Red Squirrel

samahan ng mga magaganda or something like it...

Saturday, May 31, 2003

oy cherryl...mode si marlon sa inyo...bat di nio sia sinur-prise? busy ka na kay what's his face no? inayyy....

hay naku im in the office right now kasi met up with my boss...grabeh na talaga ito....i have this project kasi that we need to submit today...grabeh i went to great lengths just to finish that stupid report last night....

ay sia sia, balikan ko ulit blog ko...dinner na ko...gutom na si tuan anh ata...byeee muna

hi belinda!
pagdating mo dito, saka na tayo mag-usap!!
yun lang!!

Thursday, May 29, 2003

thanks belinda!
umaasa pa rin ako na matatanggap ko ang gift mo!
chuks!

teka, uuwi ka this july sa pinas pero one week lang?
does it mean you're going to go for gold na sa vietnam?
i mean, wala na muna sa plans mo magpalipat sa manila,
and willing ka nang tiisin ang lahat para kay tuan?
chuks!

about the letter, yung pinadala ko rin kay rommel and glen,
di pa rin daw nila nakukuha.
feeling ko nawala sa post office natin, ang mahal pa naman ng stamps non!
chuks!

lahat kayo pinadalhan ko ng coupons,
tapos si glen, check for $75 kaya yun ang super sad.
he also sent me a dvd pero di ko pa rin nakukuha.
super bulok talaga ng post office natin, i swear.

anyways, about my birthday, happy naman sya.
ni-surprise ako ng batchmates ko sa thai in a box.
i thought kaming 3 lang nina marj and rex,
pero lahat ng taga-makati, nagdatingan!
natuwa ako kasi may bagyo and they really went to ortigas.
tapos sa gabi, uwi rin ako agad kasi walang dumating
na lani, shiela o cherryl dito sa office like last year.
feeling ko, di na nila ako love!
chuks!

Wednesday, May 28, 2003

marlon, happy birthday!!!!

im hoping i can go home by the first week of july...cant make it in june coz there's this new project that came up and it wont be finished till the end of june....im crossing my fingers na sana wala masiadong work by july so i can take a week-long leave...puneta gusto ko ng pumunta ng manila....miss ko na kayo! chuks.

work is still stressful, i think it will always be this way....so kebs na....si elias, ayun...tumatawag pa rin parati...tas nagte-text...honestly, natatakot na nga ako sa mga investments nia...pero sabi mo nga, let him do whatever he wants to do...but im not promising anything yet kasi i havent really given much thought about it yet...still swamped with work and it occupies most of my time...bahala na...ay, which reminds me, alam mo bang di ko pa narereceive ang pinadala mong coupons/pic? jus ko, di ko alam kung ano na ginawa ng mga police dun...



Tuesday, May 27, 2003

hi belinda!
naks, mukhang immersed ka na sa vietnamese culture.
i'm happy for you, at least kahit stressful sa work,
you still find time to enjoy the people and culture.
kulang na lang ng affair with a vietnamese,
para you'd really know what it's like.
i suggest an affair with tuan.
chuks!

dito naman sa pinas, 4 straight days nang umuulan.
not sure kung may bagyo, pero baka ulanin ang bday ko.
di ko alam if it's a good sign, pero i hope it is.
to kick-off the festivities, nagpunta sina cherryl sa house
namin last saturday with oche, alex, ali and lani.
nagka-"tupperware" party ako, with spaghetti and baked tahong.
tapos i sold almost 5k worth of merchandise,
books, camera and an integrated vcd/vhs player.
naglinis kasi ako ng room, i need to dispose 30+ more books.
i've decided to concentrate instead on my dvd collection.

to culminate the weeklong festivities,
manlilibre ako sa okavango along marikina river sa friday.
i invited my office batchmates and the ganders group.
pinagawa ko si cherryl ng questions for the games,
dami akong ni-prepare na prizes.
sample question, kung gagawing movie ang buhay ni marlon,
sinong artista ang gaganap bilang marlon?

a. tonton gutierrez
b. piolo pascual
c. matthew mendoza

sayang at di ka makaka-attend, masasagot mo sana yan.
chuks!

teka, bigyan mo naman ako ng update tungkol sa work mo.
makakauwi ka ba this june?
atsaka what's the real score between you and elias?

