marlon...sorry di ko na-send pic last night...bagal connection ko e...try ko ulit laters...
Red Squirrel
samahan ng mga magaganda or something like it...
Wednesday, October 29, 2003
Tuesday, October 28, 2003
books
marlon, pag uwi ko asikasuhin ko...ang kulit ng bro ko eh...ang arte di nia magawang i-send sa yo...lech..naiinis na nga ako e...
allen
nasa laptop yung pic nia...later pag uwi ko if i go online...ill send it sa yahoo mo...
belinda, paano naging sad ang weekend mo,
if it includes spa, gym, and shopping?
pwede mo sigurong tanggalin ang gym,
but i want spa and shopping EVERY weekend.
pero syempre, i live in a 3rd-world country,
with a 3rd-world salary so can not be.
chuks!
last night pala i had dinner with college friends,
sina nett, tria, francis and jomar (francis's friend).
tapos lumipat kami nina francis and jomar sa tapika,
to meet other friends ni francis.
nandon sina fabio and iba pa,
and francis finally introduced me to him,
kasi we assume lang we know each other,
but we were never formally introduced until that night.
tapos nandon yung friend ni fabio, si randolf.
bagong telenovela gma talent,
lalabas sya sa telenovela ni boyet and lorna.
he's super cute, friendly, and although may ka-love team sya,
he's not really straight pero mukhang straight.
syempre super chika kami last night,
kahit first time lang naming magkakilala.
chuks!
anyways, san na pala pic ni allen?
atsaka yung mga books ko? :(
Monday, October 27, 2003
happy naman ng weekends nio...ako wala masiadong happening except gym, spa, grocery, shop, swimming, dinner, coffee (in that order)... pag weeekends
my weight
a total of three people have told me today that i "seem" to have put on weight...mukha nga kasi when i went to the gym this sat i weighed 90lbs...eh dati kasi (mga a month or so ago) i was only 85lbs...it's fine with me actually kasi at least di na ko mukhang addict...
training
i trained a corporate client today on some marketing research chuchu...happy naman sana makuha namin account ng vietnam...yung nasa min lang kasi right now is yung cambodian account nila...sigarilyo pala ang category...at punta pala ako ulit ng cambodia next week...
which reminds me, before the training started, allen texted me kung pede nga raw tumawag...eh shemps sabi ko, no, kasi busy gurl ako...di kasi kami nag-usap nung weekend kasi he was in san diego the whole time for some auto show chuchu...so tonight na lang sia tawag ulit...
o sia, later ulit...
hi belinda!
had a happy weekend, nilibre ako ni marj ng dinner last friday
sa cafe mediterranean sa podium dahil sa pinahiram kong book,
the perks of being a wallflower.
after dinner, went home muna tapos change outfit,
then diretso sa tapika tapos ni-meet ko sina cherryl.
happy naman the night that was (say, feeling nasa startalk!),
nag-play ang barbie's cradle.
nahihilo-hilo ako dahil sa isang pitcher ng weng-weng!
pinakwento sa akin ni alex ang totoong story ng
bugbog-sarado,
starring maui, jordan, and andrea.
basta si jordan e yung guy na may gf na nilandi si maui,
tapos di sila nag-usap nang matagal,
tapos nanginig sa galit si maui nang may andrea na.
na-mode si otche kasi di nya kilala si andrea,
tapos si alex, parang alam na nya lahat.
so hayun, happy tapos may mode-an noong uwian.
chuks!
saturday night naman was also fun,
i had dinner with grad school classmates sa teriyaki boy.
may isang super keri waiter don, as in keri, promise.
maputi, matangkad, makinis, maganda mga mata!
say, puro m diba, bagay na bagay sa pangalan ko.
wag mo lang syang pagsasalitain, pwede na.
chuks!
tapos we went to malate for more gimik,
and ikot lang kami nang ikot until we decided to library it.
happy sa library, funny naman, and ok mga singers.
pero grabe nila okrayin ang mga umaakyat ng stage,
as in matatakot ka na umakyat.
around 1 am, we transferred to kilimanjaro in timog,
nandon kasi si francis, fabio and friends (puro f naman).
happy pala sa kilimanjaro, very intimate ang atmosphere.
kilala nina francis yung band, tapos crush ng friend
ko yung lead singer so pinakilala namin sya.
tapos kumanta si francis ng 2 songs,
nag-duet sila ni kit (yung cutie lead singer ng eccentric).
super nice the night that was,
hinabol pa kami nina kit just to say good night.
anyways, that was my weekend,
happy but kinda magastos but happy nevertheless.
chuks!
