hi everyone!
uy belinda kumusta? we watched muvi yesterday ni marlon bugbog sarado yung title, starring maui, andrea, victor and jordan. may promise sana yung muvi, nagmamakasaykolow pero mas saykolow yung mga buong istorya, bigla na lang ngyari ang mga ngyari without even building up the characters, the situation, etc. (nagmaka-critic ba?). kasi sabi ko ke marlon matchstick men na lang panoorin, nagmaganda. ayan tuloy napunta kami ke maui. pero ok lang kasi trineat naman nya ko ng dinner, so sulit lang. thanks again marlon.
uy belinda when ka balik dito? di ba sabi mo december? sige pag balik mo dito ikot naman tayo sa metro manila, ipasyal kita dito sa marikina (as if may mapupuntahan dito!), di ba sabi mo happy yung barbecue kila aling rosing (wherever that is!). libre kita kahit lima (that is kung may work pa ko by december!).
sila lani and shiela nagmamaka-busy. saykolow.
uy belinds i watched nga pala the concert of sergio mendez. happy naman kaso karamihan sa audience kasingtanda ni sergio. but i saw a lot of celebrities (noynoy, bernadette sembrano -sila di ba?-, bianca araneta, chinchin, chanda, cherryl (chuks), etc.) feeling celebrity rin ako. pero karamihan ng songs nila brazilian at luma na so di ako masyado maka-relate. di nila kinanta yung mga 80's song like take this love, what do we mean to each other, etc. pero oks lang libre naman. nilibre ako ni alex kasi sabi nya para naman sumaya ako.
alam mo inaapi ako ni marlon kasi ang liit daw ng sweldo ko. pagsabihan mo nga yan. tell him na di naman sa sweldo nasusukat ang pagkatao. nasa ganda yan. at ganda ang pumupuno ng bulsa ko. chuks.
may sideline pala ako in a way these days. im selling swarovski bracelets and necklaces. made to order sya para hindi common. actually sa sister ko talaga sya pero im helping, so far nakakatatlong orders pa lang ako (sad!) pero ok lang at least im starting on my own (chuks). meron din akong binebentang damit (pambata, pangmatanda,panglola). balak nga namin ng pinsa kong mag-tiangge this december kaso wala pa kaming pang-rent. so direct selling muna ang drama namin. baka may gustong um-order dyan!
yan lang ang pinagkakaabalahan ko these days, just to get my mind out of the miseries in life. pagbalik mo dito belinds sana mayaman na ko. chuks.
ciao!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home