Red Squirrel

samahan ng mga magaganda or something like it...

Thursday, July 31, 2003

uy sad nga ngyari with elias. i didn't know na ganyan sya. feeling ba nya there's really something going on with you na he has to demand and expect things. pero siguro dapat nga na from the very start if you really didn't like him e you told him na and never went out with him in the first place kasi he felt he was cheated, after nga naman you went out with him and you even acknowledged his calls and text tapos bigla na lang wala sya maririnig from you. pero weird pa rin sya kasi i heard that most of the guys pag di mo na pinansin titigil din and wala ka na ring maririnig from them. but elias is different. saykolow!

keep us updated.

Wednesday, July 30, 2003

LECH....i have no idea kung anong bad mouthing ang ginawa ko...i emailed elias to say sorry...here's what he wrote:


that was the reason why i wanted to talk to you personally. somehow i
sensed
that it wasn't working for you, especially when you bad mouth me in
your
messages to your friends. but i thought that if we were to end whatever
there was between us, i'd rather do it personally and more importantly
in a
civil and proper manner. i'm just sad things happened the way it did.

yes. what you did was wrong, it was really mean, and for someone who
always
preaches to do the right thing-- totally immature. but despite all
these,
i'm not mad at you... well, maybe that's not entirely true :), but i
certainly don't hate you.

Tuesday, July 29, 2003

marlon....di alam ng bro ko kung saan ko nilagay ang yearbook...pati ako, i forgot kung san ko nilagay....sa december na lang...ill look for it....basta i know tht it's just there sa apartment....

shiela...favor pls...since nag-ma-master's ka sa uste...pedeng daanan mo na lang sa house ko ang siddharta book? just lemme know the date/time so i can inform my bro/sis....baka kasi di alam ng bro ko pumunta sa office ni marlon e...

lech...classic to...a friend from my mba found out that her bf is married...eh kakasagot lang nia a few days bago nia malaman na may asawa na pala ang mokong....grabeh no...makes me feel glad di tayo padalosdalos sa pagbo-boyfriend....hayyyyy

gusto ko nang umuwi

belinda,

aside pa pala sa siddharta, nasa yo pa rin ang yearbook ko.
ok lang na pasabi mo sa brother mo,
tapos hatid nya either sa marikina or dito sa ortigas?
nahihiya ako sa brother mo, alam mo na shy talaga ako.
chuks!

with the business naman, hindi naman ayaw nina lani at cherryl.
medyo naguguluhan lang sila sa mechanics ng salary,
even after na i-explain ko sa kanila.
i felt na better kung solo na lang kesa gumulo pa lalo.
mahirap kasi talaga kung friends ang mga business partners.
parang we don't know where to draw the line between friendship and business.

Monday, July 28, 2003

marlon:

siddharta. can you call our house na lang and ask my bro to deliver the book to you? sorry ha.

business. dahil lang sa salary ayaw na ng 2? i dont think so, prang ang babaw. get to the root baka maayos pa yan. pero if you think it's not worth the trouble, oks lang, mag-isa ka na lang. pero pede pa bang sumali? partners tayo nina shiela na lang.

joey. i wont entertain any questions about him. basta kung ano lang i dish out ko sa inyo, yun lang talaga. i went out with him. and i totally enjoyed spending time with him. i think sobrang like ko na sia but reality check! he's going to NYU next month for his master's. 3 years sia dun...we both know our limitations so kebs kebs na, basta we're just doing a carpe diem thing. lech. why oh why do i get attracted to guys who are about to go a thousand miles away.

pics. send me the pics na pls....thanks!

hi belinda,

i have super duper bad news.
i've decided to go solo with the business plan.
merong reservations sina lani and cherryl re: salary,
and iba yung direction na gusto nilang i-take sa naiisip ko.
i felt na it would be better if i go solo,
kesa dumating sa point na magkagulo-gulo mga tao.
nagkausap-usap na kami about my decision.
magpapasama na lang ako kay shiela sa divisoria,
ililibre ko na lang sya ng bigmac meal with free upsize.
chuks!

btw, yung siddharta book ko di mo daw binalik!
kailangan ko yun, gagawan ko ng paper yun no!
return it asap please!