Sunday, October 26, 2003
di ako nakapigil...bumili ako ng dvd ng "the lover"...leche...eh yun mismo ang binasa ko...asus...pati mga lines, parehong-pareho...anubayun...nalito ako...sabi kasi ng mga officemates kong viets magkaiba daw yun...baka hindi lang nila nabasa ang the north china lover...
bumili din ako ng "my boss' daughter"....bad buy...ang stupid ng movie...anyway, what can u expect from an ashton kutcher...
bored ako today...it's a sunday...baka magpamasahe na lang ako this pm...tas swimming ng konti ths evening...
la na akong balita kina shielagurl and lani...ano bago sa mga yun? mag-blog naman sana sila...asus
Friday, October 24, 2003
yung book na binabasa mo ngayon,
almost the same plot as the lover!
may pagka-nymphomaniac din yung sa the lover,
actually super daming sex scenes, kaya hit dito yan!
chuks!
tonight pala magkikita kami nina cherryl sa tapika,
and hopefully matuloy na kami!
everytime kasi nagpa-plano kaming mag-tapika,
laging may some kinda confusion.
pero ngayon, super clear na 10 pm pa ang mtg time.
i might go to megamall to pay my globe bill,
then haircut chuchu tapos uwi muna.
i might change outfit kasi last na gimik namin,
eto rin yung suot ko.
ayoko naman isipin ng mga tao na konti lang damit ko.
chuks!
mariah carey pala is visiting this nov 16,
tapos may concert sa the fort.
gusto ko manood, kahit yung 2,500 pesos ticket.
kahit naging pokpokation sya, she's still good.
wish ko lang e makahanap ako ng extra 2500.
chuks!
if you're online pala and bigla mo akong na-miss,
you can text me pala thru this email address:
639176204724.safeway@txthotline.globesolutions.com.ph
it's the same as my pager dati sa states,
except sa celfone ko na yan mare-receive.
maarte kasi dito sa safeway,
required lahat meron para sa mga announcements.
don't write anything sa subject,
kasi di sya lumalabas, don na lang sa body ng email.
tapos append your name so i'd know kung sino ka.
chuks!
anyways, happy weekend!
always remember, wag isusubo ang di kayang lunukin!
chuks!
Thursday, October 23, 2003
the lover
yeah i've heard of the lover...it appears that it's quite a biggie here sa saigon...kasi setting ng book dito...i'm currently reading a book by the same author...title nia the north china lover...weird ang writing style...tsaka feeling ko wala masiadong pagkakaiba sa the lover coz it's a story between this poor french girl and a rich chinese who fall in love...it's another story of a love-that-cannot-be (kaya mejo tuwa ako)...pero weird ang french girl parang nymphomaniac...anyways
cherryl
congrats sa ginawa mo...na-surprise ka sa powers mo ano...hahaha...sige basta good luck sa biz nio, gusto ko ring sumama...pero let's talk about it pagdating ko....turuan na rin kitang mag-chat
sige...blog ulit ako later or tom...dami pa work e...
grabe na the week that was!
i-share ko lang, super nangarag ang ganda ko tonight kasi nagkaroon ng gen. mtg. sa ofc. at naku galit na ang may-ari kasi di kami nakaka-deliver on time sa client so may possibility na kumuha ng ibang company yung client. so kami super nangarag. biruin mo we had to produce 870 records in less than 5 hours tapos absent pa ang apat na tao ko. so ayun pati ang lola nyo nag-code na. dapat kasi by 8pm nasa chinicheck na yung quality para by 10pm na-transmit na. gosh, 9:30 na nagco-code pa ang lola nyo. yung isang team before 9:30pm nakapasa na sa quality. sobrang nanginginig na ang tuhod ko kasi yung team na di nakapag-transmit by 10pm chugi na within this week, as in wala ng trabaho next wk. super naaawa na ko sa teammates ko. well, naipasa naman namin by 10pm, and we got 99.02 sa rating. grabe, literally naiyak ako sa tuwa. niloloko nga nila ko feeling ko daw nanalo ko sa beauty contest. grabe yung feeling, mas masaya kesa sa feeling ng in-love, as in. safe yung team ko for the time being, sana magtuloy-tuloy na.
