Red Squirrel

samahan ng mga magaganda or something like it...

Monday, June 30, 2003

marlon, so bakit nga matangkad mga taiwanese at koreans?

hello everyone...lech talaga...pare-pareho tayong sad...oi mag ipon na kayo at magtayo na tayo ng business...bwisit na talaga, my sr mgr is always giving me the eye pag di ako nag uutos at ginagawa ko lang lahat on my own...lech...

anyways, friday night, we had karaoke...ok naman, siempre ang lola nio, nagmonopolize ng microphone...kebs na sa mga vietnamese...tas afterwards, nagyaya ang 2 manager (males, vnamese) sa 17 saloon...isa sa mga happening place dito...mga upper class/expats lang maka-afford ba...kasama ko 2 vnamese girls..saykolow ako nang sumama ang aming exec director na british...

may pinoy band sa bar (maraming imports na pinoy singers/musicians dito)...tas pagkatapos nun umakyat kami sa isang disco na may pinoy band na naman...we went dancing...naloca ako kasi ang place parang dun sa born romantic, cherryl...merong synchronized dancing, ang mga tao, pagaya-gaya sa isang partner na bading and girl...sali rin ako...nakakatuwa kasi e....then, the "dentist" arrived...he's like the most talked about guy in the office because he's the only one who is undeniably goodlooking...lam nio na, the typical kahulog-panty guy: buffed, nice smile, nice hair, nice skin but definitely male....even before i met him, people have been telling me that i should look out for a certain "dentist"...totoo nga, may kaguapohan...so hindi talaga ako magpapadentist sa kanya...

then one time, i was waiting for my colleague outside the toilet...then this sleazy late-30s man came up to me and introduced himself!...isip ko na naman, "lech, bat ba to nangyayari sa kin"...found out that he was filipino...so mejo nagsmile na ko...pero ng nagsabi na that he wanted to get my number and address so that he could pay me a visit...smile na lang ulit ako...at umalis, feigning forgetfulness...

afterwards...punta kami apocalypse, it's a discotheque with mostly expats as its crowd...yun lang kasi ang open hanggang 1am (late na yun dito)...kakaloca rin...in the corners you could see TV screens showing some wrestling match that looked like sexual intercourse between not-so-muscular guys...nakaintertwined parati yung mga katawan nila...ewan ko dun...

found out something new about the culture...maraming palang prosti sa mga discos dito...lahat daw meron...i guess this practice is a spin-off of the american GI days...it's easy to detect one...one even tried to sweet talk one of the vnamese guys i was with...pero kebs lang sia....pero panalo ata pag gay ka....jus ko the place was like an ocean of gayness...my gaydar was like sounding off the whole time...

hi everyone!

last saturday pala, na-meet ko na isang prof ko.
she's very nice, funny and witty.
para syang matandang babae na masayahin.
sa class nya ko na-realize kung bakit
ako nag-take ng asian studies.
asian history is fun pala!
now i know kung bakit matatangkad ang mga
koreans and taiwanese like members ng f4,
kung ano ang purpose ng nutribun,
at paano nagkaroon ng chavacano sa zamboanga.
chuks!

nag-grouping na rin kami last saturday,
and i felt na destined kaming magkakilala ng keri ko.
he was seated opposite me sa left ko,
tapos sabi form a circle.
hayun nagkatabi kami tapos noong grouping,
kaming magkakatabi ang nag-group.
noong hiningi nya number ko,
feeling ko nandon si gino padilla sa room,
kumakanta ng closer you and i.
chuks!

saturday night was ok but kinda disappointing.
kakaiba yung gay pride ngayon,
unlike the previous years na full-blast.
nag-open yung show with a cheap band,
tapos pinakanta nila si jaya ng some unheard song.
after the song and dance number ng isang girl,
i somewhat lost interest.
parang volkswagen and taj mahal,
kung i-compare mo with parades ng ibang countries.
pero may 2 teen stars kaming na-sight,
at mukhang mga vaklers nga.
yung isa taga-eat bulaga na sabi ni cherryl,
e type raw ni shiela.
yung isa e nakalimutan ko ang name.

punta pala ako tonight sa house ni lani,
kunin ko yung 7250 ko na pinapabenta sa kanya.
unfortunately, wala pa ring kumakagat sa 15.5k!
super duper major mura na non e!
huhuhuhuhuhuhuhuhu!