Friday, July 18, 2003

hi belinda!
super excited na ako sa bongga libre mo tom!
can't wait to see you!
just text me, and i'll meet you after my class.
uwi muna ako ng house to get my things,
tapos diretso kung san man meeting place.
about the goodies, i'm sure marami nyan sa airport,
kaya don't forget the boxes of pasalubong ok!
chuks!

see you tomorrow!
ingat sa pag-uwi!
mwaaah!

VIETNAMESE GOODIES

marlon...dont have time to buy...next vacation na lang...sa xmas....lech...eh pano maaga kasi nagsasara mga establishments dito...mga 9 wala na....tas ive been busy weekends...or sleeping my weekends off kasi sobrang pagod ako talaga...next time promise....

SHIELAGURL:


SARS.

yup , i have SARS. if you've been reading the newspapers lately, you'll know that HOCHIMINH is vastly affected with SARS...like close to a hundred percent are suffering from this disease...and if you have been keeping watch on global happenings, which i think you have, or else you wouldnt ask me that very consequential question...you will also know that airports just let people freely pass through their terminals without verifying their health conditions...so there you have it....

YOU AND LANI LEAVING ON MONDAY

like what marlon has blogged...it's all right if you guys leave early but i think that would be rather foolish...imagine a total of 20 hours of travel in going to and fro pagudpud.... with us leaving on saturday afternoon, i dont think that gives u sufficient time to enjoy pagudpod nor time with your very amiable friends....you do the calculation....but it's your and lani's call...tsaka wait...may factions na ba jan? you and lani, marlon and cherryl? OA ha....


FARE

basahin mo blog ko kung ano sinabi ko about that...

MANILA HOTEL OPTION

that's boring...

belinda,

if we will go to pagudpod, lani and i will be leaving monday morning because we want to be back in manila around 10 pm. i hope it's okay with you...i have two concerns---1. wala ka ba sars? advised kasi for tourists self-quarantine, i'm just worried about my health i really want to be sure you dont have one...2. what about the transpo costs??are you going to shoulder all the transpo costs?? kasi we have to ride 2 buses from manila to laoag and from laoag to pagudpod ayoko naman pagdating dun magtuturuan di ba re fare?????want everything to be clear lang and want to at least budget my money rin (kung meron) kasi pagudpod is kindda far as lani mentioned (which i kindda agree) okay lang sa akin dito manila hotel na lang with jacuzzi,etc but you want somewhere farther fine with me basta sayo transpo.....hehehehe....i'm not joking ha sorry i just want to be practical and everything to be clear...please reply if you still have the time....

gorgeous shiela

Thursday, July 17, 2003

belinda, naghahanap daw si cherryl ngayon ng van.
gusto yata nya bolinao, pero hirap ang transpo.
since sagot mo ang transpo, baka mag-van tayo.
say!

suggestion ni lani, subic daw.
hello, mag-2 day leave ba ako for subic?
tsaka walang makikita don, hindi ako natuwa dati.
either bolinao or pagudpud tayo.
wish ko rin dalhan mo kami ng vietnamese goodies!
gusto ko makatikim ng authentic vietnamese food.
say!

about elias, sabihin mo na kasi ang totoo,
na you're no longer interested.
sabihin mo nagliwanag na ang mga paningin mo.
chuks!

pwede ka yata sunduin ni cherryl, sabi nya kanina.

