Red Squirrel

samahan ng mga magaganda or something like it...

Tuesday, October 29, 2002

hey belinda!
may palaisipan question of the week ako:
bakit parang tayong 2 lang ang nag-uusap dito?
chuks!

na-saykolow naman ako sa news mo about sophie.
sana naman e wag syang maging cause ng anumang hiwalayan.
i mean, fun naman maging kabit, pero wag lang excessive.
anyways, kebs na sa mga sad news,
let's talk about na lang my shopping sprees last weekend.
chuks!

nagpunta uli kami ng sanfo last saturday.
ni-tour namin yung pinsan ni ivan (officemate) from LA.
pumasok kami sa aquarium of the bay,
para syang zoo ng mga marine animals.
happy kasi may super giant aquarium,
papasok ka sa tunnel tapos nag-swim around sila.
may pating, sting rays, star fish, giant isda, etc.

after non, nag-lunch kami sa seafood market,
i ate shrimp combo with chips, turo-turo ka lang.
sa sidewalk lang namin binili tapos hanap kami
ng resto na pwede naming kainan.
actually, bawal yun pero kebs.
chuks!

tapos nag-avail kami ng sanfo tour worth $26.
pero pinoy yung nagbebenta ng ticket so hayun,
nag-under the table transaction kami, $20 na lang.
akala namin discounted dahil pinoy kami,
yun pala fake tickets yung binigay nya sa amin.
accomplice nya yung tourist guide.

sakay kami ng tram for 2 1/2 hours, and happy yung tour!
napuntahan namin mga major attractions,
plus with explanation chuchu pa.
alam ko na ang difference ng italian sa victorian,
meaning ng yerba buena (good earth),
magkano house ni danielle steele sa pacific heights,
at kung gaano kalamig sa pacific ocean.

after the tour, sumakay kami ng cable car
from embarcadero to powell street.
sumabit kami like yung sa mga postcards,
fun naman although super duper lamig that time!
ayun, naparampa tuloy ako sa union square,
shopping mecca ng san francisco, to buy a coat.

*giggle*

tapos nagpunta kami sa yerba buena for dinner.
super daming tao dahil 6th game ng world series.
may giant screen tapos yung mga tao e nanonood don.
too bad, natalo ang giants, may riot sana if ever.
chuks!

the following day, nagpunta naman kami sa gilroy.
more than 1 hour away from walnut creek,
outlet shopping chuchu sya, super mura.
hayun, naubos ang pera ko don!

nakabili ako ng new jacket and towel from polo,
perry ellis perfumes (9 bottles) and belt, levis jacket,
bass wool blanket, adidas shoes, fossil watch,
geoffrey beene sweater and shirts, and clinique gift sets.

yung mga salesman sa mga shops, super keri.
lalo na pag mga designer labels, mukhang mowdel lahat!
most of them super bebenta sa pinas pag ni-import natin.
gaganahan ka talaga mag-shopping kahit everyday.
chuks!

kaya hayun napagastos ako ng more than $400 in one day.
di pa kasama yung ni-shop ko before that day,
yung banana rep wool jacket and sweaters for $200+.
lecheng mga salesman, ang ku-cute.
chuks!

kahit eto at super poor ko na uli at walang pangkain,
super happy pa rin mag-shopping dun.
i don't think magagawa ko yan sa pinas,
mag-shopping spree ng close to 40,000 pesoses in 2 days.
bibili na sana ako ng mga pasalubong sa inyo
pero kaming 2 lang ni belinda ang alive dito so kebs na.
chuks!

Ü

0 Comments:

Post a Comment

<< Home