hi everyone! i just had the longest interview and exam ever, kakatapos lang ng exam ko sa isang small ad agency dito sa ortigas. saykolow, padrowingin ba naman ako ng kung anu-ano e di naman artist ang inaaplayan ko kundi copywriter. e yung kasabay kong mag-exam e super galing, ang ganda ng drawing nya. tawa nga ako ng tawa tapos sabi nung examiner bakit daw, e puro stick figures yung drinowing ko. weird. parang lost yung exam ko pero anyway, life goes on.
nag-celebrate nga pala si tita lulu ng birthday nya sa newly-opened dencio's sa eastwud. bongga ha, in fairness. thanks tita lulu. sa uulitin. grabe 26 ka na wala ka pa ring bf. ok lang lahat naman tayo.
i saw na allens pix. cutie in a way pero mukhang usual playboy. pero if he has invested na sa yo (the calls and text) baka medyo seryoso na. at rich ha if he really wants you to go to US at his expense. pero ingat pa rin. but at least your lovelife is flourishing unlike us here na super tigang. gudluck.
update nga pala with whatshisface, i saw him last week sa eastwud, papatawid ako tapos tinawag nya ko (the nerve!). syempre gulat ang lola mo, pero dahil madaming tao di ako nag-iskandalo. civil lang. i was thinking sino na naman kaya ang pinupuntahan nun sa eastwood? then i realized, i don't care. kebs na talaga. and the revenge thing, kebs na, karma na lang. wala na syang effect sa kin (honest!) whatever happened was his decision to make. again, life goes on for me.
kwento ko lang, yesterday nag-meet kami ng mga batchmates ko from ateneo hs, miriam hs, st. scho hs. wala lang super reminisce kami. ang saya. naalala namin yung mga loveteams nung high school. tapos now may asawa na yung iba. si lani pala ang kaloveteam nun si jeric estaco (you will remember rene requiestas sa itsura nya) pero mabait yun and funny. may project kasi yung batch namin na scholarship so nag-meet kami para makahanap ng pondo. kinakabahan nga ako kasi di ba magre-resign na ko this december, baka wala konti lang ma-contribute ko. yun lang.
uy belinds, about the business, gusto ko talaga. yung pinsan ko gusto magtayo ng parang andoks kasi she knows where to get chicken and other equipments. gusto ko nga so im sourcing for a possible location. so far, wala pa. nagse-save na rin ako ng konti kasi nga gusto ko na mag-business. sana when you come back here madami na kong ipon para maka-start tayo. pero sana matuloy na yan at wala ng mag-aaway-away. chuks.
di ako sure kung san yung volleyball team maglalaro e. have to confirm pa with my sister. bakit watch ka? sige go, tapos i-friend mo sila lahat para malaman nilang international beauty ka na.
bakit si marlon lang invyt mo mag-travel? bakit kala mo wala ko pera? huh, pag ako nakaalis ng pilipinas di ko na kayo papansinin lahat. chuks.
p.s. wala ba kapatid o pinsan si allen na pwede sa kin/min? :)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home