Red Squirrel

samahan ng mga magaganda or something like it...

Friday, April 30, 2004

oks.....saya! =)

baklush yata yung friend ni alie,
pero as of now, wala pa syang offer to stay with him,
kaya feeling ko magho-hotel tayo nito.
si francis din pala sasama na rin,
pumayag na mom nya yesterday and they'll get the tix monday.
sana nga e tuloy na tuloy na ang ratsada.
nagkagulo dito sa office last tuesday and akala ko,
babawiin ang vacation leave ko, buti hindi.
sana happy ang birthday ko dyan, first time to spend it overseas.
*giggle*

Thursday, April 29, 2004

ok!!! apply na ko for leave tsaka bili na ko ng ticket.......ang saya saya....teka....yung friend ni ali, girl or boy?

belinda,

nakakainis ang laptop ko sa house,
nag-post ako kagabi ng sagot sa blog mo,
di lumabas, grrrrrr!
may 26 ng gabi nasa bangkok na ako,
and siguro until june 3, thursday.
kuha ka na ng ticket bilis!
mas mura yata pag mas maaga diba?
super excited na rin ako kasi international trip uli,
and you know how much i love traveling!
sana nasa bangkok na rin si prasong,
para celebrate tayo sa bday ko don.
basta don't forget the gifts ok?
chuks!

marlon....excited na ko bumili ng ticket...bigay mo na date ng alis mo sa bkk pls....=)

Wednesday, April 28, 2004

hey...created a yahoo photos site pala...here's the link: http://f2.pg.photos.yahoo.com/ph/belinda2002ph/my_photos

marlon, yeah, i know francis escutin...pinakilala mo sia sa min nung college...

so, kelan ang alis mo ng thailand?

marlon.......tell me kelan ka alis ng thai para i can finalize na my flight: nasa thai ka ng may 26 hanggang? di kasi ako sama sa yo sa asian tour mo e...=)

dating ako ng bangkok ng may 26 ng gabi,
and uwi ako from singapore ng june 6.
so yung flight mo, dapat may 26 nandon ka na rin,
para kita na agad tayong dalawa.
nag-send ako ng message don sa friend ni ali sa bangkok,
and hopefully, pwede tayo makitira sa kanya
on those days na wala si prasong sa bangkok,
tapos transfer na lang tayo sa kanya on the 29th.
nakuha ko na ang tickets ko yesterday,
and tuloy na tuloy na!
francis escutin wants to join us,
and kilala mo naman sya diba?
sya yung kasama namin ni lukring sa boracay,
and katabi ni lukring sa webshots sa nescafe ice.
anyways, bilhin mo na ang ticket, as in now na!

*excited*

Tuesday, April 27, 2004

hello marlon...i've already booked flights to/fr bkk may 26- june 6...bigay mo na itinerary mo k...para mabili ko na ticket ko...prasong wont be in bkk til the 29th right? so i guess pa-book na rin tayo ng hotel...anyways, happy!

belinda!

kakaiba, di kita masyado marinig, choppy ang line.
anyways, just wanted to say na kukunin ko na ang
plane ticket ko sa northwest ng lunch time,
and that's for may 26.
so get a ticket to thailand ng may 26,
tapos at least a week sana kasi until june 6 ako.
not sure kung kelan ako punta ng singapore,
or kung punta pa ako, or malaysia na agad.
basta tuloy na tuloy na to!
approved na ang vacation leave ko, grabe na to!
chuks!

Monday, April 26, 2004

marlon...i still have my old number...hoa (my ofcmate) answered ur call...i was in a meeting when u called kasi e...im fine with your schedule (may 26-jun 6)...but i dont think i can go with you to sing-kl...it would be nice but not now...money dont grow on trees u'know hehehe...tell me which dates ka nasa thai so i can book my flight too...

nag-file ako ng leave for may 26-june 6.
my return flight is in singapore-kuala lumpur-manila.
so siguro, mag-2 days ako sa singapore,
just to get the free flight from northwest.

belinda,

i sent you an email, nakuha mo?
i also tried to call you pero iba ang nakasagot.
do you still have your celfone?
btw, nakakuha na ako ng flight sa northwest,
may 26, 8 am, manila-narita-bangkok.
bukas ko na kukunin yung ticket sa northwest,
baka kasi makuha ng iba yung seat for award travel.
mag-submit ka na ng leave, hurry!
email me your celfone number, i'll call you tomorrow,
or the day after tomorrow.
say, parang movie!
chuks.