anyways, how's your weekend?
kwento ka naman ng gimik mo dyan!

hi! may saykolow na nangyari on my way here sa internet cafe.
i was walking sa labas ng ali mall ng di ko namalayan na may stairs pala sa dadaanan ko
so ayun nalaglag ako. tapos na-stuck yung heels ko so di ako agad nakatayo. super
nakakahiya. at, walang tumulong sa kin. sana walang nakakita. masakit nga yung right knee
ko e kasi nasadsad sa semento. sad, ang ganda ganda ko pa naman ngayon. parang wala ako sa
sarili ko kanina. ang aga-aga, papasok pa lang ako ng office may bad incident ng ngyari. sana wag
naman magtuloy-tuloy ito.

so belinda, tuloy ka ba balik dito sa pinas? ur always telling us kasi na balik ka by july pero wala
pa ring definite sked. e super excited pa naman kami. as in. sana by the time na bumalik ka wala
ng masyadong hang-ups ang mga tao dito. lani and i just talked last night and we realized na
in a way pareho kami ng napi-feel these days. depressed din pala sya, with work, with lovelife (may
gf na kasi si mark, co-teacher pa nila), and with other things. remember the talk we had sa may pier
one a few weeks yata before you went to vietnam, about women who are complete not because they
have a good career, but because they have a husband and a family? di ba we realized na baka yun na
nga dapat ang pagtrabahuan natin these days, having our own family. kasi naman we're not getting
any younger, sad kami kasi we are not happy na nga with our careers, wala pang lovelife. babaw no, pero
that's what we feel right now and wala lang gusto lang namin pag-usapan. sana naman magpick-up na ang
buhay namin/natin (about your sr manager baka matandang dalaga/binata yan kaya masungit, at gusto kang
idamay kaya gusto ka ring maging masungit?).

anyway, last saturday pumunta kami ni marlon and marj sa malate for the gay pride. wala masyadong
extraordinary, parang usual street party lang. di tulad dati na may dance/song numbers yung mga bading
so masaya di ba? e that night kumanta lang si jaya and another girl, tapos si manolet dario nag-music music na,
asan ang mga happy badings? so ayun umuwi rin kami ng maaga, plus the fact na pinauwi na ko ng ate ko and
inaantok na rin ako. at true, wala ko pera these days. di na nga ko dapat sama last saturday kaso si marlon
mapilit, papautangin daw ako. yan tuloy may utang pa ko.di ko alam kung san napunta pera ko. promise
mag-iipon na ko para naman may madudukot ako pag walang-wala na.

uy,in a way less na yung depression ko. medyo nakaka-recover na so ok na ko. sana magtuloy-tuloy na, kasi
july na dapat leave all the bad things in the past. bad ang june ko, as in! so yan na muna pag may naisip ako ulit
blog ulit ako mamaya.

Thursday, June 26, 2003

pesteng buhay to...sinabihan na naman ako ng sr mgr ko na im too polite...i should learn to delegate...mejo nagalit na nga ata kasi la pang change sa way ko of dealing with people...peste...i mean, parang masama pang naging mabait ka...hay, i will definitely find it hard to change coz this is how i am...parang culture yan na hindi mo maalis in a few months lang..peste

naku, umasa ka pa na magkakasama tayo lahat sa thailand.
e yang shiela na yan, panay reklamo na walang pera.
tapos etong si cherryl, wala rin daw ngayon.
bumili pa naman ako ng ticket sa temptation island kanina,
akala ko kasi sure na sya.
so hayan may sobrang ticket, di ko alam gagawin don.
super wiz anda na rin ako lately,
kaya heto kumuha ng loan sa office,
tapos kukuha rin sa sss.
hindi ko pa mabenta ang 7250 ko,
kahit bagsak-presyo na sa 15 thou pesoses.
ang hirap mabuhay sa pilipinas!
chuks!