about hanoi, sad belinds kung malayo. my ate pa naman is excited to stay with you. madidisappoint yun (kasi mas malaki ang gagastusin nya if she stays somewhere else)
about the business, may nahanap ng lugar for tiangge yung officemate and we're planning na magsosyo (ruby, anneap, alex and I). syempre sa magtagumpay kami. una pala dapat matuloy. im planning to sell damit pambata and bags tutal pasko naman so mabili naman sana yun. belinda pagbalik mo dito sana matagumpay na negosyante na ko.
uy marlon, wala pang tawag from the makati company. di ko na kasi binigay yung mga sample works ko. ang arte kasi nila. chuks. pero sad. pati yung sa tektite di na ko tinawagan. napangitan yata sa drawing ko. kasalanan ko ba kung di ako marunong mag-drawing!?
yun langa. sorry belinds di ako naka-respond sa text (through yahoo messenger) mo kasi wala ng load ang lola mo. turuan mo naman ako mag-chat sa ym para minsan super chat tayo.
ciao!
Tuesday, October 21, 2003
good morning owl!
na-doble ang pag-publish ng post ko yesterday,
so eto ni-edit ko at pinatungan nito.
yun lang po.
baboosh!
uy belinda, hindi ko pa nakikita yung pic ni allen.
kay cherryl mo lang yata ni-send, boohoo.
about seagames, hindi ba sya pwedeng i-bus or train?
mala-pagudpud or bicol trip.
chuks!
naalala ko pala ang vietnam recently,
napanood ko kasi yung the lover.
story ng isang poor french girl and rich chinese man.
it's a nice movie, although interesting.
kakapanood ko rin ng beautiful things,
nice na british movie.
try to look for these movies there,
highly recommended.
baka maka-relate ka sa the lover.
chuks!
since i'm getting heavier everyday,
mag-start na pala akong mag-gym today.
sabi kasi sa akin dito sa office,
marami daw work pero 2 weeks na ako dito,
wala pa sila masyado binibigay sa akin.
so eto lumalaki ang pwet ko kakaupo dito.
ok sana sa the spa dito sa rcbc,
pero jusme, 15k ang joining fee!
so tyaga muna uli ako sa slimmers sa megamall.
btw, lukring ano balita sa job application mo dito sa makati?
seag
cherryl...malayo ang hanoi...for a plane ride, mga 2 hours...para na rin akong pumunta ng manila...ganon din ang presyo...lech, sabi ko na nga ba di sila sa ho chi minh e...sa hanou kasi popular ang volleyball e....
Monday, October 20, 2003
hi!
just came from work. hay naku super nakakatigang na talaga, di pa tapos yung mga teammates ko umuwi na ko. eto pa, siguro nag-dinner ako ng mga 2 1/2 hours kasi nagvideoke kami kasi sa may cable car pala sa eastwud may free videoke sa may second floor. di super sing ang mga lola nyo. yun nga lang after a while pinatigil na kami kasi magsasara na daw sila. mode. tapos may dumating na isang buong family pero pinakanta nila. super mode. di tuloy kami nag-tip. chuks.
uy belinds sa hanoi daw yung SEAG. punta nga daw ate ko dyan daw sya titira sa yo. lagot ka! parang gusto ko na rin tuloy punta dyan. magkano nga daw pala pamasahe?
sabi na nga ba may pag-kaloko yang allen na yan. nasa itsura e. pero sige enjoy the moment lang, malay mo mapagbago mo. chuks.
yun lang wala na ko makwento e.
gudnight
cherryl
sobrang gusto ko na rin mag-business...panalo yang idea mo...sige mag-tiangge ka...patulong ka ke galo no para u'll learn the ropes...basta when i get there, business planning galore tayo ha...