oi cherryl...goodluck sa work mo!!! anong work yan?

about desiree del valle...nauna pa ko sa inyo sa balita...hahha...i was in cambodia nung thursday at napanood ko sa tfc na lesbian nga sia, nagpakasal sa vegas at allegedly ay nangupit ng kung anuanong gamit sa bahay ng partner nia sa las pinas....nagulat si ako talaga!

yeah....i'm ok with the first week of june...met prasong while i was in cambodia...he was asking me nga about you and when you're planning to go to bkk...anyways, bigay mo specific dates para i can apply for a leave...

--- Prasong_Juajamsai@bat.com wrote:
> Subject: Re: bangkok
> To: Marlon Pasilon
> From: Prasong_Juajamsai@bat.com
> Date: Mon, 26 Apr 2004 10:24:30 +0700
>
>
>
>
>
> Dear Marlon
>
> Oh...my goodness. I am glad that you and friends are coming to BKK.
>
> The schedule is not suitable for me to taking care of you. Because I will
> not be in Bangkok from May 24-28 (go to KL for workshop and training). Is
> it possible for you to come in first week of June.
>
> You and friends are feel free to stay at my place. No need to book the
> hotel.
>
> For your information of my schedule :
>
> April 27-May1 in Singapore (for training)
> May 19-21 in Philippines (waiting for confirmation from research agency
> there)
> May 24-28 in Malaysia (for training & workshop)
>
> Regards,
>
> Prasong Juajamsai
> Office Tel : (662) 676-6255 ext. 106
> Mobile Tel : (661) 835-4205
>

belinda, may change of plans.
gusto iurong ni prasong to first week of june ang trip.
nasa malaysia daw sya ng end of may,
so di nya tayo ma-entertain.
ok lang ang first week of june sa akin, more time to save.
keri ba sa yo?

Sunday, April 25, 2004

i'm watching kontrobersyal right now,
and si desiree del valle e tibo pala.
and ang pangit ng naging girlfriend nya ha.

btw, sino pala gusto mag-volunteer sa namfrel?
volunteer tayo pls!!!

namfrelqc@yahoo.com

hi belinda!

did you get my text message?
super sad, naghahanap ako ng award travel sa northwest,
pero wala akong makita kahit isa.
nag-mail na ako sa northwest just to say how disappointed i am.
i have more than enough miles to get a free ticket,
pero walang available, so super sad.
anyways, nag-file na ako ng vacation leave sa office,
and most probably, approved naman yun.
if i won't be able to get the free travel,
baka mangutang na lang muna ako sa sister.
i also reported the refund checks as lost sa IRS,
and hopefully makuha ko ulit sila in 6 weeks.
anyways, how cambodia?
nabili mo ba KAMI ng kung anik-anik na shirts?
chuks!

bukas pala manonood kami ng concert ni nora.
super pasabit ako sa free tickets ni alie, o diba?

Thursday, April 22, 2004

uy belinds hi! ask ko lang bibilhan mo ba ko nung shirts na like namin? sana iba-ibang colors! chuks! uy baka start na ko work makati sa monday. natatakot ako grabe pero ok lang siguro. this is what i wanted before di ba so bakit ako matatakot? (parang ina-assure ko ang sarili ko!) kwento ako if ok. please pray na ok yung work. that i will never regret this one big decision. :)

Wednesday, April 21, 2004

shucks! kainggit kayo...! ang saya saya...meron na kayong mga mowdels, na-capture pa kayo sa camera, at sumayaw pa kayo sa ledge (it's in my list of to-do things before i die)!!!! and yeah, gusto ko ring i-try yang illusion shaker...which apparently is an oxymoron...it should have been called illusion-maker...

anyways, punta ako ng cambodia sa thursday...decided to stay there na rin for the weekend para i can have time to enjoy the place...i might also buy the shirts na like nila lani and shiela and cherryl...

