Red Squirrel

samahan ng mga magaganda or something like it...

Tuesday, December 30, 2003

uy, last working day of the year na,
and 1006 pm na, pero nandito pa rin ako sa office.
nag-offset kasi ako ng dec 26 leave ko,
para di mabawasan ang sweldo na
binawasan today dahil nag-annualize ng tax!
huhuhuhuhuhuhuhu!

gumagawa pala ako ng mga cds ngayon ng mga pics natin,
including pagudpud and sagada.
bigyan ko kayo ng tig-1 copy ng cd,
pero jusme, 10 mins per cd ang pag-copy!
e andami kong kailangang gawan ng cd tonight.
si marj kasi 9 pm na dumaan dito sa office.
ewan ko ba dun, may gimik daw sya.
if i know, nag-iikot lang yun sa quezon ave.
chuks!

ano na pala ang plan for this friday?
what time meet and ano itinerary?
sana sa intramuros na lang tayo,
pero nood muna tayo ng bridal shower pls!
aside from crying ladies, eto lang ang gusto ko panoorin.
parang ang chaks kasi lahat.
teka, yung cel charger ko, hiniram ng ofcmate ko,
baka makalimutan ko, e 5 days din yun.
wait lang...

ayan, i'm back!
kagabi pala nag-dinner kami sa temple sa greenbelt.
bday libre ni joy and xtie, tapos funky outfit dapat.
si marj ang winner of the night!
aside from the 100 peso starbucks gc,
she won everyone's admiration because of her
funky getup with the hairdo and blouse.
gamit din nya ang silk coin purse from vietnam.
win!

teka, tapos na ang 1st cd, gotta go!
happy new year everyone!
see you on friday!

Friday, December 19, 2003

ei belinda, nasa manila ka na ba?
12 pm ang check in, so by 1 nandon na kami ni lukring.
sabi ko kay tita lulu, kayo na lang magkita muna.
basta dapat di tayo sabay, not to arouse suspicions.
chuks!

text or call us when you're ready,
and don't forget the pasalubongs ok!
chuks!

see you tomorrow!

Wednesday, December 17, 2003

ay grabeh na...im sooo stressed....di ko na kakayanin ito...ano pala plans on saturday? wat time kayo dating sa hotel?

Tuesday, December 16, 2003

hi belinda!
super excited ka na bang umuwi this friday?
btw, what time ang flight mo at until when ka dito?
babalik ka ba ng vietnam agad after the xmas party?
chuks!

teka pala, lukring, paki-post kung sino-sino ang
gagawan ng kung anik-anik na titles or kung tuloy pa ba.
hindi ko pa rin alam kung sino sa akin at kay marj.
pa-post ng ibang details ng party.
thanks!

about the quote below, medyo disagree ako.
"life we borrowed"?
when you borrow something, it implies consent from both parties.
when did we ever give our consent to be born into this world?
say, existential ang point of view.
chuks!

Friday, December 12, 2003

hi all...thought i'd share this with you:

pursuing our passions is one way of doing justice to this life we borrowed.

a line in a japanese song goes "Yume wo miru sakana dake ga sora wo oyogeru". in english, it says only the fish who dream can swim the vast skies...

grabe ang lukring, talagang sinulat ang name,
e nakasulat naman na pinakamatangkad.
pero sana nga mabilhan mo sila ng mga kung anuman,
nang di na divisoria ang laging suot ng mga to.
say, nagsalita ang suot ang fake technomarine watch
na binili sa divisoria for 150 pesoses!
chuks!

xmas party pala namin tonight, dyan sa intercon.
jazz up your jeans ang theme, so bumili ako ng xmas garlands.
gagawin kong "fur-trimmed" ang black jeans ko,
para magmukhang christmasy.
chuks!

Thursday, December 11, 2003

size ko 7 1/2 :) cherryl

shets...marlon, i took ur friend test...leche, ambaba ng score ko...di pala kita kilala! chuks.