OMG! i am soooo dead....cherryl, did u ever get my text message on buying me a swimsuit/borrowing from you coz wala dito maganda??? dang...i think i sent it to elias...here's what i have written, 90% lie:

hi elias...yeah sorry about last night...i was out with my boss till late evening and my phone was dead the whole time...i did get your message early morn but wasnt able to text back coz i was soo exhausted...promise....about my leave, i have decided yesterday, ay, monday pala to take a leave next week....my boss allowed me to...my friends already know about it and they made plans na nga to go some place...

and here's what he wrote:

kung patay yung phone mo the whole time, who answered my message? it was almost an instant reply. that really bothered me. plus the fact that i tried calling you all day yesterday to ask you what's going on, but you wouldn't pick up. sorry... i don't want to nag about this, i know you're very busy and you've got a lot of things in your mind right now. pls tell me when you have the time to talk.


LECH. i think the message was accidentally sent to him...fuck....minsan lang ako magsinungaling tas nahuhuli pa ako? i cannot believe my luck!

help.

cherryl...so u gonna pick me up?

Wednesday, July 16, 2003

cherryl...meet daw tayo ni marlon at 5pm sa mcdo? you still wanna pick me up? tell me so i can finalize na...pero sana naman no?! i can leave my stuff sa sampaloc muna...take a quick shower then leave for pgdpd....i suggest we meet the others in sampaloc (sa apartment) around 5pm kung hindi makaksundo si marlon sa tin....kasi there are lotsa terminals in sampaloc....check na lang marlon/cherryl for time and location...pero im sure there are kasi one time i did see some buses that had pgdpd in their signage...o sia....blog na lang kayo ulit....

shiela, lani, parang ang sad naman ng news nyo.
ako willing ako mag-leave for 2 days, nag-file na ako.
the plan is to leave saturday night for pagudpud,
and kung di kayo pwede mag-leave nang matagal,
i suggest you take the earliest bus trip back to manila.
yun lang naiisip ko na work-around sa pagka-diva nyong 2.
chuks!

belinda, about elias naman, tell him about your arrival,
pero make it clear na you already have plans.
tapos set aside a night na pwede kayo magkita,
just to talk things over.
it's better to tell him up front than keep him hanging.
pag narinig mo ang kwento ni cherryl,
mas fully ma-realize mo ang sakit at hinagpis ni elias.
chuks!

belinda

as much as possible i cant be absent for 2 working days i.e. monday&tuesday...really cant stay that long wherever we are going..ok? lani thinks it is such a waste of time traveling 10 hours just to go to pagudpud...in my case, it's okay, it's better than going to mindoro and risking a bad wearther especially this rainy season....i heard there is typhoon but i don't know when exactly...so it's better to be safe....

gorgeous ever...

help...elias emailed me:

bel, i tried to call u over and over last night to check if you're ok but i couldn't get through. prior to that, i sent a text message asking if you have an arrival date already and i received a seemingly unreceptive response? what was that about?

gosh...am i so mean?

si anthony ni marj pala galing boracay last weekend.
he spent almost 12k raw including 5k for plane fare.
aside from the high risk ng roro boat trip for 16 hrs,
di ko yata kaya na gumastos ng 7k for 3 days sa boracay.
i really suggest na pagudpud na lang,
kasi there are cheap resorts there, na mga 500 per day lang.
set na natin yung place and time of meeting,
like 5 pm in mcdo katipunan?
di ko alam san yung bus station ng pagudpud trip,
so siguro kahit sa area na malapit don na lang.
natawagan ko na si lani about it, pinasabi ko for shiela.


Tuesday, July 15, 2003

oy cherryl...paki-confirm naman kung makakasundo ka...para ma-arrange ko na ang aking pag uwi...marlon? 330 ka pa? so after class mo, dretso tayo pagudpod or whereever? grabeh lech naman sana di tayo ulanin...mode kung walang araw....

omg, nabuhay ka!
may super sad news, according to weather.com,
may scattered thunderstorms this weekend!
pero most probably sa visayas area,
kaya medyo malabo ang boracay plan by boat.
i suggest we go somewhere north like pagudpud.
better to travel by land than by sea dahil sa weather.
nag-submit na ako ng vacation leave dito sa office,
absent ako ng monday and tuesday,
so better make sure na super bongga ang treat na to.
chuks!

