Red Squirrel

samahan ng mga magaganda or something like it...

Monday, March 31, 2003

nye...shiela should get herself laid then...chuks

shets marlon...work is starting to get to me...it's so demanding...it's really tough...i dont mind the hard work but working with people who does not understand english is kindda infuriating...they kindda waste my time explaining...of course i dont show them that im annoyed..i cant blame them for not being adept at a foreign language...pero hello?! think globalization...pano sila magiging competitive if they dont speak english?!!!!....i think if i wont stay long here, it's because of that...gosh, i jst realized i dont have a lot patience...

bad day lang at work...:)

hope this doesnt last...

last friday pala, nagpunta kami ng intramuros nina marj, kitkat, ate ni marj.
happy pa rin sya, although super duper daming tao.
we waited for more than 30 mins for a f*cking table.
chuks!

the ff day naman, sina lani, shiela at cherryl naman punta sa house.
nanood kami ng mga dvds ko sa room, queer as folk, all about my mother.
pero ang pinakagustong part ni shiela sa lahat, yung porn!
chuks!

grabe si shiela, super tigang na yata, excited makakita.
ok lang sa kanya kahit anong movie, basta may love scene.
kahit ang gay porn dvd ko, di tinantanan, gustong iuwi ang playgirl.
no chuks!

tapos kanina sa galleria, meet ko yung highschool friend ko.
paglabas ko ng department store, rumarampa ang cherryl at alex.
sweldo kaya super pa-shopping!
tapos nag-bid pa sa memorabilia chuchu ng burger king.
pag di natuloy ang benguet trip, ewan ko na lang.
chuks!

ni-invite ko rin sina lani at belinda sa benguet,
but as usual, undecided pa rin ang dalawa.
i'm just assuming na they're not going,
at baka kami nina cherryl at marj and um-attack ng benguet.
sana talaga matuloy, gusto ko makita ang banawe rice terraces.

about elias naman, hayaan mo lang sya na tumawag.
it's his money so di mo sya pwede sabihan about it.
hindi ba mad passionate love ka with him?
nag-french kiss na ba kayo?
chuks!


Saturday, March 29, 2003

abah...saya naman...sama nio sina lani at shiela...para mas masaya

about boylets...la naman masiado no...jus ko...mahirap kasi may cultural and communication gap...

vietnamese goodies...isang bagsakan na lang...pag uwi ko...

mailing address ko Room VIP 2, #11 Bis Tran Doan Khanh, P. Dakao, District 1, HCMC, Vietnam
padala naman nio rin mga address nio...sa email na lang...

speaking of padala...since communist country itosh, i heard some people open the packages that enter the country...for instance, yung citibank credit card na pinadala sa isang filipino...nakita nia opened na ang envelope that contained his card...again, everything is monitored here...kaya ingat...

si elias..yup he calls me...just this morning (saturday) tumawag na naman...it's weird...sometimes when i think about it, i feel guilty coz maybe he's just wasting his money on me...i mean hello?! hindi pa kami...and i still havent decided if it's him...slow ako eh...chuks...he's ok...really... but im not sure...alam mo naman ang lola mo...mantra ko is anything less than mad, passionate love is a waste of my time...chuks

Wednesday, March 26, 2003

benguet

we're planning pala to visit benguet this coming holy week.
di pa namin nasasabi kina shiela at lani.
sana makakuha ng leave si cherryl at pera na rin.
budget is bet 1500-2000 pesos, tapos kasama na sagada.
sana matuloy, excited ako makita ang rice terraces.

hi belinda,

i'm really happy for you, super nice experience ang abroad.
you get to do things you wouldn't normally do here.
ngayon may pa-soak-soak ka nang nalalaman diba?
chuks!

malapit ka nang mag-one month dyan, may boylet na ba?
ano nangyayari kay elias, tumatawag pa rin ba sya?
i'm not saying that elias isn't the right person for you,
pero try to date someone from another culture.
wala lang, for novelty, and to see the difference.

last saturday nagkita kami nina cherryl, ali and ali's sister.
rumampa lang kami sa intramuros, and truly,
ibang-iba na sya ngayon, super alive pag gabi.
ni-meet namin sina ali sa may golf course area,
and akala ko that was it.
yun pala may exhibits, free movies, tiangge, concert.
i liked sitting on the grass while listening to acoustic music.
binebenta ko nga ang intramuros dito sa office namin.

nag-start na rin pala ako mag-gym last night,
and in fairness, may super keri don.
long-haired and with tattoo.
and nakita ko na sa locker room and di dapat makita.
chuks!

medyo busy ang pinakamaganda dito lately,
may training kasi kami and ginagawa ko ang final exam.
medyo naiintindihan ko na ngayon ang gumawa ng webpage.
tapos this coming friday, start na ng java class namin.
sana maging maganda yung next project ko.

send mo naman yung mailing address mo dyan!
or padalhan mo naman kami ng vietnamese goodies!
chuks!

