hey lani,
that was actually my intention, i-saykolow yung mama mo.
or unti-unti mag-drop ng hints na there are things she doesn't know,
and that you have a life outside of your house.
gusto ko nga send-an ka ng super saykolow postcard,
kunwari about sexcapades mo naman.
chuks!
based sa kwento mo, parang no diff with cherryl.
lagi na lang bang nasa fine line ang drama natin?
pero win ha, bigla kang napapayag makipag-first date.
it's a sign na nare-realize mo na 3 years na lang, menopause ka na.
chuks!
mukha namang enjoy ka kay mark, so go lang.
baka one of these days, sa dalas ng paglabas nyo (sana),
biglang ma-realize nya na ikaw pala ang answer sa questions nya.
maisip nya na bat pa sya nagwa-whine about ex-gf, nandyan ka naman.
o diba, melodrama ang magiging love story mo?
chuks!
ako naman may nagba-bother din sa akin recently.
may isa akong close friend na biglang nagka-gf recently.
dati iniisip ko kung may something ba between us.
kasi kahit lagi sya tinutukso ng friends nya,
lagi pa rin syang sumasama with me.
akala tuloy ng friends nya, baklush din sya.
recently, nagka-gf etong friend na to.
hindi ko nalaman sa kanya, sa ibang tao pa.
di ako makapaniwala kasi super unlikely pair sila.
kilala ko yung girl and i feel na malabo na maging sila.
tapos sabi ng nagkwento sa akin,
inaaabangan daw ako sa ym para mag-explain.
naisip ko lang, bakit at anong ie-explain nya sa akin?
noong nalaman ko yung news, na-bother ako, just dunno why.
pwedeng it's about the unlikely pairing, yung di pagkwento sa akin,
or perhaps, yung idea na someone close to you, may close nang iba.
from bahay to office, may isang major road kaming dinadaanan.
yung ygnacio valley, more or less, 5 minute-ride.
medyo mataas yung road, so kita mo yung mga bahay sa baba.
parang paakyat ka ng antipolo, kitang-kita yung mga ilaw ng bahay sa gabi,
tapos sa kabilang side, may rows ng mga bundok.
minsan super foggy na feeling mo nasa ibabaw ka ng clouds,
dahil yung valley sa ibaba, covered ng fog.
at night, pag tumingin sa ka sa bundok area, always clear ang sky.
kitang-kita yung mga stars sa gabi, tapos yun lang yung light.
it's like the setting of manuel arguelles's short story,
how my brother leon brought home a wife.
every morning and tuwing uwian, kahit na 5 minutes lang,
parang eto na yung highlight ng araw ko.
makita ko lang yung mga stars, mga bahay sa ibaba, happy na ako.
kung may mga bagay akong mami-miss dito, definitely this tops my list.
parang it's the only place here i feel serene.
usually sa beach ko lang napi-feel yun, like puerto galera at night.
etong area na to, kahit 5 minutes lang, source of comfort ko,
na kahit wala akong work or wala na yung ka-close ko,
feeling ko may mga bagay pa rin na magpapasaya sa akin.
*sigh*
0 Comments:
Post a Comment
<< Home