Saturday, May 24, 2003

ps. marlon nakakatawa interview mo ha...pero oks lang yan, sa mba nga, marami kaming natanggap who were honest about simply going to the mba as a form of therapy for us...a productive means to while away time during the proverbial quarter life crisis...sia sia

onga pala...i couldnt help smiling at what you've blogged...pag may nakakita sa akin sa office while i was reading your blog, im sure they would've thought i've gone wacko na....pero to take things into perspective....i think it means that the guy in the blind item is a humongous jerk...i mean, kiss sa shoulders?!!! how tacky can you get? tas yun lang ginawa niya? bakit walang kiss sa lips? same sentiment ba as julia roberts sa pretty woman na ayaw ma-inlove kaya bawal mag kiss sa lips? or could it be that kissing on the shoulders was only meant to be functional (ie satisfy his need) that he had to do it on that very unorgasmic, unresponsive part of the body to make sure that it was totally devoid of emotions? on top of that, wala man lang foreplay like holding hands???!!! shets...i know it's not for us to decide kung tama ginawa ng guy coz like in everything, ang girl sa blind item lamang na involved sa situation na yun ang may right na magsabi mali ginawa ng guy or na-violate siya...but still...kiss on the shoulders?! jus ko.

the bride wore a western style white gown...pero nag costume change sia into ao dai (pronounced aw yay), yung mukhang cheongsam...it is composed of a body-hugging top with side slits up to the waist....tas trousers are worn under...short trivia, yung color of ao dai pala is indicative of your age...the paler the color, the younger you are...tas only maried women can wear dark colors...

unlike us, the vietnemese ppl dont have the tossing of the bouquet...i heard also that prior to the wedding itself (days or even months before the wedding), couples get their pictures taken sa church, garden, museum etc...i myself saw some couples doing such one time while i was having coffee downtown malapit sa renowned notre dame cathedral....

last monday evening...i witnessed a vietnamese wedding...reception lang not the ceremony itself...yung ceremony kasi para lang sa mga close relatives and friends daw...pero gosh bongga ang wedding ha...it was like one big show...in the middle of the function room, meron something that looked like a catwalk kung saan rumampa ang newlyweds to kick off the evening, complete with lights and sound effects and hosts...say...tas afterwards, rampa ang parents ng couple...tas they did the usual speeches/wishes for the newlyweds...pero gulat ako nang may biglang group ng dancers na naka-filipiniana (promise mukhang costumes ni imelda: dresses with puffed sleeves)...at, ang sinayaw...parang pandanggo sa ilaw (promise, meron silang mga mini-kandila na hawak hawak...tas pagkatapos nun, may singers tas group of musicians na nagplay ng traditional vietnamese instruments....

marlon...congrats....malapit na birthday mo....ano plans mo?


Friday, May 23, 2003

i have super good news!
nag-work ang smile ko sa panel interviewers ko!
yehey!

*plak! plak! plak!*

matutupad na rin one of my goals in life
na makapag-aral sa up,
pag-pray nyo lang na wag akong maging aktibista.
chuks!

this coming june 3 ang start ng enrollment,
tapos sa june 9 naman ang start ng classes.
medyo kinakabahan ako kasi wala akong pang-enrol.
chuks!

Wednesday, May 21, 2003

hello...HR didn't accept my ID pix...kasi i was wearing this tank top when i had my pic taken...hindi naman kasi sinabi no na may collar dapat eh di sana i wore a more proper shirt....trivia pa...when tuan anh saw me nung sunday bago magpa-pic sinabi na niya na i should have worn a shirt with collar, kasi "it wouldnt look right"....eh hindi naman masiadong naging clear ang mokong...turns out that saigon has this district wherein vietnamese girls have their pictures taken with revealing clothes...to serve as sort of an ad for marriage with rich taiwanese men....puneta....