about sa pagsundo, baka di kita masundo dahil ang aga.
330 pa ang tapos ng class ko, di ako pwede mag-absent,
start ng reporting sa class namin.
sabi ni cherryl, pwede ka daw nya sunduin,
tapos mag-shop muna kayo sa duty free.
chuks!

ay grabeh...sorry talaga...been so busy since i came back from cambodia...my flight's at 10am PAL, saturday...it's gonna be a 2-hour flight so mga 1pm nanjan na ko (one hour ahead kasi ang pinas)...so cherryl/marlon pede nio ba ako sunduin? chuks...

marlon, u decide na lang where to go...bahala ka...sana u guys can spare mga 3-4 days?...i can shoulder the transpo to boracay if you want (pero sana di maulan, maiiyak ako)...basta kayo bahala sa bahay and food! kung maulan, sa marikina river na lang tayo...chuks...magdala na lang tayo ng sandwich or whatever...

sige...blog ulit ako later....

Monday, July 14, 2003

hi belinda!
kamusta na ang cambodian trip mo?
mukhang super busy mo at di ka nagpo-post.
what if na-meet mo ang true love mo sa cambodia,
tapos nagpakasal kayo after 2 days,
at ngayon e nasa hawaii kayo for your honeymoon?
chuks!

sabihin mo na kung what time yung uwi mo,
at kung libre mo ba ang boracay trip,
para maayos na namin mga sked namin.
magulo kasi dito ngayon sa office,
may retrenchment again so medyo mahirap mag-leave.
may 75 people na forced leave for 3 months,
as in no salary sila, pero employees pa rin.
not sure kung sino-sino kasali sa list,
may chance na makasama ako don.

another alternative to boracay is pagudpud.
at least don, di na tayo sasakay ng boat,
travel by land lang talaga.
iniisip ko kasi kung maapektuhan ba tayo ng habagat,
kung sakaling mag-boracay tayo.
say!

Thursday, July 10, 2003

hi belinda!!Buhay pa ako ha, ive been reading lahat ng blogs, wala lng ako interesting na ma-share kaya di ako nagsusulat, the other time naman medyo kahabaan ang blog ko tapos pag post ko di lumabas, mod! ayaw ko na ulitin! anyways, sbi ko sa last na blog ko na di ko napost e interested ako dyan sa business thingy na yan, wala din naman ako masyado pera pero kun seseryosohim meron din naman ako mapagkukunan kahit papaano, sawa na rin ako magteach eh, gusto ko naman ginagawa ko pero lately super wala nko gana and tamad nko, that's bad for my students, nasho-short changed cla and that's not fair for them! sama naman ako dyan sa business venture nyo!!I 've been convincing myself na aalis nko dito sa work ko eh, im way too comfortable here, comfortable pero hindi happy and if i don't go out now, bka dito na ako for ever and that's sad! Ka-inggit ka naman, papunta-punta kun san san! Sna wala ako work pag dating mo para sama rin ako pero unlikely yun eh so welcome back in advance na lang!;-> and what is this thing na i hear na manlilibre ka daw sa Boracay?;-> Win yan!! Sya, yan muna, hope to see you soon!

hi belinda! so san ka ngayon,cambodia o vietnam na?
ang hapi naman dalawang bansa na napuntahan mo,
pareho nga lang medyo walang win sa mga lugar na yan,
pero ok na rin yun at least kaw ang pinakamaganda dyan.
super hapi at babalik ka na dito even for a short time lang.
tama let's go somewhere na may tubig, haven't been to
galera this year so might as well. pero ok rin yung suggestion
ni marlon na boracay via bus pero the thing is baka mahal na
pag nandun na tayo (e.g. accommodation, etc.). if meron
mura then why not!