marlon
nagloloco ym ko that night e...so nainis ako, natulog na lang ako kagad
work
ang weird ng work ko, bigla na lang ako in-ask ng boss ko mag-analyze at mag-present ng isang report na hindi akin initially...inis ata sa viet kong colleague kasi mejo slow (see? quick learner na ko sa dating kong ito ha?)...tapos super duper tight pa ang timing...dalawang araw lang...imagine 2 days para matulungan mo sa strategic planning ang isang company...lech kung magkalecheleche ako bukas kasalanan ng boss ko...pero mukhang happy naman ako sa gawa ko
allen
isa pang ka-weirduhan nangyayari sa buhay ko...nagtampo ng konti si allen kasi meron akong kilala na kilala sia...sinabi ng friend ko na bolero daw itong si allen at mag ingat daw ako...eh ako kebs lang naman yun so sinabi ko sa kanya...nagtampo, panay explain na hindi sia ganon chuchu...tas sabi nia di daw sia nambobola otherwise di sia mag aaksaya ng pera and panahon chuchu...inaykuuu...anyways kawawa naman...di naging normal usap namin for a while pero now mejo ok na ulit, nakalimutan na ata...
hoy lukring, bat di mo pa ako ina-approve sa friendster?
ayaw mo bang ipangalandakan sa mundo
na may kaibigan kang cute like me?
chuks!
speaking of cute, may 2 friends ako na cute,
si bus and si jp!
pero wala sila pareho sa pinas,
si bus nasa london, tapos si jp nasa LA.
sa friendster ko lang nakilala yang mga yan.
post ka ng pinaka-seductive mong pic,
like yung sa galo and girls pic!
chuks!
belinda, ano nangyari sa yo last saturday?
onlike ka sa ym tapos biglang nawawala.
nandon din si glen that time,
pwede sana tayong mag-conference!
mga 12 am na yata kami nakauwi ni cherryl from bugbog-sarado.
in fairness, keri pala si victor neri.
o diba, nag-rhyme!
chuks!
Sunday, October 19, 2003
hi everyone!
uy belinda kumusta? we watched muvi yesterday ni marlon bugbog sarado yung title, starring maui, andrea, victor and jordan. may promise sana yung muvi, nagmamakasaykolow pero mas saykolow yung mga buong istorya, bigla na lang ngyari ang mga ngyari without even building up the characters, the situation, etc. (nagmaka-critic ba?). kasi sabi ko ke marlon matchstick men na lang panoorin, nagmaganda. ayan tuloy napunta kami ke maui. pero ok lang kasi trineat naman nya ko ng dinner, so sulit lang. thanks again marlon.
uy belinda when ka balik dito? di ba sabi mo december? sige pag balik mo dito ikot naman tayo sa metro manila, ipasyal kita dito sa marikina (as if may mapupuntahan dito!), di ba sabi mo happy yung barbecue kila aling rosing (wherever that is!). libre kita kahit lima (that is kung may work pa ko by december!).
sila lani and shiela nagmamaka-busy. saykolow.
uy belinds i watched nga pala the concert of sergio mendez. happy naman kaso karamihan sa audience kasingtanda ni sergio. but i saw a lot of celebrities (noynoy, bernadette sembrano -sila di ba?-, bianca araneta, chinchin, chanda, cherryl (chuks), etc.) feeling celebrity rin ako. pero karamihan ng songs nila brazilian at luma na so di ako masyado maka-relate. di nila kinanta yung mga 80's song like take this love, what do we mean to each other, etc. pero oks lang libre naman. nilibre ako ni alex kasi sabi nya para naman sumaya ako.
alam mo inaapi ako ni marlon kasi ang liit daw ng sweldo ko. pagsabihan mo nga yan. tell him na di naman sa sweldo nasusukat ang pagkatao. nasa ganda yan. at ganda ang pumupuno ng bulsa ko. chuks.
may sideline pala ako in a way these days. im selling swarovski bracelets and necklaces. made to order sya para hindi common. actually sa sister ko talaga sya pero im helping, so far nakakatatlong orders pa lang ako (sad!) pero ok lang at least im starting on my own (chuks). meron din akong binebentang damit (pambata, pangmatanda,panglola). balak nga namin ng pinsa kong mag-tiangge this december kaso wala pa kaming pang-rent. so direct selling muna ang drama namin. baka may gustong um-order dyan!
yan lang ang pinagkakaabalahan ko these days, just to get my mind out of the miseries in life. pagbalik mo dito belinds sana mayaman na ko. chuks.
ciao!
Thursday, October 16, 2003
Wednesday, October 15, 2003
hi everyone!