Monday, March 24, 2003

hi lani...thanks for requesting for my transcript...learn to unwind naman...go out with cherryl and marlon more..it's not right to spend all of your time at work...it's not worth it...
marlon, for my typical day...i usually wake up at around 630...have breakfast (defined as cereal drink), take a bath, call my cab and then leave the house by 730-8...people start trickling in sa office by 9am but i try to arrive earlier (830) coz i want to avoid the traffic (which is not a problem of people with motorbikes)...and yeah, until now, i stil get amazed by the swarm of motobikes on my way to the office...then, i start working...
lunchtime, i spend it most of the time with my vietnamese colleagues for more kamurahan...but sometimes i do eat out with my boss...i like the food here...it's like ours there in pinas...my only problem is eating with chopsticks...it's so logistically difficult to use them...i mean, only one hand is doing the work...tapos hirap kaya kunin ang meat ng fish using chopsticks...so what i do is ask for a spoon (walang masiadong fork kasi dito eh)...so i look kindda funny...eating in a small bowl (size nia kasya sa palm natin), using a spoon with one hand and chopsticks with the other (so i can pick up food)...during our meals, we usually have 3 different kinds of ulam, tas veggies, soup, and fruit for dessert...that would cost us around 8,000 dong (or around 25 pesoses)...tea is a staple here..tas what is weird is that they consume their soup after the meal...
tas early evening, around 7 i leave the office...on my way home, the sight is all the more striking than it is in the morning...sometimes i see couples driving side by side, nagliligawan...or magboyfriends in one motorbike and grabeh, yung girl kung saan saan nakahawak...i learned that it is their way of making out...kasi naman, masyadong monitored activities dito at establishments close early...
upon arrival, i eat dinner served by the househelp (who's in her 40s, siguro)...she's very nice btw...she doesnt speak english so we communicate by sign language...she's sweet, like one time she left some fruit on my ref...then i soak myself in hotwater for an hour or so...and read at the same time...then i watch tv or do some more reading coz i cant sleep before 12mn...yun lang muna...ill blog more...next time

Saturday, March 22, 2003

hi belinda!Uy sori ngayon lang ako naka-blog, super busy kme, i know yan palagi linya ko but it's true, encoding ng grades this week so bawal kme mag-internet kya di ako maka-blog..ngyon lng ako pumwede coz its a saturday and no one is here, ako lang!!super sad no? Marlon, cherl and ali will go to intramuros now and as much as i want to go, i can't cz i have to finish the grades plus nagreresearch ako for may MA, super busy tlaga no joke!!nagbrebreak out na nga ako eh, puro pimples nko dhil sa stress and puyat, so di tlaga ako magwiwin nyan..Yun transcript mo, i requested for it na, i just have to wait for a month or so para makuha yun cz madami nagrerequest eh, graduation time and madami nag-aaply for work na fresh grads and they need their transcripts...Musta ka na dyan?Based on what i've read already dito sa blog mukang happy ka naman dyan..im happy for you...musta yun SARS outbreak? i read in the news na there is a place there in vietnam na medyo madami me SARS, is that true?sna di umabot dyan sa place nyo...About me wla masyado updates, ci carioca eh ganun pa rin...nilalandi palagi yun isa pa namin co-teacher in front of me and ako naman eh affected...as much as i want na wala lng yun for me i cant help it eh..i just wish na asap mawala na pagkalike ko sa kanya...no new boylets so far, i think pag me new crush na ko i wont be as miserable as i am nw kse me new distraction nko...work naman eto harassed because of graduation and all the things related to end of classes: grades, clearence, etc.
So in a nutshell yan ang nangyayari sa buhay ko these days..uneventful kya minsan im just happy to read your blogs, di nko nagbloblog...pero buhay pa rin naman ako ;-)

Friday, March 21, 2003

awwhhh, super hot stuff ka ha,
kahit nasa vietnam ka na, may 2 guys pa rin na umaaligid!
unlike me na super lost, di na nakita si regnar.
nagkita kami ni stewart last night, bday nya.
nanlibre sya ng dinner sa greenbelt 3, tapos movie.
4th time ko na panoorin ang chicago, saykolow!

yung dental surgery ko, it's not like yung sa oprah.
nag-extract lang ng tooth, tapos pinalabas yung impacted.
mahirap kumain ngayon dahil sa stitches sa gums.
grabe, super suffer for perfect beauty diba?
chuks!

nag-start na rin ako mag-gym last night.
i paid 6,900 pesoses for one year membership sa slimmers.
i'm super overweight for my height, as in.
but it's ok, maganda pa naman ako.
chuks!

so paano, kwento na about your vietnam life!

