Red Squirrel

samahan ng mga magaganda or something like it...

Monday, September 29, 2003

ay grabeh na ito...ampangit naman ng ugali nia...excuse me ha pero di sia kaguapohan to do all that...tsaka even if he were guapo wala rin siang right na magganon...parang devil incarnate! sus cherryl...feeling ko sobrang rotten lang talga buhay nia kaya kelangan nia masatisfy sarili nia via proving to himself na he can win women over, just like that...you wanna be evil? i think i would call the gf up! i swear, kasi minsan ang fate, matagal yan magtrabaho eh...baka next year pa makarma si what's-his-face...so tulungan mo na ang tadhana...basta make sure lang na you dont sound bitter, otherwise, baka di ka paniwalaan ng gf nia...kelangan dating mo is you wanna help her out and stuff...ewan, feeling ko that is exactly what i would do...

oi pala ang allen...ewan...parang nagpla-plano na ng future namin...sabi ba naman we need to plan when and how we will meet...kung di daw ako pupunta sa states sia daw pupunta dito sa vietnam! tutal daw kasi he has to go to japan for come car event (next year) so daan na rin sia dito...sabi ko, hoy! hinay hinay lang po! mukhang serioso sia...i just wanted to enjoy tas eto na sobrang na-carried away na ata...

marlon, yung siddharta, lech ang bro ko...di pa nga nia pinapadala! inaway ko nga e kasi yun lang favor ko sa kanya di nia magawa...at eto pa, nakalimutan na daw nia kung san nia nilagay...pisti talaga...basta sabi ko dapat within this week mahanap nia at i -send na sa yo...update kita...sorry talaga

shiela gurl!!!!!!!!!!! happy birthday!!!!!!!!!! maugma ka!!!!!!!!!!!!

hi! im back!

grabe nahirapan ako magsign-up. nawawala yung "powered by blogger". i had to go to the home site ba yun just to sign up. at saka what happened to the blue with footprints ni snoopy background?

anyway, before my major chika, just want to say happy birthday tita lulu! ano itong nababalitaan kong may super bonggang celebration ka sa friday. out ko 10 pm pa so siguro sunod na lang ako if ever. wish ko lang e hintayin nyo ko.

last saturday nga pala i went to watch cine europa (again!). super saykolow, ang haba ng pila. we went there by 6:30pm in time for the 7pm show of "the magdalene sisters" pero like what i've said super kahabaan ng pila. super sad kasi di na kami nakapasok kasi super puno na. may nag-away na nga e. it's ok kasi nakita ko nga si carlitos siguion-reyna pumila rin, in fairness.

o ito na belinds ang chika ko. just last week i just learned that what's-his-face (ayoko ng mag-mention ng name!! super mode!!) was going out with bambie (remember her?). i learned this from bambie herself, she told me last friday. ang umpisa pa nga nya was, "naging kayo ba ni &**?" i told her hindi (charing!). so ayun na nag-confide na sa kin. na kesyo they went out twice. it started daw when he called her up sa hse, then super text,tapos yun nga dinner na, at the height, nagpunta sila ng antipolo (and of all people, kaw belinda ang nakakaalam ng ngyayari sa antipolo!!!). so things happened din between them. e kaka-break pa lang ni bambie sa bf nya so super nalulong sa lalaking ito. at first daw, she just wanted to be friends with him, but later on she fell for the guy!! (as in!). as i was listening to her story super uminit ang buo kong katawan. sa galit!

at first, di ko sinabi kay bambie about me and the guy. kasi i thought na nakakahiya, pero that same night di ko napigilan sarili ko sa sobrang galit so tinext ko si bambie and i told her everything. eto pa ang siste, everything that happened between us nung guy, ngyari rin sa kanila. like after a few weeks di na rin tumatawag and nagttxt sa kanya yung guy. kaya pala just last month bambie was asking me the landline number of that guy, tatawagan na pala nya sa hse kasi nga di na kumikibo sa kanya, e she was texting and calling him sa cellphone but he was not replying at pinapatayan pa sya ng fon. the nerve of that guy, kaya super galit na rin ang bambie.