6th day ko na dito sa safeway,
pero super sad, wala pa rin akong email!
buti na lang at pinahiram ako ni galo
ng internet access dahil kung hindi super bato ko na!
nakabasa na ako ng isang book, rape of nanking,
about sa asian version ng holocaust,
na ginawa ng mga japanese sa china.
medyo gory yung details,
pero grabe yung ginawa ng mga hapon!
in some ways, mas grabe pa sa concentration camps.
try to read the book, very gripping,
though mapapangiwi ka pag binabasa,
especially don sa mga accompanying pictures.
belinda, game pala ako sa hongkong trip!
kung libre yung house, happy na siguro yung ticket.
pwede ako mag-absent sa work ng one day,
so 3 day weekend probably.
basta pagdasal na lang natin na may pera ako,
kasi ngayong oct 15, wala akong sweldo from svi!
tapos sa 30 pa yung sweldo dito sa safeway.
hindi ko alam saan hahagilapin yung pang-araw-araw ko.
chuks!
cherryl, i re-sent the friendster invitation,
sa email mo and sa egroup na rin.
super sad news pala, nakita ko sa friendster
ang page ng crush of a lifetime kong si leo lim!
but super sad, married na sya!
feeling ko talaga gumuho ang mundo ko.
huhuhuhuhuhuhuhuhu!
Monday, October 13, 2003
shiela
bakit pala tita lulu na tawag nio sa kanya?
what's-his-face
kebs
job
goodluck, pray ka lang cherryl ha....
business
sige, game ako...pag-usapan natin yan
hongkong
basta kung sino 2 pede sumama, sama...kaya lang di pede lahat kasi di ko naman bahay yun e...so sana ok lang....
cherryl..shemps in-invite kita...sa email mo...personalized pa yun...
si allen...3 silang bros...sia na lang walang asawa...trenta na sia...di ba sabi ko nagloco (drugs) nga yun dati tas reformed na...pero 8 yrs ago pa yun...di ko lam kung may pinsan siang single, say! kung playboy sia, bahala sia...dami na niang gastos kung ganon...pero sana hindi...chuks...tignan lang natin talaga...
hi everyone! i just had the longest interview and exam ever, kakatapos lang ng exam ko sa isang small ad agency dito sa ortigas. saykolow, padrowingin ba naman ako ng kung anu-ano e di naman artist ang inaaplayan ko kundi copywriter. e yung kasabay kong mag-exam e super galing, ang ganda ng drawing nya. tawa nga ako ng tawa tapos sabi nung examiner bakit daw, e puro stick figures yung drinowing ko. weird. parang lost yung exam ko pero anyway, life goes on.
nag-celebrate nga pala si tita lulu ng birthday nya sa newly-opened dencio's sa eastwud. bongga ha, in fairness. thanks tita lulu. sa uulitin. grabe 26 ka na wala ka pa ring bf. ok lang lahat naman tayo.
i saw na allens pix. cutie in a way pero mukhang usual playboy. pero if he has invested na sa yo (the calls and text) baka medyo seryoso na. at rich ha if he really wants you to go to US at his expense. pero ingat pa rin. but at least your lovelife is flourishing unlike us here na super tigang. gudluck.
update nga pala with whatshisface, i saw him last week sa eastwud, papatawid ako tapos tinawag nya ko (the nerve!). syempre gulat ang lola mo, pero dahil madaming tao di ako nag-iskandalo. civil lang. i was thinking sino na naman kaya ang pinupuntahan nun sa eastwood? then i realized, i don't care. kebs na talaga. and the revenge thing, kebs na, karma na lang. wala na syang effect sa kin (honest!) whatever happened was his decision to make. again, life goes on for me.
kwento ko lang, yesterday nag-meet kami ng mga batchmates ko from ateneo hs, miriam hs, st. scho hs. wala lang super reminisce kami. ang saya. naalala namin yung mga loveteams nung high school. tapos now may asawa na yung iba. si lani pala ang kaloveteam nun si jeric estaco (you will remember rene requiestas sa itsura nya) pero mabait yun and funny. may project kasi yung batch namin na scholarship so nag-meet kami para makahanap ng pondo. kinakabahan nga ako kasi di ba magre-resign na ko this december, baka wala konti lang ma-contribute ko. yun lang.
uy belinds, about the business, gusto ko talaga. yung pinsan ko gusto magtayo ng parang andoks kasi she knows where to get chicken and other equipments. gusto ko nga so im sourcing for a possible location. so far, wala pa. nagse-save na rin ako ng konti kasi nga gusto ko na mag-business. sana when you come back here madami na kong ipon para maka-start tayo. pero sana matuloy na yan at wala ng mag-aaway-away. chuks.
