Red Squirrel

samahan ng mga magaganda or something like it...

Tuesday, April 29, 2003

posibleng matanggalan ng trabaho yung nagkamali?
hindi ba pwedeng sorry boss na lang?
chuks!

nag-take na ako ng test yesterday sa up.
di ko na-expect na super saykolow ng questions!
kailangang at least 350 words per question.
so hayun, super pabilang ako ng mga words,
kasi almost 4 years na akong di nakakapagsulat nang ganon!
i hope nabola ko sila, nang makapasa naman ako.

last friday pala, ni-meet ni cherryl si francis sa ortigas.
ni-text sya at 12 midnight yata, tapos nakipagkita at 1 am!
grabe, kaladkaring babae!
chuks!

hinatid namin nina lani, shiela, at marj si cherryl,
dito sa may figaro emerald ave.
buti na lang at dala ko yung kotse namin kaya from st luke's,
dumiretso agad kami sa ortigas.
plan lang was silipin si francis at cherryl,
but no, super attack sina lani at shiela!
hayun, nakasama tuloy kami sa intimate meeting nila.
mahaba pa ang kwento pero dapat si cherryl na.
or better na ako, para mas objective and not colored by lust?
chuks!

huy, bumili ka na ng camera!
mag-2 months ka na dyan, wala ka pa ring pic?
wag mo na lang isipin na for vietnam lang sya,
magagamit mo naman sya sa ibang mga trips,
like yung libre mo sa amin sa puerto galera.
chuks!

Monday, April 28, 2003

cherryl ha...OA na yan...kwento na bilis....oy maganda ang asian studies sa up diliman...grabeh, feeling ko ang intellectual ang course na yan...tsaka im sure magugustuhan mo sa up lalo na dahil sa mix ng culture don...ayoko pa bumili ng camera, malay mo umuwi na ko bigla di ba...sayang lang...mahal dito mga gadgets eh....sia sia...ill be having a hearing pa on some errors i discovered...im sooo scared, baka ma tsugi ang gumawa ng error...one more reason yan bat ayaw ko dito, kelangan kong i-report ang incorrect data tas uually siempre, may ibang taong involved....di ko kaya yun....

Thursday, April 24, 2003

di naman mega bakasyon, forced vacation sya actually.
gusto ko kasing makuha ang vl subsidy sa office,
required na 5 working days ang vacation.
buti na lang at nataon sa holy week kaya tumagal.

ngayon naman, nagmamaka-busy dahil nag-a-apply ako
for masters in asian studies sa up diliman.
dapat last april 15 pa yung deadline,
buti na lang at nadaan sa charm ko, at pumayag na late.
so ngayon rarampa ako sa ateneo at up para maayos.
nagkita kami ni lani sa ateneo last monday,
tapos na-submit na nya sa up ang transcript mo.
she had to return the next day kasi may mali raw,
pero ok na sya ngayon, graduate ka na!
chuks!

btw, mag-2 months ka na, wala ka pa ring camera?
paano pag nag-iikot ka, walang memories ng place?
sa japan pa lang, bumili na ako ng digicam
para pagdating ko sa states, todo picture-an na.
chuks!

pakilala mo sa akin yung keri tuan (not yung tuan mo),
gusto ko i-try kung ok ang mga vietnamese.
chuks!

magpakwento ka kay cherryl, grabe na!
mukhang kayo na lang talaga ni lani ang maiiwanan sa club!
sayang nga, dapat sana april 21 ang anniv nila!
pis cherryl!

truly, may sine-setup sa akin, pero not in the mood ako.
i dunno, i don't feel that interested in anyone right now.
marami lang sigurong iniisip like further studies, work,
dami ng pasalubong mo sa amin...
chuks!