Wednesday, June 25, 2003

ay grabeh...oks lang yan...ganon oh...di ko naman alam kung ano issues mo ngayon noh...anong problema mo sa personal life? di mo naman sinasabi e...sus...bakit? nakuha na ba lahat ni what'shisface? isipin mo na lang at least you enjoyed the short time that you had with him...no regrets...at least you learned something, or did you? chuks....

hanap ka na nga ng work na iba...la na bang opportunities for growth jan? alis na kagad...mukhang employment will pick up dahil bata ni bush si gma...so cross your fingers na meron jang company na kukuha sa yo...ako, gusto ko na rin bumalik...miss ko na kayo eh chuks...pero tignan ko muna...

marlon, katabi lang ng thailand ang vietnam...punta ka? sino kasama mo? punta ka na lang dun kung samasama tayo (cherryl, lani, shiela) para mas masaya...chuks...pero oo grab the opportunity nga...i think yung thai tourism board or something sobrang nagooffer ng low price...tell me na lang kung matutuloy ka...pero malamang di kita masasamahan kasi im still hoping makakuwi ako ng pinas by end of july...

o sia...blog ako ulit later....

Tuesday, June 24, 2003

hi belinda!dito ko ngayon sa office nila marlon, 1049 na ng gabi. sobrang sad ko ba at nagtitiis akong kasama si marlon kahit ganitong oras. may kwento ako, di ba pumunta sya sa office ko kanina, e dahil nga bawal ng pumasok sa production area dun ko sya pinaupo sa sofa sa lobby. sabi ba naman ng guard bawal daw umupo dun kahit bisita. sabi ko e para saan ang sofa? weird no? promise ko talaga sa sarili ko humanda ang sofang yun pag umalis na ko. chuks! may chika pa ko, baka daw mawala yung project na hinahandle namin kasi sobrang daming di pumasa sa client. sobra na silang pressure pati tuloy ako dami ko na ngang concerns sa personal life, dinagdagan na naman ng sa work. hay naku belinda, when it rains talaga it pours. pero i still believe na ang buhay parang gulong, minsan nasa ibabaw minsan nasa ilalim. tapos na yata yung time na nasa ibabaw ako kaya now nasa ilalim na ko. saykolow!!! yun lang antok na ko,. tagal ng buyer ni marlon. hi mo ko ke tuan! uuuy!!!

saykolow ha, talagang naaalala mo pa rin ang sinabi ni danton.
binigay ko nga kay cherryl yung book as bday gift.
taghirap kasi ngayon kaya walang pambili ng iba pang gift!
balak ko sana ilibre sya sa white bird kung san sumasayaw
ang ex-that's entertainment star, romano vasquez!
chuks!

sa tingin ko, yung if you have loved once, you have loved forever,
parang pareho ng sinulat mo na love buried deep into your soul.
pero hindi yung tao ang hindi mo makakalimutan, yung act of loving.
once you catch a glimpse of love, it's forever etched in your heart.
parang you'd know what's love really like.
teka, medyo mababaw ang explanation ko kasi puyat ako today!
chuks!

pupunta pala ako kina cherryl tonight, makiki-dinner.
may imi-meet kasi akong buyer ng 7250 ko, around 11 pm.
ang saykolow ng time, pero galing daw sya ng alabang town center.
since gusto ko na mabenta ang phone, willing na akong itodo ang puyat.
sabi ko kay cherryl, papasok pa rin ako sa office kahit bawal,
tutal mukha naman akong boss with my barong.
chuks!

belinda, what if punta ako ng thailand sa july,
makakapunta ka rin ba sa bangkok from vietnam?
gaano ba yun kalayo sa inyo?

