ko and hindi ang soulmate ko.
chuks!

after loboc, diretso kami sa tarsiers,
and ang liit-liit lang nila.
ang sarap nila hawakan, gusto pisain ni nett.
no entrance fee, donation lang ng any amount.
tapos we went to chocolate hills na medyo disappointing,
kasi kulay green sila lahat tapos medyo cloudy.
umakyat kami don sa 214-steps na stairs,
tapos pagdating mo sa taas,
kita mo na most of the chocolate hills.
then we went to baclayon church na puno ng mga statues,
tapos don sa blood compact site.
mga past 5 pm, nasa dumaluan na uli kami,
tapos lublob na agad sa dagat!
super duper nice ng dagat nila don,
as in pristine white sand, better than boracay!
more peaceful, much more relaxing.
daming starfish, as in iba-ibang klase.
meron ding fish sanctuary chuchu,
pero wala akong nakitang isda, puro starfish.

the following day, rampa naman kami sa bohol beach club,
tapos better yung view don, bayad ka lang 150 to get in,
pero consumable naman yung 100 don.
so to continue the trend, nag-breakfast buffet uli kami.
tapos higa na along the beach until noon.
nakatulog pa ako in between studying for my final exam.
basta super duper relaxing doon,
how i wish we could have stayed longer.

so hayun, pagbalik sa waterfront,
nag-casino na lang uli kami ni nett,
tapos nabawi ko yung 400 na natalo sa kin.
fun yung sa pula, sa puti na game,
medyo malaki yung chance na manalo ka,
unlike yung slot machine na naubos 400 pesos ko!
in one sitting, nabawi ko lahat ng talo ko.
tapos bandang 6 pm, dumating si tita angie,
may padala sa ami na isang buong lechon from cnt!
as in di namin alam gagawin ni nett,
kasi ang bigat na ng bagahe namin.
buti na lang at 41 kilos lang ang total ng lahat,
kundi wala na kaming pangbayad sa excess baggage,
although nakapag-duty free shopping pa kami.
chuks!

so hayun lang ang aming visayan adventure,
sana lang talaga na-miss nyo ako.
chuks!

:)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home