Wednesday, April 23, 2003

marlon...kaya pala di ka na nag-blo-blog...mega bakasyon ka pala

i promised to myself i wont rant sa blog if i can help it...so now, i wont...

yung keri na im sure type mo, name nia ngoc tuan...kung pansin mo, an daming may "tuan" na name dito sa vietnam...kasi "tuan" stands for "smart"...so yun, hoping ang mga vietnamese na maging matalino ang kanilang lahi...chuks...di bale pag nagdecide akong magtagal dito (ill give it two weeks or a month) bili ako cam tas padala ko pic namin dito...

i have not received your coupons yet...sus, im sure the police are still checking it to make sure your letter does not contain anything destructive in it...

about cherryl leaving the never-nagka-bf club...bakit? sila na ba ni what's-his-face? nanliligaw na ba??? bat di sia nagkwento?? ilang beses ko na siang tinawagan di man lang nagsabi ah...hmmm

at ano itong balita kong someone has set you up with a guy but whom you refuse to meet up with??? bakit???



hi belinda!

just got back from my 12 day vacation leave!
medyo ngarag pa nang konti although parang bakasyon pa rin.
wala pa rin kaming ginagawa dito sa office, internet ever lang.
nag-enjoy naman kami sa sagada, although super pagod.
super love ko ang sumaging cave, nag-swim kami don!
it's a once-in-a-lifetime experience, meaning,
once is enough dahil super physically demanding!
but it's highly, highly recommended!

about your rantings, i think it's normal yung mga nangyayari sa yo.
sabi nga ni ate vi, been there, been that (chuks!).
ganon talaga when you're new and still adjusting.
it's better to commit those mistakes now kesa later pa,
kasi may excuse ka pa na you're still adjusting to the situation.
e pag matagal ka na tapos tsaka nagkaganyan,
mas mahirap ka nang bigyan ng second chance diba?

about your boylets naman, happy yan dahil ma-drama!
buti ka nga at ganyan level ng interaction mo with them.
when i was in the states, we didn't really interact that way.
sabi ko nga sa inyo, mas happy ako don pag nasa labas,
kasi yung mga nakakausap ko, interested sa life mo,
hindi yung puro work-related topics ang pinag-uusapan.

sino pala yung keri na sabi mo loud?
are we meant for each other ba?
so send us the pics!
chuks!

btw, nakuha mo na ba yung letter ko sa yo?
nagpadala ako ng mga coupons dyan,
and sana invite mo si tuan dito sa pinas.
pakilala mo sya kay elias, sabihin mo boylet mo don.
chuks!

about elias naman (say, andaming topics!),
tell him directly if you're not really interested.
but don't tell him na baka nagsasayang sya ng pera or what,
tell him kung ano yung status nya sa yo.
i really thought na kakalas ka na sa never-nagka-boyfriend-club,
co-headed by cherryl and lani,
na mukhang si lani na lang ang magiging only member.
chuks!

Tuesday, April 22, 2003

ay naku cherryl, lani, salamat sa tulong nio sa transcript ko...sobrang utang na loob ko sa inyo...work's still a bitch pero ill stop whining na...i swear uwi ako pag di nagbago ito...work overload talaga, puneta, on top of communication gap...ok na pala ulit kami ni tuan anh, friends ulit kami...last friday, we had a long talk and he said he regrets saying those stuffs that he said to me...then last night, he invited me to dinner, my house kasi is on the way papunta sa isang shop where he was supposed to buy some gifts for his girlfriend's bro...so yun usap ulit kami...sabi nia ulit be careful nga raw with my team mates...wag daw masiadong mag trust...sabi ko, "paranoid!"...pero i think he was serious and after what happened, i guess i have to take heed...pero like what i told him, mahirap coz 1) im the type of person who prefers to trust people easily and 2) new hire ako, kelangan kong magtanong for me to be trained and if i cannot trust the people i work with, pano ako matututo nito...shets talaga...just pray for me...:)

Monday, April 21, 2003

hi belinda! sorry ha it's been quite a while since my last e-mail (well, di naman masyado kaysa yung iba dyan na parang di na nage-exist, paging lani and shiela!!!) anyway just had coffee with you know who. wala lang kwentuhan. well, nag-pass na sya ng resignation letter. next month wala na sya. honestly, wala kong masyadong ma-feel. well alam ko na last week pa. kaya nga sabi ko medyo sad di ba? but that was it, medyo lang. parang wala ng effect masyado. as in, honest. di ko alam kung bakit. siguro medyo nagsubside na yung kung ano mang napi-feel ko before. maybe i'm really moving on. di ba pinag-exam nya ko sa today newspaper (na hindi natuloy! mode, nasayang oras ko) pero ok lang kahit di natuloy, parang feeling ko nga ayoko na sya talagang makasama sa work. ok lang siguro usap-usap ng konti, pero yung everyday ko syang makikita, i don't think so!!! in denial ba? ewan ko lang. baka di pa nagsisink-in no? sana ganito na talaga ang ma-feel ko ever, ok na kong wala sya. no chuks! kung si vlad the one who got away, feeling ko SYA naman, the one who will be getting away (tama ba yun?). but i dont have any plans on stopping him. yun lang.