o ayan marlon ginamit ko na nick ko, pero di ko talaga masyado gusto name ko na yan. gusto ko umapila!!! anyway, eto na naman ako nagba-blog kasi nag-apply ako online sa isang small advertising agency as copywriter. sana naman sumagot sila, sana naman tanggapin na nila ko, sana naman makaalis na ko sa @###$%% na kumpanya ko. super sad na talaga belinda ang situation ko. una, wala na flexi time (which is ok lang kasi naman 8 hours kami binabayaran so dapat lang na 8 hours trabaho) but the thing is lagi na lang sila nagpapa-overtime, at the height, minsan overnight kasi 2-10pm kami di ba?! buti kung me bayad e wala naman. ok lang sana kung lahat kaming module managers e di nagoovertime, e kaso sa ming tatlo ako lang talaga matigas ang ulo. kasi naman no sino ba naman makakapagtrabaho ng madaling araw??? second, super higpit na. dami ng arte, bawal na may bisitang pumasok sa office, bawal na mag-display ng kahit picture sa station, bawal kumain, may camera na, bawal ang kung anu-ano pa. as if naman ang ganda ng kumpany. third, saykolow na ang mga tao. parang yun na lang ang buhay nila tapos gusto nila office na rin ang maging buhay ko. Hellooo!!! di ko yata kaya yun. isama mo na lang kaya ako dyan sa vietnam, kahit taga-linis at taga-laba basta di mo ko pe-pressurin. super sad ako last night, kasi i was able to reflect and na-realize ko lahat ng aspects ng buhat ko lost these days. career, lost. family, medyo may konting problema. lovelife, super sad. bakit ganon ang mga lalaki, pagkatapos nilang makuha lahat iiwan ka na lang? chuks. lam nyo super naiiyak na ko last night. super bigat ng dibdib ko (buti kung dahil malaki ang boobs ko di naman!!!chuks). i thought, 25 na ko pero wala pa ring ngyayari sa buhay ko. ito na talag siguro ang quarterlife crisis. napi-feel ko na talaga. yung di mo alam gagawin mo, i feel so lost. di ko ma-explain pero may malaking space sa life ko na don't know how to fill up kasi di ko alam kung ano ba dapat kong ilagay dun. saykolow no, pero serious ako. naisip ko nga bakit yung mga taong may bright future pa kinukuha na ni Lord (e.g. ria roque, do you know her belinda? ka-block ko na kakapasa lang sa bar. she died last last week during a diving accident sa puerto galera. si miguel ni lani, gwapo naman, matalino, mayaman, may girlfriend, died in a car accident. si aaliyah, sikat, maganda, talented, died in a plane crash) saykolow ba mga examples ko? my point lang is kung wala na talaga kong purpose in life, why do i still live? e samantalang yung mga taong sinabi ko ang dami pa nilang pwedeng gawin in life, dami taong nagmamahal sa kanila, daming opportunities knocking at their door, pero sila pa ang unang kinuha. if i am not able to get a new job within this year mag-eermitanyo na lang ako. sobrang di ko na kaya environment sa office. i was thinking nga of studying na lang kaso i need a job din to be able to finance my studies. last friday nga lumabas kaming dalawa ni lani, uminom kami ng zombie, nauna kong nalasing, sarap pala ng feeling. parang wala na kong pakialam sa buong paligid. kaya pala naglalasing yung mga may problema no kasi ganon yung feeling? but the thing is temporary solution lang. the following day ganun na naman, problematic na naman. nga pala nalasing din si lani, ayun sumuka sa taxi!!! sobrang nakakatawa. (sori lani, i just have to tell that to everyone!!! :-) ) sobra talaga angst ko these days. mamya papasok ako sa office, feeling ko may memo na ko kasi umuwi ako ng 1030 last night e sinabihan na ko na may meeting? tama ba namang magpa-meeting ng magaalas-onse na ng gabi? anong oras pa kami matatapos? so later baka awayin na nila ko. bahala na. ang gulo ng blog ko no? halo-halo na ang kwento. ang gulo rin kasi ng isip ko. so anong gagawin ko ate helen?kuya eddie? hope you can shed a light on my concerns. pasensya na ha dito ko pa nilabas lahat. wala na kasi kong masabihan. try ko ulit mag-blog bukas, sana may change na kahit konti sa feelings ko. sya sya, til next time. byeee!!!

Monday, June 23, 2003

grabeh pala, 3 pinoy managers resigned, more than 2 years na kasi sila dito...gusto na atang mag asawa at nakapag ipon na....weird lang parang nawalan ka ng nanay/tatay/kakampi....there are only 2 pinoys left here, I and an associate director....im sortta scared, parang inay ko po, feeling ko i-bu-bulldoze ako ng mga vietnamese....pero kebs, lost pa rin sila at chaka mag english at mag isip

anyways, last night napaisip ako marlon...you still remember d remoto's uncanny statement: if you have loved once, you have loved forever? i think you still owe us what you think of that....what got me to thinking about it is the book that i have just read, veronika decides to die by coelho...in the book, he talks about Impossible Love akin to American Pie's The One Who Got Away...chuks ang connection....pero yun ba ang ibig sabihin ni remoto? a love so buried deep into your soul, there's no altering it?