eto pa, last month nagde-date pa sila di ba? pero he even called me last month and was also asking me out, nagyaya pang mag out-of-town!!! yun pala may iba na. in a way pinagsabay nya kami. although they started out nung di na sya tumatawag sa kin. but still... sobrang evil nya. i never thought na magagawa nya sa kin yun considering we've been friends for like two years.

another evil deed nya, when bambie daw asked him about me ang sagot ba naman, "kung gusto ko sya e di sana pinursue ko na sya!" ang kapal talaga ng mukha. e ano pala yung ginawa nya sa kin kinalabit lang sumama na sa kanya? o feeling nya ako nag-pursue sa kanya? if he was a friend e di sana sinabi na lang nya na it didn't work out sa min o kaya we're just friends lang talaga, hindi yung kung anu-ano pa sinasabi nya para lang makuha nya si bambie. punyeta sya!

after all this time na di ako kumibo or nag-demand ng anything from him kasi i thought naging ok na sila ng gf nya kaya nawala sya, ibang babae pala ang kasa-kasama nya. buti nga kung di ko kilala yung girl. e kaopisina ko pa, at kaibigan ko pa.

i don't know what else to say. gusto kong ipaharap sa kanya yung ginawa nya sa kin. wala syang kwentang tao. i want to talk to him pero i feel na sayang lang oras ko sa kanya. karma na lang. he'll never be happy with his life until he asks for my forgiveness. ang drama no?! pero wish ko lang talaga na he'll realize the damage he's done then maisip nya na he lost a lot when he betrayed me. chuks! wla lang, gusto ko lang magmakadrama.

hay naku, i was living a quiet life tapos may manggugulo tapos iiwan ka ng ganun-ganon na lang. na parang walang ngyari.

so ate belinda what can you advise me? sugurin ko ba sa opisina nya? guluhin ko ba buhay nya? isumbong ko ba sa gf nya? o abangan ko sa lugar nila then hulugan ko ng hollow blocks habang naglalakad sya?

basta ito lang promise ko, i will never trust him again. ever...

Friday, September 26, 2003

belinda, you only live once, so have fun lang.
di mo namamalayan, nasa sahig na b**bs mo,
wala nang offer of free trip to the states.
chuks!

last day ko ngayon sa svi for september,
babalik ako next thursday and friday siguro for kachuchuhan.
nalulungkot ako kasi hindi ko natapos yung paper ko.
chuks!

teka pala, sa september 29 pa ang bday ni shiela a.
anyways, advanced happy bday na rin tita lulu,
sana talaga iusog mo sa next friday ang bongga libre,
para naman makita mo ang napakagandang gift ko.
chuks!

anyways, yun lang muna, bday ng pamangkin ko today,
so i need to go home asap!
dami yatang food sa bahay ngayon,
kaninang umaga kasi super kabusyhan sila sa pag-prepare.
hindi na nga ako nakapunta sa children's party dahil sa work.
huhuhuhuhuhuhuhuhu!

PS. belinda, friendster it na!

nye marlon...yoko siang gamitin for my selfish material needs...chuks...lam nio bang aside from calling me...eh nagte-text din yun everyday (once or twice/day)...ewan ko ba...sometimes i ask myself bat ko hinahayaan yun...siguro mostly out of curiosity...or type ko rin...charing!...hahaha...basta bahala na si batman...he asked for my address...susulat daw and stuff...hmm...basta kwento ko na lang...

Thursday, September 25, 2003

naku belinda, grab the opportunity no!
mga $800 ang plane ticket going to the states,
chance mo na to see uncle mickey for free!
baka puri mo lang naman ang kapalit,
overcharging na nga ang $800 no.
chuks!

teka pala, bat di ka pa pala nagre-register sa friendster?
puro mga college friends ko yung nasa friends list,
and sign-up ka na para dumami ang friends ko.
chuks!

napanood ko ang interview ni kris sa news,
and super shocking lahat ng sinabi nya.
kumakalat din pati transcript ng interview, saykolow!
pero nakakaawa si kris, siraulo talaga si joey.
pero i don't think anything would change.
joey would always be joey, and kris... no comment.
chuks!