Tuesday, May 20, 2003

i had a super weird panaginip.

nasa audience daw ako ng supermodel of the world contest,
tapos katabi ko daw si cherryl.
mayamaya, nag-start ng i-announce yung winners.
first ni-announce, 2nd runner-up.
yung girl host, may ni-mention na name.
nakalimutan ko yung sinabi nya, pero first name lang.
tapos may 8 contestants na nagtayuan.
i was expecting na sasabihin nya yung last name,
para malaman sino sa 8 ang 2nd runner-up,
pero hindi nya ni-announce.
naisip ko baka ganon talaga mga supermodel, first name lang.
tapos sunod yung 1st runner-up.
biglang tinawag si tiger woods.
na-shock ako kasi may kasali palang mga lalaki.
tapos after pumunta ni tiger woods sa gitna,
biglang in-announce na yung supermodel winner.
tumayo si cherryl kasi sya yung nanalo!
as in nalito ako, kasali pala sya.
tapos tinanong ko pa sya kung magiging part
na sya ng ford model agency.
tapos na-realize ko binabangungot ako, ayun nagising ako.
chuks!

saykolow, napagdikit-dikit ko mga napanood ko.
nanood kasi ako ng philippine fashion week,
tapos nakita ko sa news na natalo si tiger woods sa hamburg.
yung kay cherryl, baka dahil sa blind item.
chuks!

Monday, May 19, 2003

hey belinda!
saykolow ang network namin dito sa office,
super duper major bagal!
wala lang, just wanted to say hi and thanks
sa pag-good luck mo sa akin for my interview!
chuks!

up interview

it was ok naman, although i was unprepared.
although alam ko na itatanong sa akin yung
why i want to take up asian studies,
wala pa rin akong naisip na isasagot.
parang ang dating pa ngayon,
i'd like to take up further studies because
i'm having a quarterlife crisis chuchu!
between wednesday and friday ang announcement,
so let's wait kung nag-work ang smile ko.
chuks!

vietnam

i know how you feel.
yung pagiging helpless chuchu, been there.
gusto ko dati umuwi ng manila kasi
feeling ko hindi ko hawak ang buhay ko don.
pero siguro ganon lang nga talaga.
wala akong ma-advise kundi magtiis lang,
isipin ang mga dollars na kinikita mo.
sa bawat araw na pagtiis mo,
nakakatulong ka sa ekonomiya natin.
ang venezuela nga di makakasali sa miss u this year,
kasi kulang ang dollar reserves nila!
chuks!

blind item

may isang girl at guy na parang nagkakamabutihan* na.
ok na sana sila kaya lang si guy, may gf.
ever since, di nya ni-clarify kung free na sya or hindi,
or in-assume lang nya na free sya to do anything.
si girl naman, in-love kay guy.
lagi silang lumalabas, coffee, movie, kite fest.
chuks!

*mabuti = good, nagkakamabutihan = naggu-good-time-an

one night, niyaya ni guy si girl manood ng movie.
sabi ni girl, "ok!".
di ko lang alam kung bumili ng popcorn si guy,
kasi pag nagko-coffee si guy and girl,
kasama mga friends ni girl,
di nya binibilhan ng coffee si girl.
chuks!

sa kalagitnaan ng movie,
biglang niyakap ni guy si girl sa bewang.
nagulat si girl!
pero hindi sya nagulat dahil sa pagyakap,
nagulat sya sa sunod-sunod na paghalik,
oo, hinalikan sya... sa balikat.

nagulat din ako noong una ko tong narinig,
hindi dahil sa pagyakap, or sa paghalik.
nagulat ako sa lakas ng loob nya.
ni hindi nya sinubukan na makipag-holding hands,
or humalik kahit sa pisngi or lips muna.
talagang dumiretso sa balikat.

so belinda, kamusta ka na nga uli?
chuks!

hay naku...nabasa ko blog ko yesterday...manifestation lang iyan ng bigger problem...homesickness and workoverload...shets...gusto ko nang umuwi....musta na kayo???