pumunta nga pala kami sagada, happy sana kaso super nakakapagod. nag-caving kami, hiking, ang dami kong sugat sa binti, di na ko flawless (chuks!) kasama namin si alex, marj, kitkat and sister nya. like i said happy pero di ko na uulitin. once is enough, di naman siguro magbabago itsura ng sagada/banawe in like ten years. pero i recommend na go there kahit once in your life kasi super majestic yung caves and mountains and rice terraces. dapat lang dont do everything in one day kasi di nyo kakayanin. super swerte nga kami ni alex kasi chance passenger kami papunta, pati pauwi chance passenger pero kahit super dami pasahero nakaupo kami, at take note, maganda pa yung naupuan namin. next year pinatubo naman!!!!

uy about your viet friend, weird sya ha. feeling ko na-offend sya sa di mo pagsama mag-lunch. kebs mo na sya, pero if he'll talk to you again, kausapin mo rin kasi he was a good friend din naman before di ba? sayang, akala ko may viet boyfriend ka na dyan. si elias naman, siguro you need to tell him na if you're feeling weird na kasi sayang ang effort nya. baka in the end ang ma-feel nya pinaasa mo lang sya. yun naman si ngoc tuan, be friendly rin sa kanya kasi baka sya yung alternate nung viet friend mo. weird ng mga advice ko. parang walang laman.

about your work, sana ma-realize mo na di talaga para sa yo yan. chuks!!! gusto ko lang bumalik ka na dito. seriously, give your best pa rin para naman wala sila masabi. para kahit sabihin mong ayaw mo na, maganda record mo sa kanila.

uy tumawag pala mommy mo sa house. nakausap papa ko. tinatanong yung transcript mo. sana by the time you read this naayos na ni lani yun.

uy yun muna, kasi parang nahihilo na ko. kanina pa ko nakatapat sa pc. meet ko si lani rin so dito muna. smile. ciao!

mula sa babaing di na masyadong flawless ang binti :)

Friday, April 18, 2003

hi, mag kwento na naman ako...i just emailed vlad (my the-one-who-got-away) to greet him on his bday...then the email wasnt sent out coz his e-add does not exist anymore...weird lang...what is my point here? wala lang...im just thinking that there would be no way to get in touch with him na...or baka dead na sia...chuks...so kebs na...erase na talaga sia sa buhay ko...shets im getting so senti, it must be that stupid song playing right now...or it must be because of the lenten season...the time to reflect, to remember who we were and who we wanted to be...and yes, to recall friends from years past...

nawala momentum ko...a colleague talked to me kasi...name nia ngoc tuan...he is one that you can consider goodlooking (tipo ni marlon)...pero not my type coz he's very loud...we just talked about work (he just got rewarded, plus salary increase), his life, his biz, his drinking (he drinks a lot) which is a way for him to release stress...he said that i should go out more so i wont be as lonely...i think word went out already that i cried...puneta...and he added that one of these days, i should talk to him about my life, family, country....sabi ko yeah, pag close na tayo...no chuks...i found out that we both love the sea and the mountains...but unlike me who likes the sun, he likes the rain better (life daw kasi ang rain, duh)...and if nature trip for me was partly an avenue to reflect, reflecting was boring daw for him...socializing daw is the name of the game....ewan...weird lang bat bigla akong kinausap nun about personal stuffs...tsaka biglang naging friendly-serious...dati friendly-lokohan lang...baka he's just being nice coz i explained to him something in a marketing manual that he could not understand...anyways, yun lang.