grabeh na ang kris-joey brouhaha!

what's his face
oi cherryl...bat di ka nagkwento...sus...sobrang excited pa naman ako marinig ang real score...chuks...

siddharta
marlon...la pa email kapatid ko re siddharta...pero mag uusap naman kami this weekend so update kita...

allen
about yung kausap ko sa internet...his name is allen, he's from la...30 yrs old sia...ok naman itsura...padala ko pic nia sa inyo if u guys want...dating lasalista tas pumuntang states for college...ex-addict...sober na for like 8 years...ang weird lang...pero kakatuwa kausap...tas he's been calling me sa cel lately...almost everyday na nga ata...we talk for a few mins lang naman...eto ang grabeh, nag invite pumuntang states, sia daw bahala pamasahe (50% daw)..chuks...siempre natakot lola nio...anubayun...sabi ko wag na siang mag invite ulit kasi nasho-shock ako sa kanya...ayun lang...let's see what happens

Wednesday, September 24, 2003

siddharta

di mo pa na-receive pala...check ko sa bro ko...he promised kasi na i-send nia sa yo e...email kita bukas...

damned

ok na sana ang song except when it went "you're a disgrace to the human race with your pretty face"...mejo hindi ko tanggap ang "pretty face" part...

shiela

happy birthday! nasa manila ka ulit?

super good news pala,
natapos ko na yung term paper namin sa isang class.
super happy kasi antagal ko rin ginawa to,
halos every week, 5 books sa library ang hinihiram ko.
umabot na rin ako sa minimum 15 pages!
chuks!

in less than an hour, start naman ako sa isa.
medyo less effort dito sa isa kasi di naman strict,
although baka gamitin ko sya na topic sa thesis paper.
btw, belinda yung siddharta book ko pala?
pa-send naman na sa akin pls.

sana pala hindi muna manlibre si shiela sa bday nya,
at iusog nya sa friday.
super nice pa naman ng gift ko sa kanya,
baka di ko ibigay pag wala ako sa libre nya.
chuks!

perfect yata tong song na ito kay cherryl:

damned

Oh hooh.
Boy you reminded me of putting these things into words
And save them, for a rainy day
Your shameful heart and your sinful soul
Oh, I'm amazed by you and all that you are

REFRAIN:
Your devious ways, you do the work of the dark forces in (this//the) world
And you're evil, oh yes you are ---

CHORUS:
Damned, you're one man I just can't stand you're
Damned, you built your castle on the sand, you're
Damned, How could I ever want you for my man
I lost you now, so why do I care?

You really knew right from the start
How to work your way into my heart
And then you pulled the trigger shot me around the weakest
You're a disgrace to the human race with your pretty face

REPEAT REFRAIN AND CHORUS

Hooh oh.

REPEAT REFRAIN
REPEAT CHORUS 2x

Oh no no.
Damned. so why do I care?

CHUKS!

Tuesday, September 23, 2003

o sige cherryl...kwento ka bukas...marlon, mejo mahilig na ko magchat ngayon tas meron na rin akong regular na nakakausap...kwento ko sa inyo pag may interesting developments...tignan ko kung ok nga ang chat....

ay grabeh! may comeback ba ang salbakuta? puhleaseeeeeeee....

hi everyone!

ngayon lang uli ako naka-blog kasi super busy lately,
daming complications ng life ko ngayon.
nag-resign na ako last wednesday sa svi,
and baka mag-start ako ng new work ko sa oct 17.
plan kong mag-take ng terminal leave next week,
punta kasi kami ng friend ko ng cebu,
from sept 28-oct 1, 4 days, 3 nights.
so ngayon medyo pressured to finish my term paper,
para habang nakatunganga lang sa office,
natatapos ko rin ang school work ko.
2nd week of october na ang finals week namin.
*nginig*

natuloy rin pala kami nina cherryl at lani (finally!) last sat,
french movie yung palabas, "karnaval".
it's a saykolow french movie.
tapos nag-dinner kami sa sushi-ya sa megastrip after,
at may big buzz na ni-announce si cherryl!
since ni-preempt ni cherryl ang new work announcement ko,
i-announce ko lang na about salbakuta ang news ni cherryl.
chuks!

belinda, sali ka sa friendster, hindi sya dating service,
parang malaking egroup lang sya.
you invite your friends to sign up tapos
nakakatuwa yung six degrees of separation.
most of my college batchmates are there,
and nakakatuwa kasi since college ko pa sila last nakita.
basta nakakatuwa yung site, harmless.

about the sharon movie, hindi ko masyado pinagpapansin yan.
mas ok pa yata na panoorin yung 1st time ng viva hot babes.
chuks!