Monday, April 19, 2004

hi everyone!

just got back from boracay and roxas,
and super major pagod ang so-called vacation.
each day in bora got better and better,
and totally, totally enjoyed every second of it.
the first day was the most relaxed,
probably because 4 am pa lang e gising na ako,
dahil pumasok pa ako sa work that day.
dumating ako ng bora ng 5 pm,
and super delayed ng flight ng asian spirit.
ni-meet ko sina lukring and ate vane sa station 2,
to think na nasa station 3 pala ang bahay.
grrrrr, i had to walk one station carrying my 10 kilo bag.
nasira ang diet ko that night dahil nag-buffet kami,
and super lafang ng lechon and oysters!
ayan, sumakit ang tyan ni lukring.
chuks!

that night, nakasalubong namin si jp and friends,
yung boyfriend ni erik santos, star in a million winner.
i texted fabio to get jp's number,
so ayun, ni-tex ko sya just to meet him later that night.
nasa true food lang pala sya, some indian resto,
so pinuntahan namin sya ni lukring just to say hi.
super love ko sya talaga dahil ang cute nya, as in.
tapos ayun chika-chika, tapos when we're leaving,
tinawag nya uli ako just to invite to meet him in cocomangas.
kaya lang ang layo ng cocomangas, station 1,
so ayun, nanood na lang kami ni lukring ng american idol.
chuks!

following day was a bit more exciting with francis and fabio.
sinundo namin si francis sa hotel and ate lunch in talipapa,
tapos watch ng nestea volleyball tournament,
kasi yung mga national players e nandon rin.
fun ang games especially with jayjay and gogo,
na vaklers ng ateneo de davao.
tapos swim-swim ng mga bandang hapon na,
pero i wore a shirt dahil baka ma-expose ang boobies ko.
chuks!

that night naman, buffet dinner again in summer place,
and i wanted to eat there kasi i met an events organizer
na friend ni angel pelayo na blockmate ko.
sabi nya attend daw ako ng event nila with session road,
so hayun attack kami lahat sa party nila.
may ilo-launch pala sila na product yung nescafe ice,
tapos after dinner, nakita ko uli si john,
and ayun, chika-chika, and asked if it's ok if they interview us.
syempre, kinabahan ako kasi not ready pa for showbiz.
chuks!

yung nag-interview sa amin e yung isang model crush ko,
and super major kilig when he sat beside me,
tapos he placed 4 empty cups of nescafe ice.
si francis, paturo kay lukring and pasabi ng,
"actually, she finished all of them!",
so napunta lahat ng attention kay lukring.
tapos sabi ng cutie interviewer, "so how was it?",
and sabi ni lukring, "it's great!".
and tanong uli si cutie interviewer,
"so how much do you like it?".
and ang lukring, nagmaganda, sagot ng "it's great!".
tapos may dare sya kay lukring,
if she can finish two cups of nescafe ice in 2 seconds,
may prize and tawa kami nang tawa,
kasi super game si lukring sa camera,
and after drinking the coffee, she needed to crush the cups.
ayun, nagtalsikan ang mga plastic!
hahahahahaha!

angel pelayo wanted to meet that night,
so hayun, pa-attack kaming lahat sa cocomangas.
una, sayaw-sayaw lang sa ledge (say, ledge agad!),
and no plans to get drunk.
pagdating ni angel, she was already drunk,
and lahat na lang ng tao super yaya nya mag-shots.
so kami ni francis super inom lang kasi libre naman ni angel.
si angel super major haliparot,
kasi dumating si carlo maceda and hi-hi kami,
and i introduced her to carlo.
sabi nya sa amin ni francis, she'll prove to us na
maliit ang toot-toot ni carlo,
maya-maya, nagtanong si carlo kung nasan si hans montenegro,
tapos tinuro ko si hans and punta si carlo.
ayun, sunod si angel pero hinigit kami ni francis.
super kinabahan ako kasi chika kami ni carlo,
tapos maya-maya the moves na si angel,
and she even told carlo na it's nothing but a dare,
and tinuro nya kami ni francis.
ako naman, smile lang kay carlo kunwari lasing na.
tapos dumaan si rich herrera (#1 soulmate ko),
so we asked her to approach rich and pakilala sya.
ang lasenggerang angel, attack nga!
but no, kasama ni rich ang gf nyang si steph kelly,
so na-lost ang beauty ni angel.
chuks!