Sunday, May 18, 2003

hello...kakagaling ko lang magpa-ID pic for my residence certificate chuchu...siempre sa takot kong di naman ako maintindihan ng mga frontliners, sinamahan ako ni tuan anh...pati paghiram ng comb sa girl sa studio, siya gumawa...at eto pa, it kindda irked me that he had to tell me that i should wear my hair loose...sobrang di ako natuwa dun ha...para bang helpless ng dating ko ha...the powerwoman in me came crashing down na naman...puneta i feel bad about all this ...sabi ni oprah that we should consider the bad things in our life as a wake-up call to truly appreciate our life...sabi nia we have to look deep inside ourselves and ask what are we supposed to learn from them...ok fine, so one thing is that this affirms that no man is an island..pero all i can think of is what a weakling i am...hay naku...hindi ako sanay na di ko ma-control mga bagay bagay...

Wednesday, May 14, 2003

finally, i am able to blog...this site was acting up early this day....marlon, ano nangyari sa interview mo sa u.p.? ok na ba? magmamaka intellectual ka na ba?

this morning, i woke up to witness a rainy day...ewan ko pero sobrang natuwa ako makakita ng ulan...bihira kasi umulan dito...and somehow the rain made me feel nostalgic...like i was in good old pinas....

work is getting really stressful na...hay naku pero i wont complain muna...baka sobrang magmode na kayo sa akin...

marlon, honestly, i myself dont know kung ano ang salbakuta...ask shiela, i heard it's a bicol word...i used it kasi kamukha ni what'shisface yung isa sa mga singer ng band...fat and bald (and sleazy)...peace cherryl!

Monday, May 12, 2003

o happy mother's day sa mga nanay niyo...ano updates sa luvlife ng isa jan? chuks...makulay ang buhay ha....grabeh....

Friday, May 09, 2003

hahahahahaha!
super natawa ako sa salbakuta ha!
pero totoo nga, mukha nga syang salbakuta!
ewan ko ba kung ano itsura ng ganon, pero if ever meron, sya.
chuks!

magkikita kami ni cherryl later, report ko to lahat!
hindi sya masyado nakaka-check kasi busy with him!
laging nagyayaya mag-late night coffee!
to think na magkasama na sila sa tanghali ha...
chuks!

congrats nyo naman ako, may non-prof license na ako!
super nang-away ako sa LTO to get this!
it's a long story, ayaw ko na i-relive ang events!
chuks!

have a great weekend belinda!
always remember, whatever you do, always keep it safe.
chuks!

Thursday, May 08, 2003

hello...parang i would like to comment on cherryl's blog...mukhang walang gustong magsabi kung ano ang sinabi ni what'shisface nung tumawag siya on that freaking monday at kung ano tinext niya na ikwe-kwento na lang daw ng isa jan pag- uwi ko... hellooo???!!!....mode ha... nag i luv you ba marlon?? chuks...hoy cherryl, ok lang yan for fun ha...pero isipin mo committed na ang salbakutang iyon...i know that i should not judge him pero ilang beses mo nang sinabi sa amin di ba na na-hurt ka sa mga pinaggagawa niya?? tsaka it's not really fun being involved with a two-timing jerk...at the end of the day, gusto mo pa rin ikaw lang ang gurl sa buhay niya...parang selfish pero isipin mo rin implications sa sarili mo in the long term sa ganyang kind of guy...ie kaya mo bang alisin ang fear na baka magloko siya sa yo like what he is doing to his gf now?....go for one na pedeng pang-forever...chuks....hello tatanda na natin no to go for flighty romances...chuks....basta ingat lang oks? sige, tulog na ko.....