Monday, September 22, 2003

ano ba kwento ng sharon-aga movie....sobrang pinag uusapan sa isang yahoogroups ko....sa wed na daw kasi palabas...tas tipong ang mga singletons na no bf since birth ang sabi ng sabi 'can relate' sila....bakit? ma-research nga kung ano kwento nito...tas title ata is 'kung ako na lang sana' tipong bituin escalante song ba yan? eh cherryl...baka can relate din tayo jan! hahaaha

marlon...saw ur friendster invitation...ito yung kinkwento ko sa yo dati....nag join ka pala...ako hindi pa...baka di kasi kayanin ng powers ko...sobrang dami daw kasi talaga mga lalaki dun hahaah...anyways, kwento ka na lang ha......

Wednesday, September 17, 2003

pahabol... kasi i just read ur chika about joey. did you hear na the song "temporary madness" by a certain jodie brooke wilson. bagay na bagay sa sentiments mo, pero medyo happy yung song e, e ikaw parang super sad. pero sige i dedicate that to you belinda.

i was searching for the lyrics kaso di ko makita. next time...

hi! sorry now lang ako naka-blog after 48 years. busy e. chuks. uy belinda belated happy birthday. so ano ngyari sa birthday mo. did you go out on a date? at sino naman itong isang tuan pa? dami naman tuan dyan, i think di talaga creative people ang mga vietnamese noh?

ako na magbabalita, si marlon natanggap na sa safeway. yesterday lang nya ko inform. magre-resign na daw sya sa svi. bakit ganon kung sino pa di naman super sad sa work sya pa nakakahanap agad ng ibang work? samantalang ako super gusto ko nang umalis ng work ko but no... eto pa rin wala pa rin akong mapasukang iba. uy marlon sorry for preempting your news. excited lang ako.

uy belinds, kami rin nag-spa with officemates (alie, alex, otche and ruby). dyan sa may quezon city (i forgot the name of the place e). si alie ang nagsama sa min, and happy pala sya, super sarap ng masahe. we were thinking of going every month. chuks. sana nga gusto ko dalhin sila shiela and lani kaso baka mag-inarte, magpaka-conservative (kasi everyone there was totally naked) e alam mo naman ang dalawang yun. pero it's worth it talaga.

grabe, september na. wala pa ring advancement sa aking career. i'm really working hard to find a better job pero wala pa rin, sad. hopefully before the year ends meron na para next year fresh ang start ko.

uy marlon, watch tayo cine europa. free ka ba saturday?

o sya sya yan muna hanap muna ko trabaho sa jobstreet. chuks. ciao.

Friday, September 12, 2003

nye....anubayun...nag iinarte lang ba or baka pagod lang....anyways, meron pa namang tomorrow e...kayo na lang kaya ni cherryl...tsaka nood ka naman ng michael b concert right....? enjoy!

nabasa ko sa peyups.com na meron bagong commercial ang mcdo... kanlungan daw title ng jingle...Pana-panahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon....sobrang kakaiyak ba? brings back a mixture of ecstatic and depressing memories?

belinda, nandito ako sa office ngayon,
mag-print sana ako ng paper ko,
pero ang ganda ng timing, down ang network!
actually yung subsystem lang ng printers.
kaya heto, luhaan akong uuwi,
tapos di pa natuloy ang tapika outing namin.
nag-text si lani na gustong mag-tapika,
but no, sya ang pinaka-unang umuwi!
ewan ko ba bat ganito kalabo ang mundo,
kagustuhan ba ni lord to?
chuks!