inay ko...hahhaha sabi ko na nga ba eh...hindi kasi masiadong malakas ang gay energies na nilalabas mo e...ayan tuloy....

tsaka saykolow talaga up profs...i guess in the guise of making students independent/ responsible for their own learning, hindi nagtuturo ang mga profs...bigay lang sila ng bigay ng readings/cases tas pagawa sa mga students ng essays/class presentations...at isa pang saykolow, ang mga purebred taga-up, hindi masiadong nagsasalita in class...ewan ko kung applicable to all colleges, pero sa amin ganon...dahil daw deep in thought sila, or baka di lang articulate? chuks.

hoy, anong bed na yan? san yan ha? ay grabeh na!

ang sad naman ng kwento mo cherryl...parang nakikita ko na parepareho fate natin ah...pesteng buhay to ah...nasan na mga lalaki! at least jan may keri kahit bading...dito aynaku, dito, you won't believe that a nation didn't give birth to at least one goodlooking person...ang sama...kasi sabi nila ang mga guapo nag-exodus na sa america sa mga tatay nilang kano...ayun, ang natira ay ang mga "lapat" (term ng isang pinoy gay dito)

acheche, nag-blog ka rin pala cherryl.
noong pumunta ako sa site, di ko nakita yang sinulat mo,
pero naisip ko na mag-post na rin kahit di pa sumasagot si belinda.
bat di mo na pala ginagamit ang pinakamatangkad title mo?
alam mo namang bagay na bagay yun sa yo.
chuks!

about bed, di naman ako super nag-enjoy dahil sa keri ko.
most of them naman nakita ko na before pa.
pero happy lang kasi minsan lang ako mapadpad sa ganun,
yung last e 2 months ago pa.
i'll research kung san nakatira si bon my love!
chuks!

belinda, medyo saykolow ang classes ko sa up.
yung isang prof ko, super boring at hina ng boses.
yung 2nd naman, hindi na naman sumipot,
pinasulat pa kami ng essay!
pero happy ang 2nd class, keri ang 2 classmates ko!
yung isa binigyan ako ng yellow pad.
chuks!

may isa akong classmate na girl na medyo loud.
saykolow rin sya kasi parang may certain sya sa akin.
so during lunch, sinabi ko sa lahat na i'm not straight.
wala lang, para clear lang ba at walang umaasa.
chuks!

basta mahirap i-explain pero natuwa sya noong sinabi ko
na i'm not presently involved with anyone.
she's nice naman but you know, her gender's not my type.
chuks!

hi! i'm back! hi belinda and marlon! kayo lang binati ko kasi yung dalawang nagmamaganda di naman nagba-blot. uy marlon bakit pakwento-kwento ka ng birthday ko, akala ko ba ako magkukwento? anyway, ok lang, ikwento ko na lang na nagpunta tayo sa bed at super daming bading dun. naku belinda if you were there feeling mo lahat ng tao sa mundo bading. at in fairness (shiela's expression by the way!) ang daming keri. kaya pala lost na ang mga nakikita kong lalaki kasi lahat ng keri bading na. at ang marlon ha super nag-enjoy. ayaw pang umuwi eh wala naman sa plan na magpa-umaga dun, kasi naman e may type sya dun. sabi ko next time na lang balik kami dun (the truth is wala na kong pera that time, pag tumagal pa e baka magpabayad na ko sa mga bading na dumidikit sa kin dun para lang may pamasahe ako pauwi!). anyway, i would just like to inform you that 'we' are no longer talking to each other. basta sobrang complicated (chuks!) so for a month now di na kami nagkikita and nag-uusap. weird, but that's life. so masaya na kayo lahat? pare-pareho na naman tayo ng status in lovelife. aaay, pwera pala ikaw. ano tong nabasa kong tuan is proposing na you live with him? even if marlon thinks it's ok, i dont think it's a good idea. we all know naman na he likes you so impossible na he won't make any move on you pag nasa isang house na lang kayo nakatira. ay naku belinda, noooooo!!!! pls lang!!! makinig sa kin kahit di pa rin improving ang lovelife ko. objective ako. so hapi ka na dyan sa vietnam? parang ayaw mo na bumalik dito ha, cguro dahil kay tuan no? pano na ang mga boylets mo dito? pero it's ok as long as your happy, im happy for you. thanks nga daw pala sa greeting sabi ni galo. so yun na muna, dami kwento pero pagdating mo na lang para naman may mapag-usapan tayo. have fun!!! miss you!!!

