Red Squirrel

samahan ng mga magaganda or something like it...

Monday, April 21, 2003

hi belinda! sorry ha it's been quite a while since my last e-mail (well, di naman masyado kaysa yung iba dyan na parang di na nage-exist, paging lani and shiela!!!) anyway just had coffee with you know who. wala lang kwentuhan. well, nag-pass na sya ng resignation letter. next month wala na sya. honestly, wala kong masyadong ma-feel. well alam ko na last week pa. kaya nga sabi ko medyo sad di ba? but that was it, medyo lang. parang wala ng effect masyado. as in, honest. di ko alam kung bakit. siguro medyo nagsubside na yung kung ano mang napi-feel ko before. maybe i'm really moving on. di ba pinag-exam nya ko sa today newspaper (na hindi natuloy! mode, nasayang oras ko) pero ok lang kahit di natuloy, parang feeling ko nga ayoko na sya talagang makasama sa work. ok lang siguro usap-usap ng konti, pero yung everyday ko syang makikita, i don't think so!!! in denial ba? ewan ko lang. baka di pa nagsisink-in no? sana ganito na talaga ang ma-feel ko ever, ok na kong wala sya. no chuks! kung si vlad the one who got away, feeling ko SYA naman, the one who will be getting away (tama ba yun?). but i dont have any plans on stopping him. yun lang.

pumunta nga pala kami sagada, happy sana kaso super nakakapagod. nag-caving kami, hiking, ang dami kong sugat sa binti, di na ko flawless (chuks!) kasama namin si alex, marj, kitkat and sister nya. like i said happy pero di ko na uulitin. once is enough, di naman siguro magbabago itsura ng sagada/banawe in like ten years. pero i recommend na go there kahit once in your life kasi super majestic yung caves and mountains and rice terraces. dapat lang dont do everything in one day kasi di nyo kakayanin. super swerte nga kami ni alex kasi chance passenger kami papunta, pati pauwi chance passenger pero kahit super dami pasahero nakaupo kami, at take note, maganda pa yung naupuan namin. next year pinatubo naman!!!!

uy about your viet friend, weird sya ha. feeling ko na-offend sya sa di mo pagsama mag-lunch. kebs mo na sya, pero if he'll talk to you again, kausapin mo rin kasi he was a good friend din naman before di ba? sayang, akala ko may viet boyfriend ka na dyan. si elias naman, siguro you need to tell him na if you're feeling weird na kasi sayang ang effort nya. baka in the end ang ma-feel nya pinaasa mo lang sya. yun naman si ngoc tuan, be friendly rin sa kanya kasi baka sya yung alternate nung viet friend mo. weird ng mga advice ko. parang walang laman.

about your work, sana ma-realize mo na di talaga para sa yo yan. chuks!!! gusto ko lang bumalik ka na dito. seriously, give your best pa rin para naman wala sila masabi. para kahit sabihin mong ayaw mo na, maganda record mo sa kanila.

uy tumawag pala mommy mo sa house. nakausap papa ko. tinatanong yung transcript mo. sana by the time you read this naayos na ni lani yun.

uy yun muna, kasi parang nahihilo na ko. kanina pa ko nakatapat sa pc. meet ko si lani rin so dito muna. smile. ciao!

mula sa babaing di na masyadong flawless ang binti :)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home