i didn't notice na i was really, really getting drunk.
merong isang drink don, illusion shaker,
nasa isang tall container na yung mga tao,
nilalagay lang nila sa isang shot glass.
e super wala na akong pera, so i asked francis na treat nya ako,
and payag sya kung maubos ko yung illusion shaker
with just one straw na isang sip lang.
parang nag-sip ka ng 1 liter coke,
so medyo lasing na ako, i agreed.
after that drink, wala na akong maalala,
except mga flashes of memories now and then,
na pag pinaalala sa akin ni francis,
nakikita ko yung image especially with this atenista,
na super ni-lands ko daw and ni-kiss.
i won't tell you the name kasi batchmate ko daw sya.
and nakita ko sya the following morning,
matangkad, maputi, cutie guy.
buti na lang may taste pa rin ako kahit lasing.
chuks!

super hiyang-hiya daw sina francis, angel and meryl,
kasi kung anu-ano daw pinaggagawa ko.
super dami kong sugat sa legs dahil sa sand,
and ilang beses daw akong gumulong-gulong,
pati sa pier one na di ko maalala na pumunta kami.
nahatid ako ni francis ng past 6 am na,
and super liwanag na pagdating namin sa house.
literally crawling from station 1 to station 3.
paggising ko ng 10 am, super lasing pa rin ako
and mga hapon na nang mawala sakit ng ulo ko.
pero tawa kami nang tawa nina francis pag nagku-kwentuhan,
kasi super fun, i swear.
i don't even remember the people i met that night,
and the following night, may lumapit na pretty girl,
sabi nya, "marlon? poppet's friend right?".
sabi ko, "uhm, yes, oh hi!"
tapos introduce nya ako sa sister nya,
and ni-introduce ko si francis.
pag-alis nya, tawa kami nang tawa kasi
sabi ko, "sino si poppet?!".
as in totally, totally blank, may big memory gap.
si angel and francis na lang nag-kwento sa akin,
and minsan nagpa-flash yung memory.
later ko na lang na-remember sino si poppet,
and nag-flash yung image na nagki-kiss sila ni francis.
chuks!

anyways, that's it muna,
kwento ko next time the last 2 days.
chuks!



Thursday, April 15, 2004

im back...jst read na camille velasco got voted out...sad...sia pa naman fave ko...chuks...

Saturday, April 10, 2004

cherryl...di ako makakapunta kasi antay ko si marlon sa thailand trip namin...save ko money ko, rather...

this weekend punta pala akong Da Nang, Hue. Nha Trang...some provinces in the center...for fun and work....dala ko camera ng office...so hopefully meron na kong masend sa inyo...lelz

Thursday, April 08, 2004

ang saya....overnight kayo kina shiela gurl! huwaw...

cherryl...please lang tigilan na ang salbakuta...altho im sure kebs ka na sa kanya...isa siang demonyo...hehehe...

marlon...hello...anong kilig? nakaka-guilty nga ulit e...lech...feeling ko naging "tease" ako...hehehe...altho i didnt mean it naman...oh well...

hey owl!

last night pala bumili ako ng 2 dvds,
house of rock and *drum roll please*... milan!
mas mahal pala ang tagalog dvds, 100 pesos.
pero ok lang, konti lang ang tagalog dvds.
pinanood ko yung house of rock,
funny sya, although may mali sa values nya.
chuks!

dahil ako lang mag-isa dito sa office,
nag-all time low ang eq ko,
kaya napa-check ako ng website ng american idol.
super na-sad ako sa nabasa ko,
although parang deserved naman nya matanggal.
pero mas sad yung mga nasa bottom 3.

i'm reading time asia rin pala ngayon,
and headline nya is, why did jesus have to die?
basta kung anik-anik na explanation like
good vs evil theory, paying a debt theory,
and role model theory.
dahil pala sa movie na the passion of the christ,
kung anik-anik na debates ang nangyayari ngayon,
although wala naman ako interes na sumali.
chuks!

since yesterday rin pa pala walang mrt,
and nag-bus ako from cubao to rcbc plaza.
abot pala dito ang mga bus.
in fairness, walang mga sasakyan so 730 ako gising,
tapos dating ng office ng 845, super win!
pero starting next week, first shift na me,
and gising ako ng 4 am everyday!
huhuhuhuhuhuhuhu!
pero keri lang kasi may tennis lessons
pala ako ng 4-6 pm, instead of 7-9 pm.
wish ko lang e pumayat na kami ni marj.
chuks!