Thursday, March 20, 2003

ok naman work. i dont know kung mapapauwi ako. if that happens, it will be because i screwed up and the company fired me.
teka muna bago ako magkwento ng typical day...what dental surgery are you talking about? is that the same thing i saw on oprah wherein people with skewed teeth get their teeth straightened quite rapidly? magastos yun ah!
nag email pala si sani nangungumusta...nagtanong na rin ako about mike...
anyways, blog ako ulit tomorrow...mejo may kelangan akong basahin eh...

Wednesday, March 19, 2003

mga baklush, pinalitan ko ang background natin.
summer na kasi, bagong buhay na.
chuks!

Tuesday, March 18, 2003

cherryl, belinda, tayong 3 lang ba ang normal dito?
at bakit ang 2 yan e palaging kakaiba ang takbo ng utak?
chuks!

hindi bitin ang kwento ko, that was it.
very uneventful, medyo lasing na sya at 2 am.
at hindi nya ako naalalala!
nang dumaan sya, i said, "mike?", tapos nakatingin lang sya.
tapos sabi ko, "marlon".
tapos hayun, sabi nya yeah yeah, kamusta-kamusta.
kwentuhan sandali pero ang awkward kasi kaya natapos din agad.
tapos na-realize ko, bat ako nagka-gusto don?
chuks!

ni-suggest ko na nga kay cherryl na this fri o sat na lang ang intramuros.
although gustong-gusto ko na mag-galera,
dahil sa dental surgery ko e di ako makarampa with college friends.
i'm getting bored with my life here!
teka, kaw pala, how's work?
what's your typical day there?
ok naman ba dyan, or mapapauwi ka in 2 months?

cherryl: oks lang yan...take your time...basta be serious lang about your jobhunting para malawak ang coverage mo...goodluck...mag-pray ka rin :)
bat ganon sina lani and shiela...saja ba yan? ano na naman problema? chuks. btw can you please remind lani to pick up my transcript? i might not be able to graduate from the mba program if i dont submit it...thanks...
si elias...he emails me and calls me...chuks talaga...mukhang serioso ata yun...ewan..it's too scary to think about it so i just dismiss it for now...
marlon...grabeh na! bat bitin kwento mo...so finally, mars and venus collided! explosive ba? chuks. kwento bilis.

Monday, March 17, 2003

hi belinda!!! super miss ka na namin. sorry now lang ako nakapag-blog kasi you know naman medyo low tech ang lola mo. after thirty minutes kaka-try saka lang ako nakapasok kasi nakalimutan ko username and password. dapat magee-mail na lang ako buti na lang very patient si marlon sa pagtuturo. how are you? tama bang kuma-career ka na sa officemate mong vietcong dyan? pano na si elias? do you still have contact with him? parang ang happy dyan, sana someday makapunta kami dyan. eto kami di na masyado nagkikita. lagi na lang kami ni marlon, kasi sila lani and shiela nag-iinarte lagi. chuks. lam mo sad ako in a way kasi wala pang sumasagot sa mga inaplayan ko. kaya eto ang beauty ko nabuburo sa opisina kong wala masyadong happiness. i just hope na someday makahanap na ko ng trabaho that will make me happy. anyway, happy kwento naman.... uhhhm.... parang wala. walang bagong boys. at in defense, di ako nag-iilusyon sa kung sinoman. baka sila ang nag-iilusyon sa kin. pumunta nga pala kaming tagaytay with officemates. umalis kami sa office 11pm, nawala kami, napadpad kami sa kabundukan (with matching rough roads, no lights, puro puno, katakot) nakarating kami tagaytay magaalas dos na ng madaling araw, kumain lang ng bulalo, umikot ng konti (di namin nakita taal kasi madilim pa), then umuwi na rin!!! di masarap yung bulalo kaya sad. pero happy yung adventure. 9 girls kami, 1 boy (di win, so lost!). puro bago yung kasama ko, with alie, alex and ruby. next month we're planning to go to mahayhay, laguna. falls daw. yung three teams kasama. bonding ba!!! sana happy, kaso walang win, anyway, enjoy ko na rin. gusto ko ulit pumunta intramuros. miss ko na. dami daw palabas ngayon pag weekends. nung friday di ba supposed to be punta kami (di natuloy), dami daw tumutugtog. dami din tao. sayang. sila lani and shiela kasi eh (chuks!) lam mo ba yung tumutugtog sa background "pretty boy" ng m2m pero japanese version (saykolow) wala lang kwinento ko lang. o sya hanggang dito na muna. papasok pa ko ng office late na ko. bigay mo yung address mo dyan ha para mapadalhan kita ng mangga't bagoong. gusto ko rin punta dyan someday. uy nga pala si keith nag-exam na and interview, pumasa sya kaya lang wala pang sked kung when sya start. may iba yatang nagoofer sa kanya so medyo naguguluhan sya. gusto na daw nya officework, pero she needs to know the answer from the office soon kasi nga may ibang offer sa kanya, wala naman akong ma-assure sa kanya. sad!! o yun lang, i-update kita soon!!!! luv yah!!!

