Red Squirrel

samahan ng mga magaganda or something like it...

Sunday, November 16, 2003

hi!

wow parang philosophy class ang mga blogs ngayon ha. gusto ko rin sana mag-emote pero wag na muna para ma-neutralize.

kahapon nga pala shiela and i went to robinsons east and we watched yung finalists ng starstruck (fyi belinds, bagong reality show ito sa channel 7 about these teeners na gustong mag-artista and then isa-isa silang mavo-vote out ala-survivor). in fairness wala kang itatapon sa kanila mapalalaki o babae, ang kikinis at panalo lahat. uy marlon, cutie nga si rainier pero sya na yata ang pinaka-less cute kasi maliit lang sya e yung iba matatangkad at super mestiso. pero keri ko pa rin sya. sad naman if one of them will be voted out kasi nga in fairness may talent silang lahat although medyo awkward pa yung iba. siguro syempre mga bata pa. say, nagmaka-critic!

uy guys nag-plan na pala kami ni shiela re: our christmas party. we thought of 1)going to tagaytay (para maiba naman ang setting) 2) antipolo (parang tagaytay pero mas malapit, therefore, mas cheap or 3) mag-stay ulit dun sa hotel na pinuntahan natin belinda nung valentines. then we decided (talagang kami nag-decide!) na option #3, kasi para overnight, so walang nagmamadali or something. uwi na si shiela on dec 23 sa bicol so naisip namin na dec 20 yung party (that's a saturday). like last year, may bunutan para sa gift. we would also like to suggest na we bring fud, as in real fud ha, and drinks para super party galore talaga and drama natin. hope belinda na you're already here by that time (uwi ka ng xmas di ba?).

si marlon naman suggested na westin na lang kasi he has 75% discount, we will take that into consideration (as if talagang may steering committee sa party!chuks!). pwede ko ba isama si alex sa party kasi medyo malungkot sya these days? gusto ko syang sumaya.

nga pala belinds, sabi ni shiela may mura daw sandals dyan sa vietnam na may flower na design. actually nakita ko nga yun sa newspaper, gusto ko sya. so if ever may makita ka bilhan mo naman kami, bayaran ka namin when your here na (or pwede rin pasalubong mo sa min! chuks!). size 7 nga pala ako. actually, ang daming articles sa newpaper about vietnam these days,siguro dahil sa seagames. feeling ko tuloy ang saya dyan.

yun muna. uy belinds ingat ka dyan and have fun.

(p.s. nasa-sad din ako most of the time!)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home