Wednesday, May 07, 2003

correction, not everyone's having a bitchy time,
cherryl's having the time of her life.
chuks!

have you seen the movie pillow book?
i imagined you as the main character in that movie,
with tuan as ewan mcgregor.
your working-while-in-the-bathtub kwento reminded me of that.
chuks!

despite all the hassles, you should be thankful at may work ka.
if you're in my position right now, super mamo-mode ka talaga.
all i do is surf the net and send countless emails!
minsan nauubusan na ako ng websites,
at gusto ko mag-request ng philstar and inq7.net refresh every hapon!
chuks!

until when ka na ba talaga dyan?
the way i see it mukhang enjoy ka naman kahit stressful.
you seem to be having fun with tuan, may skirt dilemma pa kayo.
sana when you go back here, pakilala mo sya sa amin.
kebs naman ako kung keri o hindi, basta no kissing.
chuks!

good news, interview ko next week for asian studies.
di ko alam anong ie-expect ko or i-prepare ko.
sana mabola ko uli sila!
chuks!

ay naku...everyone is having a bitchy time...ako naman, feeling ko konti na lang talaga, burn out na labas ko...grabeh, i work long hours, even on weekends...minsan nga for the presentation that i did yesterday, i found myself working on my laptop while taking a bath...kaka-pressure ang job kasi, tas ang daming inaccurate data from our data processing department, i end up using my time simply checking the data and not really on analysis and adding value to my research...puneta, tas pag may nakita pa akong errors, taranta agad ako...tas siempre, pagtaranta ka, you cant think well, work well...so waste of time na naman...so, on my part, may kamalian din ako...buti na nga lang my report went well yesterday when i presented to unilever...shets

last night, dinner ako with tuan anh, tas i suddenly realized that i was wearing a skirt kasi nga nag-present ako...sabi ko, 'oy, i cant go and ride in your motorbike, im wearing a skirt!'...tas he said, 'it's ok i'll show you how to sit on my bike'...so there i was, had my first experience in riding a bike na naka skirt and high heels...nyyikess....

anyways, sige...have to work on another stupid report ulit...

Monday, May 05, 2003

i'm having the worst day of may so far.
i woke up early, like 7 am for my 10 am dental appointment.
11 am na, di pa rin nasisimulan i-adjust braces ko
dahil di pa tapos dentist ko sa previous patient.
it's not the 1st time na nangyari, as in kumukulo dugo ko.
i don't really like waiting, lalo na may formal appointment.
i could have slept longer, or basta.

plan ko was to visit ateneo after the appointment,
pero mga 1130 na kami natapos.
dala-dala ko pa naman yung diploma ko for
the certification chuchu for my scholarship.
hindi ko na naabutan open ang registrar's office.

pagpunta ko naman sa filipino department,
isa lang recommendation form dala ni dm reyes.
sabi ko ok lang, balik na lang ako next week,
but deep inside, i felt na waste of time yung
pabalik-balik ko sa ateneo dahil may work ako.
lagi akong nagha-halfday just for that.
i don't have unlimited vacation leaves.

isa pang nakakainis e yung scorching weather.
i've been experiencing headaches, dahil sa init.
i feel na one of these days, i'll have a heat stroke.
minsan ayaw ko na lang lumabas ng office dahil sa init.
no wonder walang 1st world na tropical country!

it's a super mode day for me, pero i'm trying to be patient.
iniisip ko na lang na it's god's way of reminding me,
na i can't make everything under my control,
or for things to happen the way i want them to happen.

i read your friend's contribution to inquirer,
tapos instead na ma-uplift ako sa sinulat nya,
naisip ko na di kaya she's just rationalizing things?
like saying she's ONLY 26?
what if yun na ang peak of her life, downhill na from there?
ayan, nadamay sya sa mode day ko ngayon.
chuks!

mag-gym ako tonight although honestly, i can't see the difference.
i've been going to the gym for almost a month now,
but i can't see a significant improvement!
i've lost a few pounds during the last month, pero that's it.
i can still feel my tummy.

anyways, para di lang ako ang mode,
remind ko lang yung mga nanghiram ng books ko.
belinda, yung yearbook ko pala nasa yo pa, yung 2nd book.
pag tinitignan ko kasi bookcase ko, nami-miss ko sya.
chuks!