baka sinasabi lang nya na may gf sya
para di mo isipan ng anything yung pag-invite nya.
para lumabas lang na dinner between colleagues,
when in fact, he was hoping you'd stay the night at his place.
chuks!

di kami natuloy sa intramuros,
late na natapos ang chicago last friday.
nauna kaming pumasok ni marj sa sinehan,
tapos na-late ng halos one hour si cherryl.
tapos ang shiela at lani, di pumunta, as usual.
tapos pinapunta namin si ali sa galleria.
pero napadpad din kami sa may libis area.
super saykolow, nagkita kami ni mike don!


Friday, March 14, 2003

nye siempre mahal na $2 dito...chuks...the guy invited me coz he wanted to have dinner pero dont think it had any romantic underpinnings...the guy has a girlfriend, he told me so...so how was intramuros? ay naisip ko lang...how is dong? chuks

Thursday, March 13, 2003

syempre natawa ako sa $2 ticket price ha.
$8.50 kasi sa california, and $10 sa new york.
parang same price lang din sa pinas,
kasi sa greenbelt area, abot na ng 150 pesoses.
kaya magiging love ko ang galleria,
dahil 70 pesoses lang for chicago!
chuks!

bat ka pala ni-invite ng vietnamese officemate mo?
malakas ang vibes, abot hanggang dito sa manila,
na magkakaroon kayo ng something romantic?
nai-imagine kita, nakasakay sa motorbike,
naka-hug sa kanya, hinahangin-hangin ang hair,
tapos may big smile sa face.
chuks!

actually pinag-iisipan ko pa kung punta ako.
kasi feeling ko it's too early for me to travel again.
people might think na i have money,
when in fact, frequent flyer miles lang gagamitin ko.
naghahanap nga ako ng flight to saigon on april 12 or 13,
walang lumalabas na schedule.

sa saturday na rin pala ang bb pilipinas,
tapos ni-invite ko sina cherryl sa house,
kasi bday ng mama at pamangkin ko.
so habang panood ng bb pilipinas, pakain-kain.
chuks!

wala pa rin akong masyadong update sa kanila,
last kita namin was last saturday pa.
yung pumunta kami sa rivergrill, bday ni rovil.
tapos nagkwentuhan sa tabi ng marikina river.
no chuks!

movies are quite pricey here...about $2...some are dubbed in vietnamese but some just have subtitles...

yeah that guy was the one who studied in australia...he's not cute...there's a dearth of cute guys here...no chuks...yung cute lang dito sa office ay yung british boss ko...he's so cute especially with his accent...he reminds me of hugh grant...swear

you can come by april pwedeng sagot ko lahat kasi meron na akong sweldo non...at tsaka yung $528 na binigay nila sa akin the first day ay $28 pa lang napa-exchange ko into vietnamese dong at di ko pa nauubos...pero isama mo naman sila lani shiela cherryl para fun...we should go to hanoi coz it's a better city than ho chi minh for tourists...it's really french indochine... it has lots of trees, tas it has french colonial buildings and the people there wear suits because it's quite chilly there...sabi ng mga taga dito ha...

ay grabeh miss ko na intramuros...i think you'll like it there...

kamusta na si what's his face? nag iilusion pa rin si cherryl? chuks. si lani? kay carioca? sila na ba? si shiela? at di nag iinternet mga yun