Thursday, April 17, 2003

everyone must be having a swell vacation..no one seems to blog anymore this week...shets i feel so depressed i have to write this down...in fact i think that i am sinking in a quicksand of depression that i have even thought about going back to the phils in a few week's time..meaning, simply finish my probation period and joinks, back to good ol pinas...but something is holding me back: i have not increased my market value yet working here...acnielsen has not contributed something advantageous to me professionally...i dunno, im still weighing my options...ayokong maging unemployed and be a bother to my parents kasi...and i dont wanna go back knowing i didn't fight back...i mean, only two months and i quit? sus, this would beat my stint in bpi...

anyways, my other point in blogging is that tuan anh (yes, my so-called friend) told me during the day i felt so low (see my blog below) that we shouldnt be seen talking in public anymore (duh?!)...he was mumbling something about somebody being angry when we are seen talking together...he was rather inarticulate about it i really failed to understand him...i asked, so we cant be friends anymore? then, because i was just so sad that day, i just walked away...kebs na sa kanya...weird niya ha, yesterday nag invite maglunch, siempre i declined busy kasi ako...shets sia....we still talk when we see each other sa corridors, pero bihira na...so yun....mukhang endless rantings na ito...

Monday, April 14, 2003

hello everyone...today i cried...in the office, with 3 people as witnesses...thank god, d nakita ng boss ko...it's about this project that i did...i finished the questionnaire and had it translated...and checked...only to realize that when the questionnaire was mass-produced...a couple of statements were incorrectly translated....and that was found out when the field interviewers were already out doing their jobs...i cried because i got overwhelmed by the magnitude of the cost of the mistake...i know that is something i couldnt control...but i manage the project therefore i am responsible for it, ergo i am to blame for any mistakes...what i feel more badly about is that everyone seems to wash their hands off the case...ie, the first thing that they said to me was that they were not to blame because i did not ask them to check/verify...i felt bad because is this all this is? jobs reduced to a blaming game???? of course i couldnt be firm that I DID ASK THEM TO CHECK...that would be the chicken's way out, and that would be futile argument...i just kept my quiet and just nodded...and thought, tang ina niyo...thing is, i couldnt really hate these people because they're the ones who train me also (training on the software and the like)...so i am still indebted to them...i dunno, i think ive overestimated myself...i dont think i can handle this kind of culture here...why cant we just work as a team and help each other out??? why do we need to prioritize keeping our asses guilt-free when we could have instead think of synergizing??? i think i wont stay long here...

Saturday, April 12, 2003

lani, how's my transcript pala? please help. thanks!

hello...can i rant again? i know that these days that is all that you hear from me..but i cant help it...so here goes...elias called again last night...and of course, ive noticed that he calls almost every week, sometimes more than once a week...tas matagal like from 15mins to an hour until the line gets cut off...weird lang eh...i think he's serious and it makes me feel uncomfy kasi hello?! baka all the things that he does is a case of futility...can i tell him to stop? gusto ko maghanap sia ng iba sa pinas kasi malay natin there's someone right under his nose tas di nia pansin...ive never been the type to have someone wait on me or sacrifice for me...kaya this is all so ka-loca for me...tas the logic of it all escapes me...di ba cherryl, when u asked bat sia nagkagusto sa akin...di ko nasagot kasi di ko talaga alam kasi di naman kami groupmates, di kami close...altho our classmates tease us, it was only out of chance...so yun, dr. love ang aking problema...chuks....o sige na...at least i let it all out...di ko makwento kay tuan anh kasi weird mga tanong nun pag relationships ko (rather, the lack of it) ang topic...sige.

Friday, April 11, 2003

LANI. help. UP has given me an ultimatum. hindi ako masasama sa list of graduates pag wala daw transcript ko...pwedeng pakuha na? abuso na to pero tuloytuloy ko na...after mo makuha, please give my transcript to annabelle espadon sa college of business ad na building (mba office) it's beside vinzon's hall, across sunken garden...thanks so much...

Thursday, April 10, 2003

true, i think everyone would agree na
mas bagay ang pinakamatangkad title for cherryl.
chuks!

may nakakaaway ka ba dyan sa work?
or hindi lang kayo magkaintindihan because of language?
kung language lang, try mo rin mag-aral ng konting vietnamese.
nakakapanghinayang kasi kung dahil lang don,
mawawala ang mga umaapaw na pasalubong mo sa amin.
chuks!

may pinadala pala ako sa yo yday, discount coupon and pic.
nag-volunteer kasi ako sa dot, tapos pabigay yung coupon
sa kahit sinong foreigner friend mo dyan na gustong mag-pinas.
pag bumisita sila, they can get discounts courtesy of dot.
yung pic naman, yun yung sa inyo ni elias sa starbucks.
para lang maalala mo yung gabi na binigla mo ang lahat,
at ma-remind ka bat di kayo magkaka-cuddly babies.
chuks!