Friday, June 20, 2003

hi belinda!
pasensya na at masyado nagmaka-busy this week.
alam mo na daming racket lately,
kung anu-ano pinagbebenta ko para makaraos lang.
chuks!

up

i'd like to say na tama ang desisyon ko na mag-ateneo.
kung sa up ako nag-college, malamang nag-suicide na ko
sa hirap ng registation sa bulok na up na yun.
kung san-san ako pinapila na walang katuturan!
ilang beses ako bumalik-balik doon.
tapos super excited na ako sa first day ko last sat.
may pinuntahan akong party the night before,
tapos mga 3 am na ako nakauwi.
since 830 ang class, 630 pa lang gising na ako.
but no, pagdating ko sa school, absent lahat ng teachers!
sabi after june 16 na lang daw ang classes.
super win!

na-meet ko na mga classmates ko, puro girls!
may isang guy pero hind pa kakerihan!
parang kailangan ko nang mag-shift kung gusto
kong mag-improve ang sex, este love life ko!
chuks!

cherryl's bday

lumabas last sat yung bday ad kay cherryl sa bulgar.
at ang shiela, tumawag pa sa house nila cherryl,
para sabihin sa tatay na bumili ng bulgar.
ni-surprise namin sya with 25 balloons sa house,
tapos diretso kami sa intramuros.
medyo umuulan noong pumunta kami doon,
pero nag-dinner pa rin kami sa tamayo's,
na yung mga tables e nasa street.
hoping kami na di lumakas ang ulan,
pero mamaya e may malaking patak ng ulan sa soup ko!
so hayun, pinalipat kami sa wedding hall nila,
na super duper nice like cherryl's bday.
overall happy naman ang experience.
teka, bat pala ako nagkukuwento ng bday ng iba?
chuks!

vietnamese love affair

happy ako sa yo dahil kahit saang country, benta ka!
sa tingin ko ok lang yung proposal ni tuan.
i don't see anything wrong with people of diff sexes
na magsasama sa iisang bubungan.
walang mangyayari kung walang magpapayari.
chuks!

sana makauwi ka dito pero wag naman weekend no!
parang ang sad non, parang preview lang ba.
kahit one week lang, keri na siguro yun.
just tell us when para mapakita ko driving skills ko.
chuks!

anyways, yun lang muna for now.
have a great weekend!
always remember, whatever you do,
always protect yourself!

PS. magkikita kami ni cherryl tomorrow night pala,
nood kami ng repertory sa makati.
di ko na ni-invite sina lani (maaga uuwi) at shiela (wiz anda).

Monday, June 16, 2003

oi kamusta bday ni cherryl? sinuko na ba nia ang bataan kay what'shisface?

oi pagdasal nio na walang project by end of july...bwisit, another project came up mukhang hanggang mid of july matatapos...hayy pero bahala na...basta uuwi ako by july no matter what...kahit na over the weekend lang....

ilalagay na ko sa vietnamese language na class...HR will be looking for a school within this week...that means, id be able to mingle with other expats/foreigners...shets sana may win naman...masiadong disierto na dito...

ps. i think i just received an offer for co-habitation...chuks...jk...lokong tuan anh...kasi i was searching the newspaper for a new apartment (gusto ko kasi iba naman, la lang)....sabi ba naman sa bahay na lang daw nia ako tumira, tutal maraming rooms bahay nia...makaka-save daw ako...pagluluto daw nia ako etc...isip ko, ok ka lang?!...tas kwento sia how in australia ok lang naman mga ganon, roommates na from the opposite sex...tas told him "but it's a taboo in asian cultures...so no..." ayun.

marlon, how's up?

Wednesday, June 11, 2003

shucks...before i forget...kakaloca news about bacani...tsaka i heard about the onslaught of chinovelas...are they really that interesting? would they mark the end of our latin telenovelas?...isa pa, i heard nagmura si claudine sa asap...totoo ba?

saykolow naman....sabi nila kunin mo mga memorable elements then try to interpret the dream yourself kasi ikaw lang talaga ang may authority jan...or, kung di mo kaya, hiramin mo dream dictionary ni cherryl....

pero pansin ko lang ha, parang lately, twice ka na ata nagkwento ng dreams mo...are you getting in touch with your inner self? chuks. nagiging soulful/mystic ka na ata...bakit? ano trigger?

tsaka oi marlon...class has started already, right? what do you think of your classmates? what is your schedule? do you take evening classes? or saturday classes?

