from cherryl:
hi! uy sayang di ko agad nabasa email mo. i was in masbate the whole week last week, sana napuntahan ko yung sinasabi mo. we went there originally for the fiesta, pero namatay yung uncle ko so ayun nakiburol at nakipaglibing na rin. anyway happy pa rin kasi nakapag-bakasyon. grabe kasi yung work. ngayon na nga lang ulit nakahinga-hinga, but next week super trabaho na naman. pero medyo mahirap yata yung work na pinadala mo, tapos sa province pa. eh parang mahirap manirahan sa masbate. wala masyadong tubig, wala rin masyadong sasakyan. marami nga lang pagkain. sabagay sanayan lang yun. syang talaga, sana napuntahan ko man lang.anyway, i met some interesting people sa masbate, i.e. boylets. there was this guy nga na laging nasa burol, and after the burial kinausap na ko. asking about where i live,etc. but there's no point in getting to know him kasi magkalayo so kebs lang. there were also some guys na friends ng pinsan ko, one was richie rich. pero dahil nga dun sila naka-base kebs lang. but at least i've met new people. meron pa nga one time nasa gimikan kami dun, may isang bading na tinaray-tarayan ako. akala yata pinagtatawanan ko sya. binangga pa ko. syempre di ko na lang pinatulan. pero sinumbong ko sa pinsan ko. buti na lang nice yung isang bading dun, nag-sorry sa min. tapos we went to see the rodeo, ang happy, ang daming tao, tapos there were a lot of delegates even from as far as benguet. may cuties from xavier/ateneo de cagayan. but according to my cousin, mas happy daw ang rodeo before kasi mas bongga at mas madaming sponsors. anyway, ok na rin. may mga kasali ring girls. nakakatawa sila kasi pag hinahabol na sila ng baka tumatakbo palayo tapos sumasampa sa harang. hahaha! we just have to admit that there are some things that we women can't do.antagal ko ng di nakakabasa ng blog so di na ko updated. later i'll try to read. kmusta ka na? anything new? kwento ka naman through email if you have time.ingatz!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home