di ako sure kung san yung volleyball team maglalaro e. have to confirm pa with my sister. bakit watch ka? sige go, tapos i-friend mo sila lahat para malaman nilang international beauty ka na.
bakit si marlon lang invyt mo mag-travel? bakit kala mo wala ko pera? huh, pag ako nakaalis ng pilipinas di ko na kayo papansinin lahat. chuks.
p.s. wala ba kapatid o pinsan si allen na pwede sa kin/min? :)
marlon...nag-offer cuz ko na mag-stay sa kanila sa hongkong if i wanna do my xmas shopping there...type mong sumama?
Sunday, October 12, 2003
marlon...musta na yung plans natin to try our luck sa isang foreign country? bigla ko lang naalala kasi nagkausap kami ng cousin ko who lives in hongkong...she's gonna transfer to singapore next year...gulat ako nga e, found out she's a stay-at-home mom...dati career girl yun e...hubby nia pinoy architect na laki ng sweldo... anyways tht's another story...basta thing is mura daw kasi real estate sa singapore kaya sila pupunta dun, oa sa kamahalan kasi ang hk...tas nag offer nga na i can stay sa bahay nila if i want to look for a job there...pero di ko pa sure...kaw? kayo? u wanna try? gusto nio ng challenge?
Friday, October 10, 2003
btw, magkikita pala kaming lahat tom afternoon,
manlilibre na si tita lulu!
sana pala malayo sa marikina,
para talagang super special ng bongga libre.
i hope eat all you can para sulit ang giftS ko!
chuks!
hi belinda!
bukas pala final exam ko na sa isang class ko,
the whole week ako nagre-review, as in!
super madugo ng review, as in literally, dahil nagpa-facial
ako kanina dahil sa stresss.
gusto ko sana na pagpasok ko tom, clear skin ako,
para di halatang nagtodo-review ako.
chuks!
safeway is ok, nakapag-review ako,
dahil wala pang pinagawa.
actually wala pa akong email at network access,
so for 3 days, nakatunganga lang ako!
napainom pa ako ng kape dahil sa super antok.
but again, ok lang naman dahil nakabuti sa review ko.
sana nga lang matandaan ko lahat ng ni-review ko.
teka, ano pala yung sandune?
sandune or sand dunes?
buti naman at nakakapag-travel ka na dyan,
you should have been doing that since you got there.
try to visit the temples, happy sila sa pics!
fish
di ko nakwento pala sa inyo, binigyan ako ng isang fish bowl with 4 fish ni crazy tuan...yung tawag sa fish ay tiger fish...kasi bel in vietnamese stands for tiger...so there...kanina natakot ako kasi people were warning me na malapit na raw mamatay fish ko kasi they were all swmming towards the surface of the water...kulang pala sa oxygen kasi one week ko na ring di na-change yung water...eh pano ba naman kasi merong isa dito nagsabi i should change it only once a week...lech...buti na lang it wasnt too late...yun lang...
sandunes
some weeks ago pala, we went to a province called phan thiet...maganda ang place..coastal tas meron ding mga sandunes...we went sliding down the sandunes using some paperboard...nakita ko on tv na ginawa ganito sa thailand...pero i didnt know meron din dito sa vietnam...sobrang katuwa...naalala ko kasi nakita ko pics namin...meron nga akong a few pics na mejo wa pose kasi mali pagka-slide ko...
allen
parati pa rin kami nag uusap ni allen...tumatawag din everyday...kahapon mga twice/thrice ata tumawag sa gabi kasi meron lang siang ikwekwento...nakakatuwa actually....ayun speaking of the devil...kakatext lang asking where i am...ewan, basta, bahala na si batman...
cherryl
musta na?
shiela
san libre mo?
marlon
happy ba sa safeway?
lani
may bagong boylet?