anyways, naiyak ka ba belinda nang makita mo uli si elias?
i'm sure kinilig ka nang todo like na-feel ni lukring,
nang makuha ang text from salbakuta.
napaisip ako sa intentions nya kasi holy week diba,
perfect period to atone for his sins?
so hintayin ba talaga ang holy week para magsisi?
lukring, always remember na ni-deny ka nya kay bambi,
bago ka makipaglaplapan uli sa kanya.
chuks!

teka, nag-text pala si tita lulu, overnight daw sa kanila.
wish ko lang e maraming food!

hi! im home alone now so eto super blog na lang. umalis buong family ko yesterday pa out-of-town, dapat susunod ako kaso tinamad na ko. so eto i ended up alone.

anyway, i just want to share something. you guys were discussing that "prologue" thing. ako naman yata walang katapusang epilogue (or mali ang term ko, anyway ganito kwento...), about you-know-who. if you guys are getting tired of kwento about him pasensya na share ko lang. he texted again last night. he again apologized for what he did (whatever those were!). he said na he's not asking naman forgiveness, he just wants to tell me na he regrets his mistakes. na kesyo i didn't deserve whatever he did and he's ashamed chuva! syempre text back ang lola mo and ang sabi ko i don't know what i should say. it has been a long time since we last talked to each other and it's not easy for me to react now. siguro kung nuon pa sya nagparamdam ng ganyan madali for me to react, and galit at pagkamuhi ang reaction ko nun i'm sure. but now, na-shock lang ako. at wala akong masabi.

parang wala na yung nangyari. parang ok na ko. honestly, wala ng sobrang galit (konti na lang!). siguro wala pa rin kasing closure for both of us kaya medyo there's that feeling na may certain "gap" in our lives. hehe! kaya hindi rin siguro kami mapakali sa buhay namin. well, i can say na di pa rin yata tapos ang chapter na ito sa buhay ko. so mali ang term ko, wala pang epilogue.

anyway, belinda uwi ka ba dito for the weeding, este, wedding pala? may 22 na sa baywatch, quezon. abay sila des and sophie.

Wednesday, April 07, 2004

nakita ko na pic...angsama mo! sordid, traumatic past! grabeh ka naman...hahaha...

nakita ko rin yung mga comments ni galo ke ate vane about rovil...angsama din nia! chuks.

awww...happy naman...kainggit kayo...basta magthathailand pa rin tayo ha?

ill take a look at the pic laters...

tska about signs...lech mga yan...sometimes di ko gets e...bwahhaha

tsaka btw 26 pa lang kami nila lani and shiela..cherryl is mas bata sa min ...bwahhaa defensive...

Tuesday, April 06, 2004

hi belinda!

last day of the week for everyone, except moi.
overtime ako tomorrow and thursday,
for extra kaperahan for my boracay-roxas trip!
punta si lukring with ate vanessa ng april 12 sa boracay,
tapos me naman, follow ng april 15 with francis,
and then overnight sa roxas from april 18-19.
so pahinga muna ako this holy week,
2 days overtime tapos baka overnight kina tita lulu.
about pic ni elias naman, i sent it through ganders,
and hopefully e natanggap mo naman.
you can use it as a wallpaper or pa-enlarge mo,
to remind you of your sordid, traumatic past.
chuks!

napaisip naman ako sa prologues, although mga 5 secs lang.
i don't really want to think about anything right now,
especially those concerning matters of my broken heart.
i just really want to go with the flow of my daily life,
just like what happened three fridays ago,
when my crush (bf ni erik santos, star in a million winner),
danced with me then hugged me,
tapos he placed his head on my chest while dancing.
it was pure bliss.

all i know is that there are signs everywhere,
and like what herman hesse wrote, listen.

so baka yang si kenneth lim was the sign
you've been waiting for the last 28 years of your life.
so alam mo na, do something about it,
but not to the point of comprising your values.
sana rin nagpaka-wild ka with tuan that night,
tapos ni-lands mo nang todo
para matuloy na ang vietnamese love affair mo.
and also don't forget, cute and cuddly babies.
chuks!