Wednesday, March 12, 2003

showing na nga today ang chicago,
pero sa friday pa kami manonood tapos diretso sa intamuros.
ano ba yung mga movies dyan, translated?
sa japan kasi ganon kaya matagal din mag-showing.
yung minority report nga na super last year pa,
di pa rin showing don.
atsaka magkano ang movies dyan sa vietnam?
at ano pala ang mailing address mo?
say!

naka-leave pala ako sa april, from 12 to 22.
parang nate-tempt ako mag-fly to vietnam,
pero super lost, wiz anda ako!
kung mapa-promise mo na ililibre mo ako don,
rarampa ako don, no chuks!
may free miles kasi ako from northwest,
so parang don ko gusto gamitin ang miles ko.
medyo matagal pa bago ako makapag-japan.

teka, cutie ba yang nakasabay mo sa motorbike?
sya ba yung vietnamese na nag-aral sa australia?
baka sya na makakapagbigay sa yo ng cuddly babies!
chuks!

i'm really happy for you, nag-pay off na hard work mo.
may mba ka na, tapos you have a good job in vietnam.
na-realize ko nga na dapat ganon din sana ginawa ko.
i should've taken things seriously, although no regrets.
this coming summer, mag-start na ako mag-japanese classes.
tapos to follow your advice, baka sa june, marketing naman.
i might enrol sa up for more katipiran.
chuks!

basta enjoy mo lang yang stay mo sa vietnam.
just try anything, know lang your limitations.
ingat and have fun!

:)

hello sa inyo. it's wednesday na...showing na chicago...shets naman di ako makakapanood non...the movie theaters here are so delayed, i think i'll prolly be able to watch it by next year pa...no chuks but i was told by a fellow filipino thatwhen we had two towers in the phils, the vietnamese were still enjoying the fellowship of the ring.

marlon, i don't think you'd fit here...i think you're meant for the bigger cities such as those in singapore or the U.S...go look for opportunities there...ACNielsen does have an opening in hongkong for the position of marketing communications officer and manager, a requirement of which is marketing background...gusto mo? i suggest also that if you're planning on a career shift, then you should get marketing classes at graduate school, so that even if you don't have background in marketing, at least you have some marketing units to boot...

vietnam is what the phils was prolly like 20 years ago...no chuks...there are a lot of expats (french, british, filipinos)...gimmicks start at around 6pm coz establishments close by 12mn (nye talaga!) the differentiating factor of vietnam is the hordes of motorbikes on the street (everybody drives one)...speaking of motobikes, i had my first experience of riding one...a colleague invited me to dinner last night...i gulped...i was thinking shets pano ako sasakay sa motobike nia...e di ibig sabihin non kelangan kong humawak sa kanya to keep myself from falling...but then out of excitement, my desire to experience something new at tsaka cultural considerations na rin (baka mag-mode pa sa akin kung tumanggi ako)...i acquiesced...i did try to avoid riding his motorbike...i told him that i had a vinataxi corporte card (say!) and that we can get a taxi...but to no avail..so there i rode a motorbike! grabeh it was really scary...motorbikes were coming from all directions...most of them hindi sinusunod lanes...unruly sila! tas mejo uncomfy nga kasi mejo magkalapit katawan namin (!)...pero isip ko sobrang malicious ako...so tinigilan ko na kakaisip at in-enjoy ko na lang ang pagsakay ng motorbike....

my place is nice pala...it's furnished, may phone, aircon, ref, cable tv and most importantly, a bathtub.... babaw no :) anyways regarding my transpo pala...sabi ng boss ko i have the option to get other taxis pero i told her na id rather ride vinataxi kahit puro kia units gamit nila, out of loyalty to our marketing case sa class..

btw, mba na pala ako sabi ng friend ko sa school...congratulate me naman....:) ano bago jan? til next time...

marlon? cherryl? lani? kamusta na mga lalaki nio? lani, did u get my transcript already? favor pls ha, baka di ako makakuha ng degree if i dont submit that e...thanks

Monday, March 10, 2003

showing na pala this wednesday ang chicago!
let's watch it!
tsaka kelan pala ang outing natin?
punta tayo ng galera pls!