Wednesday, December 10, 2003

teka...pansin ko 7 lang tayo...kala ko sama si alex?

hello...sus...kala ko naman totoo...i like the star of the night idea....so that means we have to dress up! gosh...eh di ibig sabihin non, kelangan natin lumabas sa makati (ie sa greenbelt) para makita naman mga beauty natin...chuks...nah, siguro mas maganda mag-stay lang sa hotel...

anyways, like i said, what i planned is not actually a game...its ultimate objective really is to boost our egos...haha...jk..seriously, we'll say some good things about each other which in the end will reveal who/ how we are/ what we feel about the others...ie, merong 7 pieces of paper, tas bunutan...yung mga paper will contain some unfinished statements such as "what i like about you is...."; "my hopes for you in the future are...." basta, you get the drift...tas the person who picked a particular statement will have to complete it for each of the other six individuals...

yun lang...i just thought it would be a good way to end the year...i-sched nio na lang kung kelan pedeng ipasok yun...pedeng pang-kick off or finale...bahala na kayo...

ps...ano size ng paa ni shiela at lani?

Monday, December 08, 2003

uy belinds wag ka maniwala ke marlon. di totoong nagpakasal na si ate v. wish lang nya. chuks.

kmusta seagames dyan. talo volleyball men. sana nakapanood ka!

meron yatang the store co. sa shangri-la. basta it's either shangri-la o divisoria. chuks.

sya, see you na lang sa dec. 20!

as promised, eto na uli me!
chuks!

kris kringle

nakabili na rin pala ako ng pang-kris kringle,
and super happy ng makakabunot ng sa akin.
sana mahilig kayong magpa-massage,
and if yes, di nyo pa na-try don sa the spa sa libis.
dahil kung di kayo mahilig, masasayang ang massage gc.
ooops, na-reveal ko ang pang-kris kringle ko.
chuks!

about the grand prize pala, sana makakuha rin tayo ng mga
company freebies like tshirts, calendar, ballpen, keychain,
na pwede natin idagdag sa grand prize ng star of the night.
like what i've mentioned in my earlier post,
kahit tig-10 pesos lang na worth ng gift ang i-donate, keri lang.
pero syempre, mas bongga ang ma-collect, mas happy.
magdadagdag ako ng tshirt ng lavandera ko and calendar ng aqua eiji.
manghihingi rin ako ng solicitation sa ofcmates kahit 5 pesos lang.
chuks!

chuks lang ang lahat!
kinabahan ako sa 17 question marks ng "ha" mo,
parang gusto mong maglaslas ng pulso.
chuks!

xmas party

btw, while listening/watching the acoustic concert sa libis
pinagusapan namin nina oche at lukring last friday
ang ating much-anticipated xmas party:

food

marlon - wine, softdrinks
marj - cake
lukring/oche - pansit malabon
shiela - bbq

di pa namin nakakausap si mam mila,
so isip na lang kayong 2 kung ano pwede nyong dalhin.
sana yung bagay sa mga food na na-assign namin.
parang di daw bet ni lukring ang goat's blood wine.
chuks!

games

since may game ka na iho-host,
naisip namin na lahat ng tao mag-host ng sariling games.
bale kung sino ang nag-host, dapat may prizes sya.
yung game ko is charades, basta mga things na related
sa mga tao na nangyari this year (eg. vietnam, goodah).
so far, tayong 2 pa lang ang may games,
although di pa rin namin alam kung ano yung game mo.
post mo naman dito para di tayo magka-doble if ever.
nakabili na rin ako ng prizes for my game yesterday,
and super duper happy ng makakakuha (ask lukring).
sana yung prizes mo, vietnamese items!

star of the night

bale isang game natin is "star of the night".
tayo-tayo magbobotohan based sa outfit na suot that night.
kung sino ang magwawagi, may grand prize sya,
na collection ng small items from everyone kahit worth 10 pesos lang.
kung 7 tayo, bale 7 small gifts lahat ang mananalo ng star of the night.

so far, eto pa lang naiisip ko, at lunch na.
so post ko na lang later kung ano maalala ko sa napag-usapan last friday.

PS. di ko alam kung san o ano yung the store co.

Sunday, December 07, 2003

saan merong "The Store Co.?" meron ba sa megamall?

Saturday, December 06, 2003

ha????????????????? bakit??? kelan??? saan???

so they live together na now? omg! i am still overwhelmed by the news...! shets...i swear...di ko akalain ate vane was really serious about getting married this year! oh well, baka rovil is dawan na...sana sana...