Tuesday, October 07, 2003
marlon...ganda ng pics..panalo kayo...si shiela? kelan manlilibre? kwento ko lang...allen called me up last night like he normally does before he starts work...na-bring up na naman invitation nia na pumunta ng states...sabi ko, wag ka magoffer ng libreng fare...shemps kunyari power woman...sabi ko, if i go there, pamasahe ko from my own pocket...sabi nia, ok, ok, ill loan u some money...sabi ko, nye, saka na natin pag usapan yan...tas kanina morning he called me up ulit coz one of his bossings in japan passed away...tas sad daw sia...anyways, yan ang nangyayari ngayon sa buhay ko...it's mostly weird...pero tignan natin how long this lasts...hehehe
Friday, October 03, 2003
belinda, naalala ko bigla yung yearbook and siddharta.
naglinis kasi ako ng room last night,
napansin ko yung missing book 2 ng yearbook namin.
huhuhuhuhuhuhu!
Thursday, October 02, 2003
hi uli everyone!
syempre di ko pinansin mga blog nyo,
talagang super post ako ng cebu+bohol kwento ko.
chuks!
about allen, di ko alam ano ia-advise sa yo,
basta go lang with the flow, have fun.
if you feel uncomfortable with the situation,
then tell him asap para di na sya umasa or anything.
kung gusto mo lang i-enjoy, one day at a time,
maki-ride ka na lang siguro.
basta bottomline, do what you feel will maximize
the fun factor without compromising yourself.
say!
about mr salbakuta, gusto ko syang makita uli,
tapos interview ba tapos tanong ko kung feeling
nay talaga e gwapo sya at habulin ng chicks.
although kahit alam naman ng 99.99% ng mundo na hindi,
meron pa namang 00.01% na agree at some point.
diba cherryl?
chuks!
teka, post ko pala yung pics!
wait lang kayo ha!
chuks!
hi everyone!
the goddess of beauty is back!
i hope super duper miss na-miss nyo ako,
the same way na na-miss ko ang email.
chuks!
just got back from cebu and bohol,
and fun, fun, fun ang trip!
we stayed in waterfront in cebu city,
and in fairness, same as shangri-la,
though it's cheaper and without a beach.
nakadaan kami sa shang kasi noong sunday night,
when we had dinner sa sutukil sa mactan.
it's a seafood resto na mala-dampa,
tapos pili-pili ka lang ng mga seafood.
instead of the more expensive lobster,
kumain na lang kami ng crayfish, scallops,
squid and giant shrimps!
good na sya sya for 3 people, tapos less than 1k.
aside from nett, ni-meet din namin isang friend,
si juvy na galing ng bohol tapos nag-stopover sa cebu.
ang saya ng dessert, kasi 2 tables away si marcus madrigal,
partner ni anna capri sa pila-balde.
chuks!
the same day din pala, we got to eat cebu lechon,
but it was kinda disappointing,
kasi sa loob ng sm foodcourt lang namin nabili.
may ni-recommend kasing place, yung cnt lechon,
pero super daming tao sa loob,
ni hindi mo ma-sight yung china-chop na lechon!
tapos we also went to magellan's cross,
yung sto nino church, oldest church yata in cebu.
yung mga na-visit naming churches,
including yung baclayon church sa bohol,
super antique na lahat and dami mga sto nino.
even entrance ng fort san pedro, may sto nino sa itaas.
the following day, ni-meet namin yung mga
former students ng tatay ni nett sa cebu,
sina tita liklik and si tita angie.
sinundo nila kami sa hotel,
tapos dinala nila kami sa japanese resto.
at first napaisip ako bat sa jap resto,
i was hoping kasi na cebu delicacies ang papakain nila.
while waiting for the food inside the resto,
they asked nett, "is marlon filipino?".
saykolow, e nagta-tagalog naman ako so
di ko alam bat nila naisip na hapon ako!
yun yata reason bat jap resto kami dinala,
kasi yung mga japanese guests nila lagi don dinadala.
tapos hayun, super busog ng lunch,
ala carte na naging buffet sa sobrang kabusugan.
siguro mga 3 hours before lunch,
breakfast buffet din sa hotel,
so abot utak ang kabusugan namin ni nett.
chuks!
after lunch, nag-tour kami sa fort san pedro,
one of the smallest spanish forts in the philippines,
tapos sa colon street, oldest street,
visayas university, oldest university in cebu,
san carlos university, oldest school in the philippines.
halos lahat yata ng napuntahan namin, may -est sa description.
chuks!
noong gabi sinundo uli kami ni tita liklik sa hotel,
tapos kasama nya yung d.i. nya, si boyet.
cutie si boyet, mukhang bata pa pero 30 na.
saykolow si nett, sabi nya, "tita, anak nyo?".