Saturday, May 03, 2003

hey...lani, shiela, cherryl...kilala nio si leanne di ba? yung nagtatambay din sa socsci foyer? i read an article she wrote...about quarter life crisis...sa inquirer...read it...funny how almost everyone of us are experiencing the same things....eto link: http://you.inq7.net/youngblood/05032003/ybl2-1.htm

sia sia more blogs from me once i get bored with my freaking report..........

o ano cherryl...what happened last night??? still a virgin???? chuks.....

pede ba...bitin ang kwento mo...couldnt get the whole pic...u left out the more important details noh!!! ano ba pinagsasabi nia...oks lang naman sa blog....sulat mo na....in the future we can look back and laugh at ourselves for writing the stuffs that we did...............

sia sia...have to write a report pa...

Thursday, May 01, 2003

nga pala mega-chika pala mommy mo. tumawag sa kin regarding your transcript, then chumika na. bakit daw di pa nya kami nakikilala? sabi ko, kasi po baka makita nyo yung difference ng level namin ni belinda, di nyo akalainin na may mga kaibigan syang super gaganda tulad namin, na matatanggap sya sa elite group of people. chuks.

hey!!! grabe super text ka ha! super intrigued ka na ba sa mga developments sa buhay ko? well belinda, kaw lang yata ang hinihintay na umalis para magkakulay ang lovelife ko. since umalis ka, dumami na ang mga nangyari (chuks!). well, as what marlon told you (kainis, pre-empted na yung chika ko!) we met last friday. sa wakas natupad na ang pangarap ni shiela na makasama yun sa lakaran. ang usapan nga e hahatirin lang nila ko, but no, bumili na sa starbucks at prente ng umupo dun sila lani. super mode. anyway, ok naman, mababait naman sila lani and shiela. i would also like to acknowledge marlon kasi sya ang super entertain (i.e. chika) sa 'kanya'. chika rin sila lani, shiela and marj. actually natuwa nga 'sya' kasi happy daw yung mga friends ko (plastic!). sabi pa 'nya' cute daw si lani, pataba lang. si shiela naman kamukha nga raw ni charlene. syempre ang shiela feeling haba ng hair. si marlon daw mukhang straight, neat and friendly. say mo sa mga comments?! hahaha!!! saykolow no? before friday pala, tumawag sya ng monday and told me something... pagdating mo na lang dito yung full chika kasi kahiya dito sa blog. hehehe!! so nung friday na gusto nya makipag-meet na-excite naman ako. pero medyo sinermunan ako ni marlon, sabi nya dapat daw di ako pumayag na makipag-meet kasi super late na. dapat daw i shouldn't be too available. in a way, he has a point. pero na-excite na ko so di ko na naisip yun. anyway nag-enjoy naman ako, kami, so kebs na. next time na lang. then that same night he texted me some things na kwento ko rin sa yo when you get back here... then just yesterday he called sa office, wala lang naman. then after a few hours he texted me again and invited me to watch a muvi on saturday. saykolow!! super formal ng invitation sa text. sabi ko syempre sure. sabi ba naman, if i want to invite my friends ok lang sa kanya. nag-mode ako ha, so sinabi ko, kelangan ba talaga na nandun mga kaibigan ko? sabi nya if im more comfortable if my friends are with me, then he's cool with that, but it's better kung kaming dalawa lang. win!!!! pero syempre pinipigilan kong mag-expect kasi ilang beses na rin syang nag-invite pero di kami lagi natutuloy. so bahala na. about his girlfriend, ewan ko what's the score. sabi nga nila marlon i need to discuss that issure soon, pero wala pang opportunity, im just waiting for the right time. ayaw ko lang ng medyo premature pa kasi baka maging mas complicated yung mga bagay-bagay. besides, mas happy ngayon walang pressure, we're just enjoying each other's company ( o wag tumaas ang kilay ng mga tao dyan!!!) saykolow talaga mga ngyayari, pero enjoy naman. so what can you say? i need your wise opinion master belinda. yun lang muna. teka kamusta ka na nga pala? :)

mula sa di lang pinakamatangkad, pinaka-sexy pa!!!