Sunday, April 04, 2004

cherryl! goodluck...hope you nailed the interview! anong work yun?...now that ate vane's getting married, where are you gonna live? chuks.

marlon! havent received the pic yet. you sent it a long time ago, it's prolly lost somewhere in the south china sea...hahaha...why are you still asking about it?...and about doing it...i'll only do it for love (true+forever) no...no chuks...and yeah, heard from oche that you guys went out last friday and that you brought with you a classmate who allegedly has a crush on you...ahihihihi...

went out din nung friday...group kami...bespren tuan was there too...parang weird yun sabi miss nia ako...bwahaha...at pinipigilan akong uminom ng "ruoui'" (rice wine with goat's blood)...kasi di ba traditionally, gamit ng mga viets ang wine as aphrodisiac...so si bespren ay pasabi "it will make you wild." non-sense di ba...eh ayaw kong uminom ng beer...tas sabi ng iba kj ko naman daw lemon juice lang inom ko...mag alcohol naman ako...so sabi ko ok, get me ruoui...i ended up gulping two shots of ruoui para tumigil ang mga tao at ng makita ni bespren na di ako magiging "wild" bwhaahha

read about this article about a prologue...the prologue made up the whole story...no epilogue, no nothing...just a prologue...hmmm, then maybe the writer shouldnt have called it a prologue...but let's skip the semantics part...anyway, the writer was telling this story about a guy she met in a bookstore who happened to be looking for the same elusive ayn rand book she was looking for...how serendipitous...they made small talk...so she learned that they come from the same school, that he comes from some province down the south of luzon, that he has an interesting, probing mind...the story ends there...

that got me to thinking about my own prologues...the most recent one is the airport incident...kenneth lim from iloilo...we were in this pre- pre-departure area, hoping to catch the next plane to our respective provinces...noticed him coz he was kindda cute, not aragorn-handsome, but friendly-eyes-easy-smile cute...he sat next to the policewoman on my right...then he took out the machiavelli book, the prince...intriguing di ba...i went back to my own eric segal book when the woman beside me whispered that "that guy" has been staring at me...shemps natawa ako...anubayun...anyways, to make the story short, the woman played cupid (saying things like we -ken and i- were meant to meet kasi what are the chances na we would be in the airport at the same time and all that stuff about fate. weird pero kakatuwa.)...tas she made us sit beside each other...we made small talk with the woman and the girl on my left...so i learned then that the woman was on her way to leyte and that he and the other girl to iloilo...small world ano...then he asked if we were hungry...sabi ko i was so we went to this food booth...tas he offered to pay...ahehe...nalibre tuloy ako ng burger and juice...we talked some more so i had the impression that he was generally a sweet guy...miss na raw nia nanay nia and her luto; he would have wanted to stay home but he likes adventure kaya labas sia ng province nia to "explore"...when i was about to board my plane, we exchanged numbers and promised to text each other once we arrive home...came home first so i texted him na im home na...he texted back saying "it was nice meeting you, sana maulit" (verbatim)...yun lang...the story ends there...kakilig pero i knew na hanggang airport lang yun...


everyone has his or her own set of prologues...wonder what they're for? it's like an aberration from the otherwise "normal" course of life (with a beginning and ending; both of which spans for quite a period of time)?...it's like an intermission in an otherwise boring spelling quiz bee; or tv commercials between movie scenes...yeah, maybe they're there to give us a brief respite in life...and maybe even to make life a lot more exciting...oh well.

Friday, April 02, 2004

hi belinda!

ayan nag-post na rin si lukring,
kasama ko sya yesterday kasi may interview dito sa makati.
hopefully e matanggap sya dahil interesting ang work.
wish ko lang e nagkuskos nang maigi,
at nag-tootbrush na rin si lukring para win sa interview.
chuks!

bday ni prasong tomorrow, april 3.
nag-send ako sa kanya ng e-card, sana makuha nya.
nasa bali yata sya for sometime.
o say, close na kami bigla diba?
chuks!

ngayong wala na si tuan, aminin mo nang minahal mo sya!
at may nangyari sa inyo noong nag-overnight ka sa kanila!
chuks!

teka, nakuha mo ang pic nyo ni elias?

uy mabilis lang ito. may 1 supposed to be yung wedding, pero dahil yata yung ninong na isa kakandidato so after elections na lang daw. pano ka naman makakapunta belinda e nasa vietnam ka. so kahit invited ka e parang di ka naman magpapakita. re: other details about the wedding ito lang alam ko: rainbow ang motif (iba-iba colors ng gown and barong, pati damit ng flower girls. seven pairs yata ang abay. wala pang partner si rusit--remember him?-- ate vane nga was thinking of you or lani or shiela pero parang di daw maganda tingnan kasi super tangkad si rusit. other details next time na lang! bye