nakakuha na pala ako ng student permit yesterday,
at tinuruan ako mag-drive ni cherryl last monday.
nag-ikot kami sa subdivision namin tapos tinamad ako,
so nag-jollibee kami sa may meralco sa marikina,.
tapos sinundo namin si lani sa house nila.
super duper win, makaka-all night gimik na ako.
chuks!

kasi naman, daming titles jan...nag aagawan kayo sa isa...differentiate yourself cherryl...you could opt for pinakamatangkad...chuks...

anyway, i think im really stressed here...is there such a thing as stress immunity? sana meron para kebs na during stressful situations...my only consolation really is that there are many nice people here...they outweigh the ones that infuriates me...

ano decision nio sa holy week? is cherryl going? padala ng pix ha...

btw, i received an email from my classmate, asking me kung totoo daw ba meron something going on between elias and me...i ignored the question...pero what was striking was her news that she's getting married in 100 days...her bf kasi is chinese, the lola died and it's tradition to get married daw within 100 days or 3 years...between those times, bawal...eh sobrang tagal ng 3 years so go sia sa 100 days...ang weird lang...ang bilis, wala sa plano...pero ganon lang talaga siguro pag sure ka na sa lalaki...ayun.

Friday, April 04, 2003

hello everyone.

gusto ko lang mag-file ng complaint.
meron kasing nang-aagaw ng title ko,
at obvious naman na pang-aagaw ang ginagawa nya.
take note, isa lang ang pinakamaganda dito ok?
chuks!

about the benguet trip chuva chuchu,
hindi naman ako nagtatampo, more of galit ako.
chuks!

yung wednesday pala ng holy week, gagawing holiday.
so parang 2 days na lang ang pasok that week.
sana nga totoo nang humaba naman ang bakasyon.
gusto ko talagang makasama kayo nina marj, lani at shiela.
gusto ko na pagsikat ng araw sa benguet,
magkakabig-bisig tayong lahat habang nakatingin sa rice terraces.
chuks!

belinda, sana wag ka munang umuwi, tiisin mo muna yan.
less time in vietnam, less sweldo, less pasalubong, sad friends.
chuks!

about tuan naman, happy at nandyan sya to help you.
chance mo na yan na magkaroon ng vietnamese babies!
tapos nakapunta na sya sa australia so baka don kayo tumira.
isipin mo na lang ang mga babies mo, magiging aussie accent na rin!
kebs na kung cuddly o hindi, ang important e masaya sila.
chuks!

Thursday, April 03, 2003

blog mula sa pinakamagandang member:
for marlon muna tayo: uy, gusto ko talaga sumama sa banawe. actually i've asked na some people to go with us, like ruby, alex (sila lang pala actually) then the memo came out from HR informing us na if the client from US asks us to transmit our works on thursday and friday, we will have to go to work on those days. which is super sad, i know. but don't worry, i'll still try to file my leave. super arte na kasi ng mga bagong bossing. akala nila wala ng buhay ang mga tao sa office. dati naman walang ganyang kaartehan. kung magle-leave dapat we should make sure na someone will be willing to do the work on our behalf. saykolow di ba? one time nga si otche magha-half day kasi may dysmenorrhea, sabi ba naman nung isang nagmamagandang girl dun humanap muna sya ng gagawa ng work nya before sya umalis, eh nagkakandaipit na si otche sa sakit ng puson kelangan pang maghanap ng papalit. eh pano kung walang willing gumawa ng work ni otche, di na sya makakaalis? stupid di ba? tawag nga namin dun sa babaing yun, sadako!!! pero if you will enjoy the trip to benguet more if si marj lang kasama mo, it's ok, mas favorite mo naman talaga sya kesa sa kin!!! (sigh!!!)