uy belinda super serious ako about business. my plan nga
is if i'll not be able to find a better job within this year tiyagaan
ko na muna yung work ko until december this year then january
resign na ko talaga whatever happens, wait ko lang 13th month
ko (kahit di naman malaki yun!) then start na on my own, kahit
na super kaliitan lang na business basta yung wala na kong boss.
sabi nga ng pinsan ko hanap daw ako lugar then we can sell food or
something, basta kami na magpapalakad. im just saving up, im
starting na so sana makaipon naman ng enough. if you happen to
stay na here next year then we can talk about things and start na
our own business. please!!!! (parang dami kong pera no?!) basta
kahit na maliit muna, lahat naman nagstart dyan. grabeh, we'll be
entrepreneurs. baka ma-interview na tayo sa entrepreneur mag
nyan. chuks.

uy excited na ko talaga sa pagdating mo, sunduin ka namin, just
inform us when. super magle-leave talaga ako sa office, promise!

yan muna. c yah!!!

Tuesday, July 08, 2003

hey belinda, how's cambodia?
saan mas maraming cutie, dyan o sa vietnam?
chuks!

may plan ka ba na mag-business?
gusto nyo bang mag-start tayo dito?
although wala akong money right now,
mangungutang ako ng pang-start.
isip naman tayo ng business please.
yung ate ko nag-start ng water refilling station,
atsaka franchise ng lavandera ko.
sawa na ako sa buhay programmer!

Sunday, July 06, 2003

grabe ang shiela, nabubuhay pag nakakarinig ng libre!
dapat ang basis ng libre e dami ng blog posts,
so i'm a definite winner!
chuks!

pero agree ako kay shiela, sana nga libre,
kasi kung alam mo lang belinda ang hirap ng buhay dito ngayon.
minsan once a week na lang ako kung manood ng movie,
atsaka di ko na afford ang season tickets sa repertory.
chuks!

last night pala nanood kami ng temptation island sa ccp.
super funny ng pagkakagawa nila, as in sulit.
almost 3 hours yung play, pero di nakakasawa.
ang classic ng lines nila, sana magka-rerun, i might watch again.
aside from john lapuz, nandon sina romnick sarmenta,
harlene bautista, christian vasquez, and reg curley.
since shipwrecked sila sa island, medyo sexy ang outfit nila.
si reg curley (super cutie model) had to wear a sexy white underwear,
at super yummy rin ni christian vasquez!
for that, sulit na ang 300 pesos!
maliit lang ang tanghalang huseng batute,
as in mga 2 feet away lang yung nasa pinakaharap.
very intimate yung theater, so feel mo talaga... si reg curley.
chuks!

yung pagsundo sa yo, pag-pray mo na wala sister ko dito.
pag nandito kasi sya sa pinas, sya gumagamit.
e every month nandito yun, although kakaalis lang last tuesday.
may classes ako til 330 pag sat, what time ka dating sa naia?

Saturday, July 05, 2003

belinda,

kelan dating mo? yung sa boracay ba libre mo???don't have the money talaga much as i want to be be with you guys....................kelan punta boracay/galera??????////please tell because i'm quite busy right now....honestly..

shiela gorgeous even with pimples (say!!!!!!!!walang kokontra ha rhyme pa yan!)

Friday, July 04, 2003

oki...sige boracay...oks lang sa kin...sunduin nio naman ako saturday pagdating ko...di ba may caru ka na marlon?...gusto ko kasi i-surprise pamilya ko so hindi ako magpapasundo...tas diretso na lang tayo boracs...

by the way, bukas pala punta ako cambodia...lech...di ko alam talaga kung kaya kong i-meet expectations ng lecheng british exec director ko...masiado na silang maraming investments sa kin...di naman ako kagalingan ano...

o sige...later blog ulit ako...mag pack pa ko e...

hi belinda!
na-shock naman ako bigla sa announcement mo,
may date na sya ngayon!
cherryl, hindi ka ba kinakabahan at ikukwento mo na,
ang mga malalanding araw mo with mr salbakuta?
chuks!