:)

Friday, March 07, 2003

hi belinda!

i can't send you the pic kasi wala naman ako scanner.
hindi digital camera yung ginamit ko pang-picture, disposable lang.
chuks lang naman yung comment ko, although half-meant.
chuks!

with the survey na yan, sino bang sumasagot sa mga ganyan?
out of 80 million pinoys, less than 700 lang sumagot?
yung mga sumagot ng matalino/smart, never pa naka-meet ng cute yan,
kaya nira-rationalize na lang nila ang choice nila.
chuks!

but i strongly feel that you'll be the next ate vanessa.
it's good that you don't give that much premium on looks.
basta ang advice ko lang, don't settle with someone you don't deserve.
say!

teka, meron bang opening dyan?
i-apply mo naman ako pls!
ayaw ko na sa manila!!!
seryoso ako!


ang sama mo! anyways, send me the pix ha. can you email them to me to my hotmail address? i cannot open yahoogroups here in the office, it's banned. i like vietnam mostly because of the people. they're friendly, no chuks. i wanted to write a long blog kaya lang someone from the office talked to me. he's one of the guys that i think i would be friends with. we an relate because he's new and he studied in australia (but he's vietnamese). anyways, ill write about vietnam in like later or tomorrow. eto pala, as i was reading inquirer, i saw this result for the poll they're having on Debate:

Kanino ka mas liligaya: Sa maganda o sa matalino? (Will you be happier with someone who's smart or someone who's beautiful?)

a) A - Maganda/Beautiful 32.66% (225)
b) B - Matalino/Smart 67.34% (464)

o?

Thursday, March 06, 2003

belinda!!!
kamusta ang vietnam?
super miss na kita!
napa-develop ko na ang pics last monday,
nandito ang picture ng boylet mo na wish ko e
last time ko na sya nakita last monday.
chuks!

ano may na-meet ka nang vietcong?

Monday, March 03, 2003

lani...i have jst read your blog...don't wallow...my god, jerk ang carioca noh...he doesnt deserve a second of your time...so stop thinking about him...a confused, immature guy should not make you feel insecure...matalino ka naman, successful sa field mo, at may kagandahan tulad naming lahat...you're a catch, sabi nga...at to quote marlon...marami pang iba jan :) belinda.

Sunday, March 02, 2003

hi marlon...ok, we'll meet up on monday...final na kasi na tuesday na flight ko...hmmm...sana we can think of something to do...alam mo bang lately, we've been crazy about intramuros? the place has seen some overhauling after being tapped by papa dick as one of our country's major tourist come ons...with its historical significance, titanic walls, and spanish architecture...we (i, cherryl, alie, alex and ruby) were immediately attracted to the exotic beauty of the place...dinala na nga ni alex and ali yung mga bf nila dun eh, mejo pwedeng pang-date kasi ang place...grabeh, this week, i've been to the place for like three times already...the first time we went there, we climbed the wall, walked barefoot on the wall and just stared at the golf course in front of us...we could have done some stargazing but the golf balls threatened to hit us...so we scrambled down and went to the san agustin barracks where there was a series of events...a flutist who played from 6-9pm (we requested some songs like somewhere in time, sobrang ganda naiyak kami)...some cultural presentation (ie indian dance exhibition)...a tent with a mini-regional tiangge and a mini-stage (naabutan namin ang isang choir na kumanta, again, sobrang ganda)...tas we just walked around then got to see casa manila, the manila cathedral, the restos on the street...pero one of the things na matutuwa ka talaga is that the NCCA came up with the idea of screening some classic filipino films until the end of march and get this: for free pa!...this week lang may bayad coz they're showing some independent and experimental films from all over the world...nanood nga kami kanina e...ang labo ng mga shorts...na-saykolow si alie...bordering na on porn...just an aside: yesterday, they had a gay and lesbian film festival...then after the movie, we went to puerta isabel...the place that made noise for quite some time coz yung restos were located in the tunnel tapos nasisira (ang tunnel) dahil mga butas-butas na kelangan sa pag-construct...ayun...puntahan mo minsan ang place...sama mo sina shiela and lani...di pa nakaksama ang dalawa eh...nalalayuan ata...anyways, see you on monday! ortigas na lng no para malapit sa office mo :)

hi everyone,

nandito pa rin ako sa tokyo, alis na ako tomorrow night.
i`m in my friend`s house, kakauwi lang namin from shinjuku.
belinda, kung alis ka na ng tuesday, meet tayo siguro ng monday night?

Saturday, March 01, 2003

hi marlon...i hope that you will email or call one of us...we'd like to know when you're coming back...what flight you'll be in...what time you'll arrive...ako naman...i'll be leaving tuesday...or thursday kung pwede pang i-delay...hehehehe...parang scared pa ko eh...anyways, paramdam ka naman ha...