Tuesday, June 10, 2003

binabasa ko horoscope ko kanina,
tapos sabi for gemini:

Write an article or make a video
while it's all still so clear to you.

kaninang umaga nanaginip ako.
nasa australia daw ako tapos andaming tao.
nakaupo sila sa ground tapos ako nakiupo rin.
maya-maya nagtayuan sila tapos pumunta sa gilid,
tapos akala ko e dahil ayaw nila ako katabi.
sumunod ako sa kanila tapos yun pala uulan.
nandon kami sa shelter, tapos may drizzle lang.
pagtingin ko sa malayo, nakita ko yung ayers rock.
sa mga di nakakaalam, sacred rock to sa australia.
tapos napansin ko nag-iiba sya ng color.
from deep red to iba-iba talaga.
kahit umuulan, lumapit ako sa ayers rock.
paglapit ko, psychedelic colors na,
as in rainbow colors.
may 2 people na malapit don,
si gary estrada at bernadette alyson.
tapos tinanong ako ni gary kung
nakikita ko yung colors kasi sila hindi.
tapos sabi ni bernadette, bat di daw nila makita.
sagot ni gary, depende daw sa aura ng tao yun.
tapos ang ginawa ko, kinuwento ko
yung mga colors na nakikita ko.
sobrang vivid ng purple.
tapos hayun nagising ako.
anyways, ano ba ibig sabihin non?

Monday, June 09, 2003

happy birthday lani!!!!

sabi ni cherryl, pa-kiss ka na raw....chuks

Friday, June 06, 2003

okavango is the newest, most exciting gimik
restaurant/bar in the metropolis!
it's located along marikina river,
in front of the marvelous marble dome.
i brought them there because i wanted to show them
the hidden treasure of metro manila.
chuks!

about the dvds, wala ako ng mga yan.
pero alam ko si marj meron noong sex and lucia.
andami ko nang dvd collection almost 70 dvds na!
most of them napanood na rin nina cherryl.
btw, kelan ka nga pala uuwi para naman
maayos namin ang vacation leave namin?
chuks!

sa monday ko na i-analyze yung sinulat mo about love.
medyo ngarag ako ngayon, dami ko ginagawa.
alam mo naman ako, nagmamaka-busy!
pero lahat sila, not work-related!
say!

anyways, have a great weekend!
bday na ni lani sa monday!
wish her luck!
chuks!

Thursday, June 05, 2003

ay grabeh, reunion ang birthday mo ha...at pumunta ang galo ha....ano yung okavango na yan? parang gerry's? bat dun mo sila dinala? panalo food? price?

saykolow ang danton remoto ha...feel kong mag analyze ng 'if you have loved once, you have loved forever'....chuks...hayaan nio na ako...i just wanna unwind....

i guess the issue here is not really the action/decision to love...as human beings are inherently lovers...ergo, we will love forever, period...the question really is the object of love...does the statement imply that if you have loved another (the object of love), you will always love that other?...well that is sweet as we can expect loyalty from our loved other if he truly loved us...but if we werent lucky enough to keep our object of love, are we then cursed to suffer the exotic pain of having a 'the-one-who-got-away'?

thinking about what i have just written makes me depressed...so kebs muna....

marlon, meron kang dvd ng juana loca? sex and lucia? napanood mo na? ok ba?

Tuesday, June 03, 2003

hi belinda!

oo nga, napansin ko nga na putol-putol ang post mo.
i thought new style lang ng pagsusulat (chuks!).
ok naman pag ako nagpo-post, diretso type lang.
what i do before i press the post and publish button,
kina-copy and paste ko yung sinulat ko sa word,
para kahit mag-error, i-paste ko lang uli.

super galing ko talaga mag-predict ng love stories!
i knew it, alam kong magkakagusto sa yo si tuan.
when you said na may girlfriend sya,
parang signal na something might happen.
and now it's finally coming true: tuan's in-love with you.
say, rhyme pa talaga!
chuks!

if i were you, just enjoy anything that happens or will happen.
it's too early to dismiss him.
all i can say is... move over elias!
chuks!