Thursday, September 11, 2003

marlon...nasa makati ka now? hindi ako naka online last friday kasi lumabas ang buong team...ano updates sa work mo? sa studies mo? sa biz mo with glen?

im beginning to get bored here...nakwento ko na ata sa inyo na kung ano ano na pinagkakaabalahan ko: gym, swimming, spa...lech...parang gusto ko na umuwi...

may plano ka bang pumuntang thailand?

sinabi ko ba sa inyo na mejo weird ata mga viets...yung traditional tuan na sinasabi ko sa inyo, sa harap ng team namin ako ininvite sa kung anong park para magcelebrate nga ng independence day...tas yung isang tuan (yung sinsabi kong pede mong ma-type-an, mejo keri na pero di ko type) ininvite din ako sa harap ng boss ko sa lunar festival...bat ganon? feel ba nila pag public yung invitation hindi sila pedeng ma-reject? kelangan communal knowledge ang paglabas? inayy...ginawa ko na lang is evade the invitation....

hello....kamusta na kayo? me, i've been having a really bad week...lech ang work...ang daming mali ng cambodian agency (from whom we outsource our fieldwork from) namin...discovered that it didnt follow our instructions tas worse pa is, the owner of the agency lied to us and our client! it made us look bad...we were again in the middle of a blaming game...grabeh, it is a research agency tas ganon ugali???!!! clients come to us for information to help them in their decision-making tas kung ganon ugali ng agency na yon...how can our clients make the appropriate decision...kakainis noh...buti na lang mejo matino rin boss ko...ayaw din nia mag stoop down to the cambodian's level...kebs sia kung ni-blame kami sa maling pag-implement ng project...we just carried on we know we did our job well at di kami nagkulang sa kakaturo sa kanila....hayyyyyyyyyyy

musta na luvlife nio????

Friday, September 05, 2003

hi everyone!

ngayon lang uli ako nakapag-blog, medyo busy!
nandito pa rin ako sa svi, and mukhang malabo yung safeway.
they haven't even contacted me since the interview!
oh well, sayang lang at di sila nadagdagan ng ganda.
chuks!

starting monday, i'll be in makati pala until sept 26.
training ng group namin for java,
and hindi ko alam kung makaka-relate ako.
medyo slow ang aking development sa java.
sana lang e maging seryoso na ako.
chuks!

belinda, mukhang mabenta ka talaga sa vietnam.
i hope lang na cuddly babies na talaga yan.
tumulong ka sa pagpapaganda ng filipino population,
tulad ng ginawa ng mga magulang ko.
chuks!

baka mag-online ako tonight,
pero not tomorrow night kasi labas kami nina cherryl.
baka manood kami ng pinay pie,
tapos nood ako tonight ng legally blonde 2.
speaking of... gotta go!
chuks!

Ü

Something Beautiful
Robbie Williams
Escapology


You can’t manufacture a miracle
The silence was pitiful that day.
A love is getting too cynical
Passion's just physical these days

You analyze everyone you meet
But get no sign, love ain't kind
every night you admit defeat
and cry yourself blind

If you can't wake up in the morning
Cause your bed lies vacant at night
If you're lost, hurt, tired or lonely
Can't control it, try as you might

May you find that love that won't leave you
May you find it by the end of the day
You won't be lost, hurt, tired and lonely
Something beautiful will come your way

The DJ said on the radio
Life should be stereo, each day
In the past you cast the unsuitable
Instead of some kind of beautiful, you just couldn't wait

All your friends think you're satisfied
But they can't see your soul no, no, no
Forgot the time feeling petrified, when they lived alone

omigosh...isa kong friend from bpi (dati) is preggy...teacher yun sa catholic school tas e bawal ang biglang buntis na single...ayun...so mejo naghahanap sia ng work...kung may alam pala kayo ha, pasabi...matalino naman yun, taga admu din yun...ang weird lang noh...everyone is either getting pregnant or getting married.....chuks

Monday, September 01, 2003

omigosh...inivite na nga ako kanina to an event to celebrate the independence day of vietnam (tomorrow)...independence from france...gusto ko sana para ma-experience ang culture, pero baka mag assume ang gago...oh well...bahala na....