o belinda ikaw naman:
alam mo dyan din kami nag-umpisa ha, sa mga pahihingi-hingi ng favors, talking, going out, dinner, chuchu!!! charing! pero if he's nice naman then be nice to him na rin. what if madevelop sya sa yo, or kaw ang madevelop sa kanya? baka dyan ka na mag-pamilya sa vietnam. super sad for your children. akala ko ba may gf na yan, e bakit umaapila pa sa yo? ikaw pa naman madali kang ma-develop, mabigyan ka lang ng isang kaing ng mangga, isusuko mo na ang bataan! ano na itsura mo dyan? super ganda na ba? si elias pala tumatawag pa sa yo! saykolow! feeling boyfriend! naku nag-invest na sa yo ng malaki yan, di ka na pakakawalan nyan pag nandito ka na uli. pero in fairness, nice naman sya. yun nga lang, niceness only won't lead to cuddly babies. kaya ako kebs na kung hindi masyado nice. charing! ang marlon ha patampo-tampo. if i know gusto nya si marj lang ang kasama nya. si shiela uwi daw bicol sa holy week. wala pa ring boylet. kasi naman wala pa ring pera. super sad. si lani di pa rin maka move on. kasi naman wala pa ring ganda. in my case, di pa rin makaalis ng infosource. kasi naman wala pa ring ibang tumatanggap. uy ingat ka nga pala dyan. may SARS nga daw dyan. wag ka munang makipag-kiss kung kani-kanino baka mahawa ka. kahit ke english-speaking v friend mo. if you want to know about my lovelife (as if!) ayun, super call pa rin. kahit nasa kabilang office sya on a weekend, super call pa rin. grabe, walang pinagbago no? pag ako talaga nainis, super grab na ever!!! chuks lang!!! wala bang cutie vietnamese dyan, bigay mo number ko!!! chuks!!! sana balik ka na dito. i'm sure whatever you're doing there magagawa mo rin dito. super miss na kita. wala na kong makausap ng matino dito (chika lang kila lani, shiela and marlon, luv ko kayo!!!). padala ka naman ng pics. address ko nga pala: Lot 2B Rodeanna Compd. 4, Molave St., Parang, Marikina City. sana pagbalik mo dito marami ng nagbago sa kin. sana super ganda na ko. o sige next time ulit. ciao!

Wednesday, April 02, 2003

i have been thinking that despite everything, im a lucky girl...chuks...mahirap ang work dito, sobra...but im glad i have a friend (parang weird pakinggan nun)...it's funny how things work out...but tuan anh (the v guy who studied in australia) has helped me in so many ways...you know when things go really bad, you'd like to have someone to talk to, just to ease things up...ayun, i talk to him about work, my freaking filipina boss (whom he doesnt like), other v colleagues to watch out for (somewhat akin to tsismis)...it's good that we have some commonalities...like being new in the office; living alone in a foreign country...i think that's what made him talk to me...mukha ata akong pitiful or pitiful sia ng nasa australia sia tas he sees himself in me so kind sia sa akin...ako naman kaya lang ako comfy sa kanya kasi among the other v, he's the one who's most conversant in english (altho nung una mejo tumataas kilay ko sa brit accent nia)

the other night, i called him coz i couldnt understand what my housekeeper was saying...i had him talk to the housekeeper and interpret...isang example lang yan...madami pang instances na tinulungan nia ako, kaya nga feeling ko sobrang dependent na ata ako...shets... weird, but i can never practice too much girl power here...i told him sobrang indebted na ko sa kanya...sabi niya ok lang kasi at least he gets to practice his english...tas sabi pa nia he's not really close naman to the others talaga kasi siempre meron ng mga factions dito...kaya he ends up talking to me most often...ayun...

bwisit talaga work...yun nga ang parating topic namin...kaya we try to help each other out na lang...in a way, mejo ok na rin...pero hirap talaga market research dito sa vietnam...baka bigla lang akong mag fly back to the phils, wag kayong magulat...naloloka na ko sa mga v na hindi marunong mag english!

don't worry, ganyan talaga sa simula, magulo ang usap-usap.
pero once you get the signs, magiging ok na kayo.
bad thing lang yan sa start, pero it's a good way to practice.
pag naiinis ka na, magmura ka na lang sa tagalog.
chuks!

yung benguet trip, di daw makakasama si cherryl.
hindi ko alam kung ayaw lang nya talaga,
pero baka daw di sya payagan mag-leave.
ok lang naman, sana matuloy kami ni marj.
super excited pa naman ako, e lahat pala ng tao dito,
nahawa na ni shiela sa kalabuan sa usapan.
chuks!

if ever, this would be my only out of town this year,
kasi yun lang talaga ang goal kong mapuntahan.
i'm really trying to save money at maubos ang credit cards!
ayoko nang maging dukha!
chuks!