to answer your question,
kaya matatangkad ang new breed ng koreans,
e dahil yun sa social engineering project ng government.
they forced the people to drink glasses of milk everyday,
kasi WHO released a list ng food na kailangan kainin.
dumating sa point na mas mura pa ang gatas kesa coke.
so hayun, sabay-sabay nagtangkaran ang mga bata.
ginawa rin yan sa southeast asia,
pero since predominantly rice-eaters dito,
walang enzyme sa tyan na nagbe-breakdown ng milk,
so madalas nagkaka-diarrhea ang mga southeast asians.
dito sa pinas, ni-launch ang nutribun program,
as alternative don sa milk chuchu.
pero ninegosyo ng teachers, hindi nag-click.
chuks!

if you like pala, instead of galera or sagada,
we can go to boracay by bus!
740 lang ang pamasahe, roundtrip.
same amount of time lang ng sagada trip.
since hindi na peak-season, rates are a lot cheaper now.
whatchatink?

what if isama mo pala dito sa pinas si tuan?
i'm sure super fun and intriguing yun, tatlo magkasalo.
chuks!

Wednesday, July 02, 2003

hello...july 19-26 nasa pinas ako...my boss allowed me to take leave...so handa na kayo...papabili na ko ng ticket within this week para wala nang ayawan...sabihin ko na lang sa inyo when i finally get the ticket kung ano oras dating ko at diretso na lang tayo galera? sagada? basta anywhere na meron tubig...saan pede tayong magbabad sa init at tunawin ang mga angst sa buhay...lech

at least si zanne, happy...grabeh noh...she's gonna have a baby! can you believe that? kelan kaya tayo magkakaasawa at magkakababy rin?

ayy grabehh pala di ko nakwento sa inyo...about elias...back to the old ways ako...rejection by avoidance...one time, some 2 weeks ago ata...he texted me, asking me something...i didnt txt back...i dunno i just felt that it wasnt right anymore...i felt that if i continue answering his calls/messages...he might assume that i am actually making him hope for something i know will never be...after that, he never called...so ok na...im happy at least i dont have to feel guilty anymore about him dishing out too much money...

LECHE...speaking of the devil...kakatext lang ng mokong...as in, promise! sabi ko na nga ba dont say bad words e...he texted me telling me he's just finished his application for new zealand...his bro kasi is there...obviously, he's gonna work there...hay naku, buti na lang...ang sama...text ko siguro later to tell him goodluck...

si tuan, ayun...friends pa rin kami...kahit na sinasabi nia im his best friend in the company...la pa rin akong malisya dun...kasi feeling ko parang ang inosente nia naman to say such things...im sure walang hidden meanings dun...minsan we talk sa phone after work...tsismis lang at para sabihin ko sa kanya mga sama ko ng loob...ang sad ko kasi ngayon kasi nga nagsi-resign-an na ang mga pinoy...lech...im honestly scared...my parents even told me to go home kung ganong mag-isa na lang akong pinoy dito....im still deliberating on that...

cherryl, mag isip ka na ng biz...sige na...

hi! ang hapi mo belinda ha dami gimik with viet guys. tama yan, we're young and single so we
should go out as often as we want. sana naman makahanap ka na dyan. at tama rin na we
should start saving up for our future business. ang tagal na nating plan yan ha. sana pagbalik
mo dito we can start something na, kaw ang sa business side, ako sa pr/marketing. kahit
tayong dalawa muna kung ayaw nung iba. ayaw ko na ring maging empleyado, pagod na
kong makipag-plastikan sa mga tao. i want to make it on my own na. sana, sana!!!!

pero eto super apply pa rin para makahanap ng ibang work. i know naman na i should
try and try until i succeed. chuks.

kumusta na pala si tuan? still making paramdam? si elias tumatawag pa rin ba?

medyo happy na pala ko. less depress na . siguro kasi july na. sana magtuloy-tuloy na.

si suzanne daw pala buntis na. yehey. e-mail nyo naman to congratulate. ang taba-taba
na daw nya. sana girl yung baby para malandi rin.

yun muna , wala pa kong interesting chika. bye!