i'm reading danton remoto's new book, gaydar essays.
do you agree with this sentence:
"if you have loved once, you have loved forever"?
and there's this story about 2 gays in a moviehouse:

guy 1: bat nanonood ka nitong return of the living dead part 8?
guy 2: napanood ko na kasi yung 1,2,3,4,5,6,7.
alangan namang palampasin ko itong 8?

saykolow diba?

anyways, punta pala ako sa up tom to enrol.
sana samahan ako ni pinakamatangkad uli.
magkasama kami last friday, kumuha ako ng reg form.
kumain kami sa citi top, pero walang ox brain.
sad!

tapos noong gabi, nagpa-party ako sa okavango,
nagpunta sina cherryl, lani, shiela, galo, marj,
kitkat, kris, leng, joy, issay, eric, xtie, issay and franco.
they gave me 2 the spa gift certificates.
after dinner, went to 22nd street sa antipolo,
mala-punchline yung setup.
all in all, sulit naman yung 12k na budget ko.
chuks!

Monday, June 02, 2003

mahaba blog ko....im just relaxing....mamaya work ulit ako....

so saturday, we had dinner...mejo weird pero feeling ko communication gap lang...sabi nia he was so worried nung friday when i had to travel alone...tas i shared with him my mindset that i know nothing bad will happen to me if i do not think about it...sabi nia, "you are so naive"...then he said that i am like a baby...sabi ko "ha?"...then he asked if i recall the time we had lunch earlier during the week with other team members...i do not remember what happened or what he said...i asked him to refresh my memory....sabi nia "Nah, that was when I realized that you are different from the others. You're special. It's like you're from a different world. (verbatim yan)" isip ko wrong choice of words....he added "you're clean sheet."...sabi ko "that's not true. im a bad person. i get mad too...."...chuchu...pero sabi nia "nah..." jus ko...

ps...pasensia na kung putol putol blog ko...pansin ko kasi pag mahaba...nagloloko ang blogger...di ma-publish ang blogs...bat ganon marlon?

may kayamanan pala ang tuan anh....mag isa sia sa bahay nia (bili ng nanay nia), family nia kasi taga province.... malaki ang bahay, parang townhouse sa atin na merong 4- 5 floors (di ko masiado nabilang, basta more than 3 floors yun, inakyat ko kasi room nia nasa topmost)....tas hinanap namin ang tamang ext cord...sobrang kakahiya talaga, kelangan nia kasi yung ext cord to play his computer games.......pero i had no choice...sabi ko sa kanya, sacrifice muna sia one night of games, na i owe him so much already...sabi nia no problem....i told him to go to the office saturday so i can give him his ext cord.... so there....

so i go home...got the laptop out and then joinks!!! i realized wala akong extension cord na merong 3 butas ...i frantically looked around my room for a 3-hole socket...called the office to check if the guards were still around so i can pick up the ext cord in my drawer... waked the housekeeper to ask for her help...but no, walang extension cord for my laptop...i calculated: if i worked on the laptop with only the battery as the power source, it would prolly last an hour lang...but, i cannot finish the report within an hour!!!... i only had one choice: call tuan anh...so i called him, asked him if i could borrow an ext cord...he said he has lots (a relief)...i offered to go to his house, bring my laptop adaptor with me and choose which of his ext cords fit...sabi nia, "no, it's too late already. i won't allow you, my house is far fr ur house, it's dangerous for a girl to travel alone (nye!)...you come here, bring your laptop with you, work here in my room. i will just sleep in another room and drive you to the office tomorrow morning..." isip ko, uh oh, working in his house is definitely out of the question...i told him "i am used to travelling alone, and besides i trust vinataxi (my official transpo here)"....we had a lengthy discussion about it with me finally winning in the end....so at around 12 midnight., i go to his house....

anyways, ill pick up right where i left off....so nung friday...we were at no.1...one of the more popular karaoke bars here in hcmc...only class ab people go there btw...i had a report due on saturday am, pero kebs na, i wanted to have fun...the whole quantitative dept (my department) went there and left at around 1130pm (remember, maaga nagsasara mga bars dito)....

bwisit...bad day na naman at work...i had training the whole day and the data that was sent to our assistant was all screwed up...i am kindda irritated i wanna cry...hayyyy....