buti na lang at di binawi yung tig-isang kilong danggit,
and roundtrip tickets namin to bohol,
na courtesy ni tita liklik dahil mukha kaming walang pera.
chuks!
tapos hayun, we went to first circle,
pang-ballroom dancing na club somewhere in cebu,
tapos kaba kami ni nett kasi di kami marunong.
buti na lang at kumuha sila ng tig-isang d.i. for us,
although mas ok sana kung si patrick,
and hindi si grace ang naging partner ko.
chuks!
happy yung night, super ni-lands ni nett si patrick.
in fairness, cutie si patrick, like the other dancers.
dito rin sya sa manila nag-aral so can relate sya,
unlike grace na di pa nakakapunta ng manila.
grace was ok, magaling sya sumayaw,
marunong na akong mag-reggae, rumba, swing, chacha, waltz.
just name it, i can dance it.
chuks!
natapos kami ng past 2 am,
tapos we needed to get up ng 530 kasi
susunduin kami ng 630 para pumunta sa pier for bohol.
nagising kami mag-630 na, so yung breakfast buffet,
natapos ko in less than 10 mins, with 2 plates lang.
chuks!
bohol was super fun, pero super tiring and super magastos.
don kami sa dumaluan, sa tabi ng bohol beach club.
we rented a van for 2k, para tour kami ng bohol.
nag-loboc river cruise kami,
tapos buffet lunch sa loob ng boat.
super nice ng river cruise, ang linis ng river,
tapos may band sa loob ng boat kaya medyo romantic.
too bad, si nett ang kasama ko and hindi ang soulmate ko.
chuks!
after loboc, diretso kami sa tarsiers,
and ang liit-liit lang nila.
ang sarap nila hawakan, gusto pisain ni nett.
no entrance fee, donation lang ng any amount.
tapos we went to chocolate hills na medyo disappointing,
kasi kulay green sila lahat tapos medyo cloudy.
umakyat kami don sa 214-steps na stairs,
tapos pagdating mo sa taas,
kita mo na most of the chocolate hills.
then we went to baclayon church na puno ng mga statues,
tapos don sa blood compact site.
mga past 5 pm, nasa dumaluan na uli kami,
tapos lublob na agad sa dagat!
super duper nice ng dagat nila don,
as in pristine white sand, better than boracay!
more peaceful, much more relaxing.
daming starfish, as in iba-ibang klase.
meron ding fish sanctuary chuchu,
pero wala akong nakitang isda, puro starfish.
the following day, rampa naman kami sa bohol beach club,
tapos better yung view don, bayad ka lang 150 to get in,
pero consumable naman yung 100 don.
so to continue the trend, nag-breakfast buffet uli kami.
tapos higa na along the beach until noon.
nakatulog pa ako in between studying for my final exam.
basta super duper relaxing doon,
how i wish we could have stayed longer.
so hayun, pagbalik sa waterfront,
nag-casino na lang uli kami ni nett,
tapos nabawi ko yung 400 na natalo sa kin.
fun yung sa pula, sa puti na game,
medyo malaki yung chance na manalo ka,
unlike yung slot machine na naubos 400 pesos ko!
in one sitting, nabawi ko lahat ng talo ko.
tapos bandang 6 pm, dumating si tita angie,
may padala sa ami na isang buong lechon from cnt!
as in di namin alam gagawin ni nett,
kasi ang bigat na ng bagahe namin.
buti na lang at 41 kilos lang ang total ng lahat,
kundi wala na kaming pangbayad sa excess baggage,
although nakapag-duty free shopping pa kami.
chuks!
so hayun lang ang aming visayan adventure,
sana lang talaga na-miss nyo ako.
chuks!
:)
Wednesday, October 01, 2003
hello sa inyo lahat...help..kelangan ko ng analysis nio...si allen...he calls me up everyday...tas minsan two or three times pa...minsan mejo matagal din usap namin...he's been very direct about liking me/wanting to meet up (gulp)...tas kung ano ano pa about his future plans (career etc)...eh me pa, pa-smile-smile lang ako pagganon na topic...the other night, para kaming ewan, he made me listen (over the phone) to this song that goes..."how did you know, i needed someone like you in my life..." baduy ba? chuks...anuyun? sa tingin nio laro lang to? dati dapat talaga enjoy lang, pero naisip ko baka serioso na sia....