Friday, December 05, 2003

congrats!
sana may percent ka dyan sa $90k project na yan,
para naman maging masaya ang pasko namin dito.
chuks!

huli ka na sa balita, kasal na sila, civil nga lang.
kaya ang cherryl, laging depressed recently.
feeling ko may lihim na pagnanasa yang si lukring kay rovil,
at naunahan lang sya ni ate vane kay rovil.
chuks!

Thursday, December 04, 2003

kelan wedding nila ate vane at rovil?

ay grabeh na...ang happy ko today! feeling ko ang productive ko...natapos na finally ang aking 90,000USD na project at next week, we're gonna present na sa cambodia...ano bago sa inyo pala?

oi marlon...di ko pa nakwento sa yo...pero i emailed cherryl na sana we can go to manila bay...heard it's really nice there...sana we can go there between the 20th-23rd...nood lang tayo ng sunset...

Wednesday, December 03, 2003

hi everyone!
the goddess of eternal beauty is back!
2 days na akong nasa training and ang hirap umalis,
kasi medyo seryosong training to,
dito nakasalalay ang career ko sa kumpanyang to.
chuks!

lukring, kaw ha, di mo binabasa ang mga blogs ko,
especially for nov 25, tuesday, dahil don ko binanggit
na may kris kringle at 200 pesos ang minimum,
pero $20 kay belinda dahil dollar-earner sya.
chuks!

belinda, di ko pa rin natatanong kung paano yung sa pool,
kasi parang lahat naman ng hotel pwede mag-swimming,
basta naka-check in ka.
pero since illegal ang gagawin natin, 6 people in 1 room,
i doubt kung lahat tayo e pwedeng mag-swim.
so not to arouse suspicions, mag-mahjongg na lang tayo.
chuks!

nagbalot na ako ng xmas gifts for everyone last night,
and super ganda ng pagkakabalot ko.
parang pwede ko nang career-in ang pagbabalot ng gifts.
chuks!

lukring, kelan mo pala kunin ang mga lace sa akin?
natapos ko na yung lace kagabi, bumili ako ng new glue gun.
mga 140 pesos yung nabili ko,
pero keri na kahit mahal, kesa naman masunog kwarto ko.
chuks!

hi!

re: ate vane
wala sya dyan sa vietnam dahil nandito pa sya sa pilipinas. wala na yata pera kasi nag-resign sa work nya tapos di pa sya makakatira sa yo belinds kasi nga sabi mo malayo yung bahay mo sa venue ng game. so super mapapagastos sya if she'll be renting a house or worse case mag-hotel. so di na lang sya punta dyan. so there.

re: xmas party
kelan tayo magbubunutan for exchange gift. uy belinds alam mo ba na may exchange gift? P200 ang minimum.

yun muna!
ciao!

22 days before xmas...gosh im so excited...gimme the details ulit for the party on the 20th...what time are we supposed to meet? i assume check-in time natin is 1pm, right?

meron akong naisip na mini-game...well, it's not exactly a game really...i'll give you guys the details na lang when we're there na...basta it will take about 30 mins max...

ay sa mga di pa pala nakakalam...di na tuloy HK ko...bro ko na lang ang pupunta...so uwi na ko by the 20th...oa sa kamahalan kasi pag di nakatour package e...sia sia...:)

Tuesday, December 02, 2003

marlon...ano na? oks ba mag swim sa dusit?

lukring...si ate vane...nasa hanoi na ba?

Monday, December 01, 2003

sonya's

galing pala kami ng sonya's last saturday,
nanlibre si kris, although 50% lang ng total bill namin.
happy place talaga dun, super major kabusugan,
as in para kang napusuan.
chuks!

sana magkaroon tayo ng mga ganong food trips,
like yung sa angono na sinasabi ni oche,
or sa tagaytay, yung antonio's.
dami pa ok na restaurant, and hanap tayo ng di ordinary.
life's too short to spend too much time on fast foods.
chuks!

super excited na ako sa pagdating mo!
super happy kasi marami na tayong maghahati ng bayad sa hotel,
e wish pa naman yan ni oche sa akin.
chuks!

grabe, super matutuwa kayo sa gifts ko,
parang feeling nyo nanalo kayo ng grand prize sa lotto or something.
ginalugad ko na ang mga sulok ng divisoria at riverbanks,
just to find the perfect gift for everyone.
chuks!

oi lukring...dito na ba si ate vane? pumunta na ba sia ng viet?